top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | February 5, 2026



BULGARY - BARBIE_ ‘DI AKO ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA RICHARD AT SARAH_FB Barbie Imperial

Photo: FB Barbie Imperial



Open na si Barbie Imperial na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Richard Gutierrez. 


Sa panayam ni Ogie Diaz, ibinahagi niya na ang relasyon nila ng aktor ay nagsimula lamang nang maghiwalay si Richard at ang asawang si Sarah Lahbati.


Inamin ni Barbie na naiintindihan niya kung bakit nagagalit ang mga netizens sa kanya, pero sa kabila ng kontrobersiya ay nananatiling mabuti ang relasyon nila ni Sarah. 

Naging mabigat ang akusasyon mula sa mga kritiko na siya umano ang ‘third party’ sa hiwalayan nina Richard at Sarah.


Sa masinsinang pag-uusap, sinabi ni Ogie na maraming tao sa social media ang patuloy na nagsasabing siya ang ‘number two’ kahit hiwalay na ang dating celebrity couple noon pa man. 


Ani Barbie, “Opo, wala na po sila nu’n. ‘Di ko lang po sigurado, Tito, ‘yung exact month na naghiwalay sila. Pero ‘yung amin po ni Richard, nag-start nu’ng nagpunta po kami ng Tipsy Pig.”


Inamin ng aktres na ang karanasang ito ang isa sa pinakamahirap na hamon na kanyang hinarap sa buhay. 


“Feeling ko po, Tito, ‘yung pinakamalalang bashing sa akin ay ito po talaga, ‘yung relationship ko po with Chard. Dito po ‘yung medyo na-depress ako,” pakli ni Barbie.

Paliwanag niya, sinadya niyang manahimik upang maiwasan ang pagpapalala ng sitwasyon. 


“‘Di po ako makapagsalita noon kasi ayoko rin pong makakuha ng reaction from Sarah. Ayaw ko pong mag-trigger-an kami, kaya hinayaan ko na lang po ang panahon na makapag-forgive sila sa isa’t isa at gumaan ang loob ng mga taong involved,” esplika niya.


Ipinakita ni Barbie ang pagiging matured sa pagharap sa mga negatibong reaksiyon online. Binanggit niya na naiintindihan niya ang reaksiyon ng publiko dahil 11 yrs. nagsama sina Richard at Sarah. Gayunpaman, binigyang-diin niya na ang katotohanan ay nasa pagitan niya at ng Diyos. 


“Kung ano man ‘yung rason ng hiwalayan nilang dalawa, masasabi ko po at alam ng Diyos na ‘di ako ‘yun,” pag-amin niya.


Nilinaw din niyang walang ‘bad blood’ sa pagitan nila ni Sarah Lahbati. Ibinahagi ni Barbie na nagkikita pa rin sila ni Sarah sa mga medical appointments at social events. “Si Sarah naman po, alam naman n’ya ‘yung rason, at ‘pag nagkikita kami sa Aivee at sa birthday ni Doc Aivee, nag-i-smile naman po kami sa isa’t isa. May respeto,” dagdag pa niya.

Well, ano naman kaya ang reaksiyon ng estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati tungkol sa naging pahayag ni Barbie Imperial?



BUHAY na naman ang pagsasabong ng mga fans ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at ng Kapuso aktres na si Heart Evangelista dahil in demand na naman ang fashion shows.


Sa Facebook (FB) ay may nag-post ng “Heart and Pia arrival at the Ashi Studio Couture Week.” 


So, kani-kanyang komento ang kanilang mga fans at sey nila… “Pareho silang pride ng bansa, but when it comes sa fashion, brain and art, I’ll go with Ms. Heart. Superb ang mga ideas at very smart.”


“Heart needs company to endorse her.”


“Heart Evangelista talaga for me ang nag-stand-out. Kahit walang effort, agaw-pansin. ‘Yung pagiging classy n’ya ‘di pilit.”


“‘Di kasi kailangang gawing kompetisyon ang bawat eksena. ‘Yung confidence at elegance ni Heart ay bunga ng years of experience sa high fashion.”

“Si Pia, ang gandang magdala ng damit na wearable, ‘di patung-patong. Elegante talaga.”


“Heart talaga ang fashion icon. Pia ang beauty queen. Both are number one in different fields.”


“True, long legs si Queen Pia, pero not proportion. Peace! ‘Wag pong magalit, ha? Kay Miss Heart, short but so sexy legs she has.”


“Idk (I don’t know), Pia always wears a very safe color palette, black, white, earth tones, while Heart is styled in a very creative way, particularly in color matching and layering. Anyways, I love them both.”


“Pia, model at matangkad, pero parehas, maganda, magkaibang atake lang.”

“Stop the toxic comparison for content and engagement. Team Heart Evangelista ako pero I don’t like women tearing another woman down. The world is big enough for the two of them. Let’s stop spreading hate and just support them.”

“Pia is a picture of a true model.”


“Si Heart, kahit sinasabi ng iba na bansot s’ya, talagang magaling magdala ng fashion.”


“Pinoy pride, both are my idol.”


“Proud moment na makita silang dalawa na nagre-represent ng Filipina beauty at confidence sa Paris.”


“Maging happy na lang tayo na may dalawang Pinay na nagre-represent sa fashion world. ‘Di sila dapat pag-awayin.”


Tama naman ang commenter sa kanyang sinabi, sina Pia at Heart ay parehong Pinoy pride pagdating sa larangan ng fashion world.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | February 4, 2026



BULGARY - GF NI JOSHUA, MANHID NA SA SELOS_IG _garciajoshuae

Photo: IG _garciajoshuae



Minsan lang magsalita ang girlfriend ni Joshua Garcia na si Emilienne Vigier tungkol sa relasyon nila ng Kapamilya actor.


Sa isang panayam, natanong si Vigier kung nagseselos ba siya sa mga leading ladies ng boyfriend.


Aniya, “Hindi. Sa tingin ko, manhid na ako sa puntong ito.”

Tatlong taon na ang relasyon nina Joshua at Emilienne. 


“We’d like to keep that (relationship) private,” paliwanag ni Emilienne sa YouTube (YT) interview ni DJ Chacha kamakailan.


Maganda ang mindset ni Emilienne. May mga bagay na dapat daw ay sa kanila lang ni Joshua at hindi na kailangang ipaalam pa sa publiko.


Well, dahil sa pagiging private nila ay naging tahimik daw ang kanilang relasyon.

“There are no eyes. They don’t talk about your hurdles online,” paliwanag ni Emilienne.


Sa kabila ng pagiging pribado ng kanilang relasyon, si Emilienne raw ang extrovert at si Joshua ang introvert. 


Tinanong din siya kung ano ang nararamdaman niya sa relasyon nila ni Joshua.

“Super safe… love… you can tell. Very mature. We support each other, respect each other. We’re very loyal to each other.


“You found your best friend, too. And you can be vulnerable,” sabi ni Emilienne.

Hindi raw sila mahilig mag-PDA (public display of affection) kapag nasa publiko.


Katwiran niya, “Because the life that you have with your partner, or the foundation that you’re building with your partner, is between you two only. And that’s another way of honoring your partner, your relationship, and showing respect to them.”


Ayan, para sa mga fans ng aktor, nasagot na ang tanong ninyo kung ano ba ang update sa relasyon nina Emilienne Vigier at Joshua Garcia.




Todo-taas ng 2 kamay… 

KILIKILI NI ANNE, PINAGPIYESTAHAN



BIRTHDAY month na ngayon ni Anne Curtis. May post siya sa kanyang Instagram (IG) Stories tungkol dito.


Aniya, “Hello, February. Aquarius szn (season) and my lucky colour. What a way to start my birth month. Performing alongside Asia’s Songbird @reginevalcasid and feeling so much love from all of you for The Love Tour. Thank you! My new year starts this month.





“And please, this @dilarafindikoglu dress is just the most romantic piece. I’ve had this since November and it finally fits.”


Unang-unang nagkomento ang award-winning actress na si Nadine Lustre, “Sana all, nakahilata ‘pag nagmo-mall.”


“Miss you, Naddie,” sagot naman ni Anne.


Request ng isang fan, “@annecurtis pa-guest sa Showtime si idol Nadine, please?”

“Gorgeous as always @annecurtis.”


Ang friend niyang si Solenn Heussaff ay nagkomento rin, “You, so pretty.”


Sey naman ni Anne, “You don’t say that often to people, so I will take that as a super compliment. Hahaha?”


Sa isa namang kuha ng larawan, nakataas ang parehong braso ni Anne kaya kitang-kita ang kanyang kilikili na nakakasilaw sa kaputian.


Ayon sa isang commenter, “Grabe ang kilikili ni Anne, napakaliwanag tingnan, tulad ng araw.”


Bongga! Hahaha!


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | February 3, 2026



BULGARY - ANGELINE_ 75 ANG GRADE KO SA CARD KAYA PASADO PA RIN_FB Angeline Quinto

Photo: FB Angeline Quinto



Minsan ay patola rin ang singer-actress na si Angeline Quinto sa mga hindi kanais-nais na komento ng mga netizens hinggil sa kanya.


Sa kanyang YouTube (YT) channel na @loveangelinequinto, binasa ng singer ang mga hate comments sa social media post niya, at ang goal niya sa dulo ng video ay manatiling unbothered habang binabasa ang mga ito.


Isa sa mga komentong nabasa niya ay ang pagtawag sa kanya ng “bobo”. 

Hindi nagpatinag si Angeline at pinatunayang kahit papaano ay may pinag-aralan siya.

Natawa ang singer at aniya, “Wala naman akong sinabi na matalino ako at top honor sa eskuwelahan.”


Paliwanag pa niya, “Hoy! Grabe ka naman. Hindi ako bobo dahil ang grade ko sa card noong elementary days ko ay 75. Kapag 74, (red) ballpen na ang ginagamit. Nasa black ballpen pa rin ako, so pasado pa rin ako.”


Pagmamalaki pa niya, “Alam mo ba, may medal ako sa spelling. Bigyan n’yo ako ng spelling. Sige, i-spell ko.”


Dagdag pa niya, “Mississippi? Alam mo ba ang spelling ng Mississippi?”

Sumagot ang kanyang audience, ngunit baligtad ang pagkakabasa ng singer.


“Oh, baligtad. Sino’ng bobo ngayon? Shunga lang, ‘di bobo,” wika niya.

Pakli pa ni Angeline, “Aaminin ko sa ‘yo, tuwing recess at lunchtime namin, nagre-review ako ng lyrics ng kanta.”


Tinanong ng audience, “So bobo o hindi?”


Sagot ni Angeline, “A big no-no, my darling.”


Hirit pa ng singer, “Ikaw, ipa-spell ko sa ‘yo ang Mississippi.”


Hahaha! ‘Kaloka talaga ‘tong si Angeline, hindi pa rin nawawala ang pagiging witty. Kaya naman hanga ang marami sa kanyang natural na sense of humor at husay sa pagkanta.



BINUWELTAHAN ni Sen. Robin Padilla ang political analyst na si Ronald Llamas matapos siyang makatanggap ng kritisismo mula rito. 


Hindi napigilan ng aktor-pulitiko na sumagot. Ayon kasi kay Llamas, si Padilla umano ang pangunahing dahilan kung bakit maraming celebrities na tumakbo sa 2025 midterm elections ang hindi nanalo. 


Dagdag pa niya, hindi na raw nakatuon ang mga botante sa kasikatan at name recall sa pagpili ng mga kandidatong ihahalal sa puwesto.


Prediksiyon pa ni Llamas, hindi na umano magiging number one ang senador kapag muli itong tumakbo sa 2028 elections. 


Gayunman, nauna nang idineklara ni Robin na hindi na siya muling tatakbo, na pinagtibay naman ng kanyang misis na si Mariel Padilla, na nagsabing hindi raw deserve ng mga Pilipino ang kanyang mister.


Ani ng mister ni Mariel, “Tunay po na adbokasiya ko ang paghalal ng ‘di sikat, ‘di mayaman, at hindi mula sa political na pamilya, kundi ang maghalal ng mga bago—mga walang pangalan, walang kayamanan, at hindi mula sa political na pamilya.”


Dagdag pa niya, hindi lamang umano ito tungkol sa mga artista kundi sa lahat ng mga ‘bolero’ na matagal nang nasa kapangyarihan ngunit wala namang naiaambag sa kaunlaran ng bansa kundi korupsiyon.


Walang pinangalanan ang senador, ngunit espekulasyon ng mga netizens na patungkol ito kay Llamas dahil sa naunang balita na nasangkot ito sa pagbili ng pirated DVDs. 

Noong 2011, napabalitang bumibili umano si Llamas ng pirated CDs at DVDs, na sa panahong iyon ay karaniwan umanong ginagawa ng ilan sa mga nasa unibersidad dahil mas mura ang mga ito. 


“Bawasan-bawasan ninyo po ang pangungutya. Mainam ay tumakbo po kayo para mapatunayan ninyo rin ang kakayahan ninyong manalo,” ani pa ng senador.



Lusot agad?! 

VICE GANDA, NAG-BOMB JOKE SA IT’S SHOWTIME, NAG-SORRY AGAD


BAGO nagtapos ang It’s Showtime (IS) kahapon ay humingi ng paumanhin si Vice Ganda dahil sa joke niyang may iniwan umanong kahon o bag sa may ABS-CBN na ang laman daw ay bomba.


Hindi naman sinabi ni Vice kung totoo ngang may nakita, ngunit palaisipan sa mga nakapanood at nakarinig ang kanyang nabanggit bilang host.


Napagsabihan umano ng management si Vice kaya bago nagtapos ang programa ay humingi siya ng paumanhin sa madlang pipol at sa mga manonood.


Aniya, “Humihingi po ako ng paumanhin sa nabanggit kong bomba kanina. It’s a joke lang po. Bawal po pala ang nagdyo-joke tungkol sa bomba. Pasensiya na po. It’s only a joke.”


Magkagayunman, the damage has been done, kaya ang tanong ng ilang netizens, mapaparusahan kaya si Vice tulad ng ibang ordinaryong tao na una na ring nag-bomb joke at naparusahan?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page