top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | December 17, 2023




Tinalakay nina Maja Salvador at Rambo Nunez ang kanilang mga plano bilang first-time parents, sa isang interbyu ni Bernadette Sembrano.


Nang tanungin tungkol sa unang reaksyon ng mag-asawa sa pagbubuntis, si Maja ang unang nagkuwento hinggil sa adjusment para sa kanyang daily work routine at kung paano siyang nasanay sa morning sickness.


Aniya, "Ako nung first month and second month, hindi ko itatanggi na from sobrang workaholic ko or sa andami kong ginagawa every day in my life, cut to nakahiga lang ako.


"Nakahiga, hindi dahil hindi okay yung kapit. Strong si baby. Okay yung position niya, mataas daw, yung lining ko, yung kapit niya okay, so thank you Lord.


"Siguro sa sobrang strong niya, grabe yung nausea ko, grabe yung morning sickness ko na all-day sickness siya, di siya talaga morning sickness, so hindi ako makatayo.


"Parang ang tayo ko lang is hanggang banyo tapos yung parang every day nasa work to every day ako nasa bahay."


Nagbigay naman ng nakatatawang paglalarawan si Maja tungkol sa pagbubuntis kung saan sinabi niyang, "parang naka-method acting ako na buntis ako," na nagdulot ng tawanan.


Ibinahagi ng 35-anyos na aktres kung paano niya hawak-hawakan ang kanyang tiyan at umaarte ng mga posturang pangbuntis.


"Parang hinahawakan ko na yung tiyan ko, or nakaliyad na ako kahit hindi pa sobrang laki... Yung feel na feel kong buntis ako," pagbabahagi ng aktres.

 
 

ni Lolet Abania | March 25, 2021




Maaari pa ring ipagpatuloy ng mga nanay ang kanilang pagpapa-breastfeed sa kanilang mga sanggol kahit pa nagpositibo sila sa test sa COVID-19 o mayroong mild symptoms, ayon sa isang doktor na miyembro ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19.


Ayon kay Dr. Mianne Silvestre, kinakailangan lamang ng isang Covid -positive at symptomatic na ina na magsagawa ng mga preventive measures gaya ng pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay, pag-disinfect ng mga nasa paligid niya, at iwasan ang umubo o ubuhan ang anumang parte ng katawan lalo na ang bahaging nahahawakan ang kanyang sanggol.


“Yes, even if you’re COVID-positive or have mild symptoms, puwede pa rin talaga and dapat actually i-breastfeed ‘yung baby and for the same reason na baka nata-transmit ‘yung antibody sa baby, all the more na ‘wag dapat hiwalayin po,” ani Silvestre sa isang briefing ngayong Huwebes.


“Breast milk itself has not been demonstrated to transmit the virus… The transmission is still the same as us, respiratory, aerosols, and droplets,” dagdag pa ng doktora.


Binanggit din ni Silvestre ang tungkol sa ilang statements ng mga eksperto na ang mga buntis at breastfeeding women ay maaaring magpabakuna ng COVID-19 vaccine matapos na kumonsulta sa kanilang mga doctor.


Batay sa inilabas na pahayag ng Philippine Pediatric Society, ang lahat ng COVID-19 vaccines ay maaaring ibigay sa mga nagpapasusong ina matapos na makausap ang kanilang mga doktor, at hindi kailangang ihinto o iwasan ang pagpapa-breastfeed makaraang mabakunahan.


“There is very early evidence suggesting a large potential benefit of a vaccinated mother who breastfeeds passing on antibodies against the COVID-19 virus to her infant,” ani Silvestre.


“Whether or not the level of antibodies in breast milk is sufficient to actually protect the baby against Covid, we still don’t know. This is very preliminary,” sabi pa niya.


Samantala, mahigit sa 500,000 mamamayan na ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine hanggang nitong Marso 23.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page