top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 5, 2021


ree

Binaha ang maraming lugar sa Capiz matapos ang walang tigil na ulan bunsod ng Bagyong Lannie.


Ayon kay Jing Pelaez ng Capiz Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, mas dumami ang barangay at munisipyo na apektado sa pagbaha.


"Kung kahapon ay 13 pa lang po yung binabaha, ngayon ay 27 barangays na at saka 4 na municipalities ang affected. Nasa 17 individuals o 7 pamilya ang inilikas sa bayan ng Mambusao dahil sa pagbaha," aniya.


Kabilang sa mga bayan na apektado ay ang Mambusao, Jamindan, Dumalag at Sigma.


Ayon sa PAGASA nitong Martes, makakaranas pa rin ng malakas na pag-ulan ang Western Visayas dahil sa epekto ng bagyo.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 25, 2021



ree

Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Jose Advincula ng Capiz bilang bagong arsobispo ng Archdiocese of Manila ngayong Huwebes. Ika-33 arsobispo na si Advincula ng Maynila at si Cardinal Luis Antonio Tagle na isa nang prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples ang kanyang pinalitan.


Simula noong Pebrero, 2020 ay walang arsobispo ang Maynila kaya itinalaga ni Pope Francis si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang apostolic administrator ng archdiocese.


Noon namang Nobyembre, 2020, itinalaga ni Pope Francis bilang cardinal si Advincula. Isinilang si Advincula sa Dumalig, Capiz at naordinahan bilang pari noong 1976.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page