top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | February 3, 2026



Sarah at Curlee Discaya - Senate of the Philippines

File Photo



Tataas na naman ang presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes, Pebrero 3.

Sa hiwalay na abiso ng mga kumpanya ng langis partikular ng Chevron Philippines Inc., Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp., ang presyo ng gasoline kada litro ay tataas ng P0.80; diesel P1.60 per liter; at kerosene P1.10 per liter.


Ang taas-presyo ay dahil sa mabagal na recovery ng Tengiz field sa Kazakhstan, ang mataas na banta sa premium ng Iran at ang desisyon ng OPEC+ na itigil muna ang pagtaas sa kanilang produksyon.


Ito na ang ikaapat na sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng gasolina at parehong pang-anim na walang patid na pagtaas ng presyo ng diesel at kerosene.

 
 

by Info @Business News | February 3, 2026



Sandro Marcos

Photo: Sandro Marcos / FB



‘No work, no pay sa Kamara?’


Isinusulong ni House Majority Leader Rep. Sandro Marcos ang pagpapatupad ng “no work, no pay” sa mga miyembro ng Kamara o House Bill No. 7432.


Sa ilalim ng HB No. 7432, makakatanggap lamang ng sweldo ang mga mambabatas kung makakadalo sila sa mga sesyon o opisyal na aktibidad na may kinalaman sa kanilang trabaho.


Ayon sa explanatory note ni Marcos, “This proposed legislation also provides safeguards by recognizing valid reasons for absence, such as illness or official representation duties, while penalizing misconduct and fraudulent claims.”

 
 

ni Gina Pleñago @News | February 2, 2026



Missile ng China - PCG

Photo: File



Nagpatupad ng P1.50 dagdag-presyo sa kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang Petron simula alas-12:01 ng hatinggabi kahapon.


Ang pagbabago ay sumasalamin umano sa presyo ng LPG sa international market para sa Pebrero.


Samantala, ang Solane naman ay may P1.55 dagdag-presyo, simula alas-6 ng umaga.

Ayon sa kumpanya, ang hakbang ay nakaayon umano sa adjustment ng international LPG contract price para sa buwan ng Pebrero.


Nangangahulugan ito ng karagdagang humigit-kumulang P16.50 hanggang P17 sa isang 11-kilogram cylinder, na karaniwang ginagamit sa tahanan.


Ang pagtaas ng presyo ay kasunod ng serye ng buwanang LPG adjustments na nakadepende sa galaw ng global market.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page