top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 18, 2022


ree

Nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P9 milyong halaga ng mga imported na pekeng sigarilyo sa isang warehouse sa Valenzuela City nitong Huwebes.


Ayon sa BOC, sa kanilang pag-iinspeksiyon ay natagpuan nila sa loob ng warehouse ang kahon-kahong pekeng sigarilyo tulad ng Marlboro Reds, Mighty, Modern Cigarettes, Carnival, Red Golden Dragon (RGD) Classic, at iba pa.


Ang mga pakete ng sigarilyo ay mayroong kahalintulad na Bureau of Internal Revenue (BIR) stamps at serial numbers, ayon sa BOC.


Mayroon din umanong iba pang kahon ng sigarilyo na natagpuan sa loob ng sasakyan na nasa storage area ng warehouse.


Dinala ang mga nasabat na pekeng sigarilyo sa BOC premises at nakatakdang isailalim sa seizure at forfeiture proceedings sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.


Ang joint operation na ito ay isinagawa ng Manila International Container Port-Customs Intelligence and Investigation Service (MICP-CIIS) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).


Samantala, pinuri ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro ang naturang operasyon dahil napigilan nito na makarating sa merkado ang mga pekeng produkto


“Our people trust us to do our jobs well, and that means ensuring that only safe and legal products enter our markets. It is upon the Bureau to protect the borders from these criminals, to free the local markets from illegal practices that put our efforts into question,” aniya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 28, 2022


ree

Halos lahat ng presidential bets ay sinabing kung sila ang mananalong pangulo ay uunahin nilang labanan ang korapsiyon sa Bureau of Customs (BOC).


Nang tanungin kung anong ahensiya ang unang iimbestigahan hinggil sa mga alegasyon ng korapsiyon sa ginanap na CNN Philippines presidential debate, sinabi nina Ernesto Abella, Norberto Gonzales, Leody de Guzman, Panfilo Lacson, Faisal Mangondato, Jose Montemayor Jr., Isko Moreno, at Leni Robredo na mag-uumpisa sila sa BOC.


Si Manny Pacquiao ang nag-iisang nagsabi na magsisimula siyang mag-imbestiga sa Department of Health.


Si Ferdinand “Bongbong” Marcos ay hindi dumalo sa naturang debate.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 17, 2022


ree

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nasa P3.5 milyong halaga ng mga isda, pagong, palaka, at halamang dagat noong nakaraang Huwebes.


Ang mga naturang hayop ay kabilang sa import shipment ng isang Aquaxotic Enterprises mula sa Thailand.


Kabilang sa mga nasabat ang 180 albino soft-shelled turtles, 120 pacman frogs, at 38,188 na mga isda.


Kabilang din sa nasamsam ang 718 anubias plants at 260 microsorium plants.


Ayon sa Bureau of Customs, ang mga naturang hayop at halaman ay hindi naka-declare sa permit to import ng Aquaxotic.


Tinatayang naghakakahalaga ang mga ito ng P3.5 milyon.


Ayon pa sa BOC, ito ay paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page