top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 4, 2021


ree

Sinira ng Bureau of Customs (BOC) Port of Manila ang aabot sa P2 bilyong halaga ng mga nakumpiskang pekeng produkto noong Sabado sa Meycauayan, Bulacan.


Ayon sa Intellectual Property Rights Division (IPRD) ng Intelligence Group ng BOC, kabilang sa mga pekeng produkto ay gumagamit ng brand name ng Nike, Vans, Adidas, Jordan, Hello Kitty, New Balance, Victoria’s Secret, Lacoste, NBA, Gucci, Tribal, Jag, Fila, Supreme, Puma, Mickey Mouse, Wrangler, Cetaphil, Nivea, Louis Vuitton, Bulgari, Tommy, Champion, Cool Water, Jo Malone, Clinique, Glutamax, JBL, Dove, Jergens, at Dior.


Samantala, ayon sa BOC ay lalo pang paiigtingin ng ahensiya ang pagbabantay laban sa mga pekeng produkto.


Pahayag pa ng BOC, “The District Collector further warned the public to be wary of using counterfeit products as they may have adverse side effects; lotions, perfumes even electronic products that are substandard.


 
 

ni Lolet Abania | June 30, 2021


ree

Umabot sa P10 milyong halaga ng puslit na sibuyas ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) na itinuturing na misdeclared bilang ice cream na mula sa China.


Sa isang pahayag ng BOC ngayong Miyerkules, ang dalawang shipments, kung saan ito ay consigned sa isang E. Austero Merchandising ay nasamsam ng ahensiya nitong Lunes.


Mula sa ginawang eksaminasyon ng BOC sa Manila International Container Port (MICP), nadiskubre ang agricultural goods na itinago sa mga ice cream containers kung saan ang mga ito ay napailalim sa tinatawag na non-intrusive at full examination.


Agad na nag-isyu ang BOC ng isang warrant of seizure and detention sa shipments dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).


“As the importation of food items remains a priority to ensure food security in the country, MICP remains committed to curb smuggling of unsafe food items,” saad ng ahensiya.


Sa ilalim ng batas ng Pilipinas, ang mga importers ay kinakailangang mayroong kaukulang permits mula sa BOC at sa Department of Agriculture (DA).


Gayundin, ang BOC ay inatasan upang sumuri at kumolekta ng customs revenues mula sa mga imported goods at magpatupad ng border control para maiwasang makapasok sa bansa ang mga puslit na kalakal.

 
 

ni Lolet Abania | June 18, 2021




Aabot sa 21 mamahaling sasakyan ang sinira ng Bureau of Customs (BOC), kabilang na ang isang McLaren 620R na nagkakahalaga ng P33 million sa Port Area, Manila at Cagayan de Oro Port ngayong Biyernes.


Ayon sa mga opisyal ng BOC, ininspeksiyon nilang mabuti ang mga sasakyan bago nila ito winasak sa headquarters ng ahensiya. Nasa pitong mga luxury cars sa Port Area, habang may 14 na gamit nang Mitsubishi Jeeps naman sa Cagayan de Oro Port ang magkasabay na winasak ng BOC dahil sa misdeclaration at hindi pagbabayad ng tamang buwis.




Sa report, hindi umano idineklara sa mga dokumento ang totoong brand ng mga kotse at kung saan ito gawa. Gayundin, dahil ‘misdeclared’ ang mga luxury cars, P3 milyon lamang ang buwis na babayaran sana ng mga importer sa halip na P35 hanggang P40 milyon dapat.


Ayon kay Vincent Maronilla, spokesperson ng BOC, mula sa mga winasak na mamahaling sasakyan, nadiskubre nila ang ganitong paraan ng pagpasok nito sa bansa matapos ang ginawang X-ray inspection.


Aniya, hindi umano tumutugma ang mga deskripsiyon sa papeles at sa mga detalye na lumalabas sa X-ray visual ng mga sasakyan. Sa ngayon, wala pang tugon mula sa mga importers para linawin ang kanilang mga papeles habang hindi pa rin nakikipag-ugnayan ang mga ito sa BOC.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page