top of page
Search

ni Lolet Abania | August 25, 2021


ree

Ipinahayag ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang Moderna at AstraZeneca ay hindi na tumatanggap ng vaccine orders para sa first wave procurement ng kumpanya.


Sa public address ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes nang gabi, sinabi ni Galvez na ang Moderna at AstraZeneca ay kumukuha na lamang ng mga orders para sa second wave procurement nila. "Ibig sabihin, ibang produkto na 'yun.


Either it's a booster or a new product na second generation vaccine, hindi 'yung first generation vaccine," paliwanag ni Galvez. Ayon sa kalihim, hinihintay pa ng gobyerno ang presentasyon ng dalawang vaccine brands tungkol dito bago tuluyang umorder ng bakuna sa kanila.


Matatandaang sinabi ng National Task Force Against COVID-19 na ang tripartite agreements para sa pag-secure ng mga COVID-19 vaccines ay natigil dahil sa ang mga international drug manufacturers ay nabigla nang husto sa dami ng kumukuha ng bagong orders ng bakuna.


Ayon kay NTF spokesman Restituto Padilla ang mga vaccine makers ay hindi pa rin handang tumanggap ng bagong agreements kahit pa ang Vaccination Program Act of 2021ay pinapayagan ang mga local government units na bumili ng kanilang bakuna sa pamamagitan ng multi-party agreements.


Sa ngayon, ang pamahalaan ay nagsisikap na matugunan ang problema sa kakulangan sa supply ng COVID-19 vaccine upang makapagbakuna na ng 70 porsiyento ng populasyon ng bansa.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 3, 2021


ree

Pahirapan ang pagbabakuna sa mga senior citizens dahil umano sa "hesitancy", ayon kay Secretary Carlito Galvez, Jr.. Ani Galvez sa weekly Cabinet meeting, "Mr. President, ang talagang medyo challenge natin, sa mga senior citizens.


Nakita natin na hindi umaangat ang first dose natin... dahil sa some sort of hesitancy sa ating mga A2."


Ayon sa datos ng pamahalaan, nasa 2,616,273 pa lamang ang mga fully vaccinated nang mga senior citizens at sa kabuuang bilang ay umabot na sa 9,115,963 ang mga Pinoy na nakakumpleto na ng bakuna habang 11,747,581 naman ang nakatanggap na ng first dose.


Samantala, ayon kay Galvez, sa kabila ng pag-aalangan, plano pa rin ng pamahalaan na maipamahagi ang 5 million doses ng bakuna sa mga senior citizens.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 20, 2021



ree

Mahigit 8 million COVID-19 doses ang naiturok na sa Pilipinas, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. ngayong Linggo. Ayon sa datos ng National Vaccination Operations Center (NVOC), umabot na sa 8,050,711 ang nai-administer na nationwide noong June 18 kung saan 5,953,810 ang naiturok para sa first dose at 2,096,901 naman ang second dose.


Saad ni Galvez, “There’s no letup in our vaccination campaign. All sectors of society are working together so that we can start to move on from this pandemic, bring back a greater sense to our lives, and further open up our economy.”


Ayon sa National Task Force (NTF), sa A1 priority group, 94.24% o 1,053,373 healthcare workers na ang nakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19. Sa A2 priority group naman o mga senior citizens, 1,939,599 na ang kabuuang bilang ng mga nakatanggap ng first dose, habang 536,476 ang fully vaccinated na.


Sa A3 priority group naman o persons with comorbidities, 2,005,206 ang nakatanggap na ng first jab ng bakuna habang 498,925 naman ang fully vaccinated na.


Sa A4 priority group na binubuo ng mga economic frontliners, 452,600 ang nabakunahan na ng first dose at 8,127 ang nakakumpleto na. Sa A5 priority group naman o ang mga indigents, 23,826 ang nakatanggap na ng first dose.


Saad pa ni Galvez, “Local government units and the private sector are playing a key role in this effort, as they ramp up the inoculation of their citizens and employees, respectively. They are really doing an amazing job and we would like to laud them for their hard work.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page