top of page
Search

by Info @News | November 15, 2025



Konstruksiyon, operasyon ng Monterrazas de Cebu, ipinatigil ng DENR

Photo File: Monterrazas de Cebu / SS FB



Ipinahinto na ang pagtatayo at operasyon ng Monterrazas de Cebu dahil sa naiulat na environmental violations mula nang itayo ito, ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) regional director Laudemir Salac.


Aniya, natuklasan ng ahensya ang pagputol sa mahigit 700 puno sa naturang lugar nang walang permit.


Bukod dito, nilabas din umano ng proyekto ang 10 sa 33 conditions sa kanilang environmental compliance certificate.


Kaugnay nito, tiniyak ni Salac na hindi na muling mag-o-operate ang proyekto maliban na lang kung maaayos ang nasirang detention pond.

 
 

by Info @Business News | November 5, 2025



Bagyong Tino, Super Typhoon

Photo: Disaster bagyong Tino PH - Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office-CCDRRMO



Nanatili sa 1.7% ang inflation rate ng Pilipinas nitong Oktubre 2025, na parehong antas noong Setyembre 2025, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).


Naitala naman ang mas mataas na inflation rate noong Oktubre 2024 na umabot sa 2.3%.


Ayon kay National Statistician at PSA Undersecretary Dennis Mapa, nagkaroon ng mas mabagal na pagtaas ang mga presyo ng pagkain noong Oktubre, na tumaas lamang ng 0.3% kumpara sa 0.8% noong Setyembre.


Sinabi naman ng Department of Economy Planning and Development (DEPDev) na sumasalamin ito sa mga proactive na hakbang ng gobyerno upang pamahalaan ang mga kondisyon ng sup

 
 

by Info @News | October 26, 2025



VATax

Photo: File



Nilinaw ng Department of Finance (DOF) na hindi totoo ang mga ulat ng umano’y plano ng kanilang ahensya na magtaas ng Value Added Tax (VAT) sa susunod na taon.


Ayon sa DOF, walang idadagdag na buwis para sa taumbayan at nakatutok umano ang kanilang ahensya sa pagpapalakas ng koleksyon ng pondo sa pamamagitan ng digitalization, mas mahigpit na tax enforcement, at pagsasara ng mga butas sa tax system sa bansa.


Iginiit din nila na mas binibigyang pansin umano nila ang non-tax revenues sa pamamagitan ng mas mataas na dividend contributions mula sa mga Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) at privatization ng ilang government assets.


Kasabay nito ay tiniyak din nila na sapat ang pondo ng pamahalaan at nasa tamang direksyon ang kanilang ahensya para pondohan ang kanilang mga programa.


Nanawagan din ang DOF sa mga opisyal tulad ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga na maging responsable sa pagbabahagi ng mga impormasyon at iwasan ang pagkalat ng fake news.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page