top of page
Search

ni BRT | March 13, 2023



ree

Inaresto ng Bureau of Immigration officials ang isang Chinese national matapos itong magpakita ng Philippine passport habang nagtatangkang lumipad pa-Caticlan international airport.


Sa isang pahayag mula sa BI, nakuha nila kay Zhou Jintao ang isang pasaporte na nakapangalan kay Jensen Tan.


Kabilang din sa mga nakuha sa kanyang mga gamit ang identification papers, Philippine PWD ID, NBI clearance at isang birth certificate na nagsasabing ito ay ipinanganak sa Davao del Sur ng isang Pinay na ina at ang kanyang ama naman ay isang Chino.


Habang sumasailalim sa interview, hindi nakakapagsalita ng tagalog si Zhou at kalaunan ay umamin ito na siya ay isang Chinese citizen.


Batay sa database ng Immigration, huling dumating si Zhou sa bansa noong Hunyo 30, 2019.


Nakatakdang itinurn-over si Zhou sa warden facility ng BI sa Bicutan, Taguig habang isinasaayos ang deportasyon nito.


 
 

ni Lolet Abania | June 22, 2022


ree

Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang walong overstaying na dayuhan sa National Capital Region (NCR) na hinihinalang mga miyembro ng isang illegal drug syndicate.


Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang mga foreign national ay dinakip ng BI fugitive search unit (FSU) sa koordinasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) Special Action Unit sa Las Piñas at Makati City nitong Biyernes.


Sinabi ni Morente, ang mga dayuhan ay sasailalim sa deportation procedures sanhi ng tinatawag na undesirable dahil sa pagkakasangkot ng mga ito sa ilegal na droga.


“However, they will be criminally charged and prosecuted in court and, if convicted, they will have to first serve their sentences before we can deport them,” ani Morente sa isang statement.


Ayon naman kay BI-FSU chief Rendel Ryan Sy, dalawa sa mga inaresto ay Yemeni national, tatlong Sudanese, isang Djibouti national, isang Sri Lankan, at isang Kyrgyzstani national. Kinilala ang dalawang Yemeni nationals na sina Ayesh Hazem Faiz Kadaf at Ayesh Hamzah Faiz Kadaf na dinakip sa kanilang tirahan sa Las Piñas.


Hinuli naman ng BI ang Djibouti national na si Mohamoud Mouhoumed Mohamed sa isinagawang operasyon, kung saan nakuhanan ito ng illegal drugs.


Sa hiwalay namang operasyon, ang Sudanese nationals na sina Mohamed Alfaith Mohamed Saeed Osman, Eltayeb Ahmed Subahi Faris, at Angolan Ciel Do Carmo Miguel Domingos ay inaresto sa kanilang tirahan sa Poblacion.


Nakarekober din sa mga ito ng dangerous drugs. Gayundin, ang Sri Lankan na si Mohamed Silmy Sahabdeen at ang Kyrgyzstani national na si Anara Ruslanova ay inaresto rin sa ikinasang operasyon, habang nahulihan din ng ilegal na droga.


“We will not tolerate any foreign national destroying our communities by peddling illegal drugs. We are working closely with other government agencies to ensure that these criminals are deported and blacklisted from our country,” pahayag pa ni Morente. Kasalukuyang nakadetine ang mga foreign nationals sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa.


 
 

ni Lolet Abania | June 10, 2022


ree

Nasa 18 opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration ang dinismis sa kanilang posisyon dahil sa kanilang pagkakasangkot sa “pastillas scheme,” kung saan pinayagan umano nila ang ilegal na pagpasok ng mga Chinese citizens sa Pilipinas.


Ayon kay Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Neal Bainto, napag-alaman ng DOJ na ang mga BI personnel ay may pananagutang administratibo para sa Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty, at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service, kaugnay sa naturang scheme.


“The 18 respondents have been meted the penalty of Dismissal from the Service, with the imposition of the proper accessory penalties,” pahayag ni Bainto sa isang mensahe sa mga reporters.


Sinabi ni Bainto, ang penalty ng kanilang dismissal ay sakop din ng penalty ng perpetual disqualification na humawak ng public office.


Ang mga sinibak sa serbisyo ay sina Francis Dennis Robles, Glen Ford Comia, Rodolfo Magbuhos Jr., Deon Carlo Albao, Danieve Binsol, Paul Erik Borja, Abdul Fahad Calaca, Anthony Lopez, Gabriel Ernest Estacio, Chevy Chase Naniong, Danilo Deudor, Ralph Ryan Garcia, Phol Villanueva, Fidel Mendoza, Benlando Guevarra, Bradford Allen So, Cecille Jonathan Orozco, at Erwin Ortañez.


Sa ilalim ng scheme, pinayagan nila ang mga Chinese nationals na makapasok sa bansa nang hindi dumaan sa nararapat na Immigration formalities sa pamamagitan ng pagbabayad ng P10,000.


Tinawag itong “pastillas” dahil ang sinasabing bribe money ay ibinigay na nakabalot sa papel o paper rolls na kagaya ng sikat na delicacy ng Pilipinas. Nitong Martes, inihain ng Office of the Ombudsman ang graft charges laban sa 42 BI personnel na sangkot umano sa naturang scheme.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page