top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | September 23, 2023




Nasa 26 na mga bayan sa Batangas ang apektado ng volcanic smog o vog mula sa asupreng ibinubuga ng Bulkang Taal.


Ayon kay Batangas Vice Governor Mark Leviste, inaalalayan na ang mga local government units na apektado ng vog upang mabigyan ng proteksyon ang kanilang constituents.


Namigay na rin ang provincial government ng N95 face masks at pulse oximeters.


Samantala, 40 estudyante ang isinugod sa iba't ibang ospital sa Tuy, Batangas matapos makaramdam ng paninikip ng paghinga, pagkahilo at pangangati ng lalamunan dahil sa volcanic smog.


Nagbabala naman ang mga eksperto na iwasang makalanghap o makasinghot ng smog dahil posibleng mapinsala ang baga at maaaring magpalala sa asthma o hika ng mga mayroon nito.



 
 

ni Mai Ancheta | June 4, 2023




Nakabantay ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) dahil sa mga naitalang mahinang aktibidad ng Taal volcano.


Ayon sa Phivolcs, simula alas-6:35 ng umaga noong Biyernes ay nakapagtala sila ng mahihinang pagyanig ng bulkan mula sa lahat ng 15 seismic stations ng Taal Volcano Network.


Kasabay ng mahihinang pagyanig ang pag-akyat ng volcanic fluid mula sa crater lake ng bulkan na naitala sa remote cameras ng Phivolcs.


Mayroon ding naitalang bahagyang pagtaas sa pagbuga umano ng asupre sa bulkan sa nakalipas na dalawang linggo.


Sinabi ng Phivolcs na posibleng itaas sa level 2 ang alerto sa Bulkang Taal kapag nagpatuloy ang mga naitalang mahinang pagyanig sa mga susunod na araw.


Nagbabala ang ahensiya sa publiko na iwasang pumasok sa isla kung saan naroon ang Bulkang Taal dahil deklarado na itong permanent danger zone.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 3, 2022



Nakapagtala ng 17 volcanic earthquakes o pagyanig sa nakalipas na 24 oras ang Bulkang Taal, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo.


Kabilang dito ang apat na volcanic tremor events na nagtagal ng isa hanggang dalawang minute, at 13-low frequency volcanic earthquakes, ayon sa bulletin ng PHIVOLCS.


Patuloy din na may namumuong mainit na volcanic fluis sa main crater lake na nagdudulot ng mga plumes na umaangat nang 900 metro bago ito dumaloy pa-timog-kanluran.


Nagbuga rin ito ng average na 1,232 tonnes ng sulfur dioxide nitong Sabado.


Ayon pa sa PHIVOLCS, nananatiling nakataas sa Alert Level 3 ang Bulkang Taal.


"This means that there is a magmatic intrusion at the Main Crater that may further drive succeeding eruptions," ayon sa pahayag ng ahensiya.


Dahil sa panganib na posibleng idulot ng bulkan ay paulit-ulit na ipinaaalala ng PHIVOLCS ang paglikas ng mga residente mula sa high-risk barangays ng Bilibinwang at Banyaga sa Agoncillo at Boso-boso, Gulod at eastern Bugaan East sa Laurel, Batangas.


Dagdag pa ng ahensiya, ang Taal Volcano Island ay isang Permanent Danger Zone.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page