top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | February 14, 2026



Jericho Rosales at Kim Chiu - It's Showtime YT

Photo: Jericho Rosales at Kim Chiu - It's Showtime YT



Nilinaw ni Jericho Rosales ang nangyaring isyu sa kanila ni Kim Chiu nang mag-guest siya sa It’s Showtime (IS) recently kung saan isa sa mga co-hosts ang Chinita Princess.

Nag-reach out daw si Jericho kay Kim via text at tanong niya: “Hi, Kim! What’s happening? Why is this happening? I don’t know, but are you okay? Is there something that made you feel uncomfortable?”


Sagot naman ni Kim, “Wala naman. All is well,” at nagbigay pa siya ng congratulatory message para sa bagong movie ng aktor.


Ang komento ng mga KimPau fans… 

“It is too late to say sorry because it was already done intentionally.”

“Sige na lang, at least ay nag-sorry s’ya. Na-accept n’ya na he’s at fault. Pero si Kim, mabait ‘yan. Mapagkumbaba ‘yang bata, saludo ako sa kanya. She is a good model to our young people. God bless, Kim. Basta Bisaya, mga boutan jud na. (talagang mabait).”


Iba pang sey ng mga Marites…

“Hahaha! Kung totoo ‘yan kasi, natakot iboykot.”


“Hay, naku! Sinadya mo ‘yan, Jericho! Kitang-kita on national TV. Dapat ang Star Magic, may action dito. Calling Direk Lauren Dyogi.”


“Kung bakit kay Kim naisipang gawin ‘yan, maraming nagmamahal at humahanga sa kanya. At malakas s’ya sa itaas, ‘di kaya i-down si Kim kahit na sino. 


“At ‘di rin kontrol ni Kim ang feeling ng mga fans n’ya. ‘Yung iba, ‘di n’ya kilala. Nakita ang ginawa n’ya sa social media, so ‘di n’ya kasalanan kung na-bash si Jericho.”


Anyway, the damage has been done na nga, pero siguro, stop na rin ang mga faney dahil nag-sorry naman na ang aktor. 


Kung hindi matanggap ng mga fans ang paghingi ng paumanhin ni Jericho Rosales, well, enough na to judge. 


Ang importante, nag-reach out na ang aktor sa publiko. 

‘Yun lang!



IBINAHAGI ng aktres na si Nadine Lustre ang plano niya ngayong Valentine’s Day. Aniya, mag-isa lang siyang magdiriwang ng Araw ng mga Puso dahil wala ang kanyang kasintahang si Christophe Bariou.


Ibinahagi ng aktres na maaga nilang ipinagdiwang ang espesyal na araw dahil meron silang ‘date sa trabaho’. 


Ani pa ni Nadine, hindi kailangang mahigpit na sundin ang petsa, lalo na kapag hindi magkatugma ang iskedyul. 


Bukod sa pagtalakay sa kanyang mga plano para sa Araw ng mga Puso,

ipinapakita ng aktres na ayos lang ang magdiwang nang mag-isa o mag-ayos ng mga plano ang mga babae.


Ganern?!



SINAGOT ni Anne Curtis sa maayos na paraan ang akusasyon sa kanya na masama umano ang pag-uugali niya at nagsisinungaling nang sabihing hindi totoo ang sinabi niyang “I can buy you, your friends, and this club!”


Ani ng isang netizen, “So are you now claiming that JR Isaac, one of the three people you slapped, including John Lloyd Cruz — was lying @annecurtissmith? Pretty and tisay privilege is real. If it were another celebrity who did that, she would be forever labeled palengkera, squammy, and classless.”


Ang sagot ni Anne, “Hi! Not completely… Some of what he said was true and years ago, I owned up to it, apologized to those involved (and also received an apology back), but most importantly, I learned my lesson from it. I’m just talking about the famous line and what my friends told me. 


“But you know what? It all happened ages ago and all those involved are on good terms, so it doesn’t matter anyway. But anyway, the line is so iconic, so I’ll just own it. Kaya okey lang na sabihin n’yo na paulit-ulit na sinabi ko. Okey na. Excuse my typos.”

Reaksiyon ng mga Marites…


“Medyo mayabang pala si Anne.”


“‘Di naman. But I agree na s’ya ang best example ng pretty privilege. Kung ibang female star ‘yan, matagal nang cancelled.”


“I wish Anne acknowledged her pretty privilege. Totoo naman, eh. ‘Pag s’ya, ang bilis patawarin ng mga tao. Imagine, ikaw ‘yung isa na sinampal, minura, dinuru-duro ni Anne sa party, napahiya ka, then malalaman mo na ginawang laughtrip na lang.”


“Lasing daw si Anne nu’ng time na ‘yun at nagkaayos na silang involved, so para saan pa ang tanong?”


“Oks na mayabang kesa plastik. Sa estado ng buhay ni Anne ngayon, karapatan naman n’ya ang magyabang kasi may n-rate naman s’ya kesa sa iba.”


“Hoy, ano ba kayo?! Tagal na ng issue na ‘yan. Mga panahon carefree pa si Anne. Napag-uusapan na lang, pero akala n’yo, kagabi lang nangyari kung maka-bash kayo. Move on, move on din, mga kapwa ko Marites. ‘Pag may time, don’t dwell on the past mga katsismisan, okey.”


Oo nga naman, iba na ang panahon ngayon. Bakit inuungkat pa ang nakalipas? Wala na kasi silang mai-bash sa isang Anne Curtis.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | February 10, 2026



BINI

Photo: BINI PH



Todo-gawa ang ilang fans ng isyu para sa P-pop girl group na BINI nang mag-guest sila sa dance concert ng Sexbomb noong Sabado, February 6, sa SM Mall of Asia (MOA) Arena. 


Marami ang nagsasabi na noong lumabas sa stage ang BINI, walang masyadong nagtilian.


Kaya ayon sa aming nakatsikahan, “Nag-guest lang ang BINI kagabi sa concert ng Sexbomb. Wala, eh, pa-guest-guest na lang sila. Lumaki kasi agad ang mga ulo, eh. Yumabang pa. 


“Sa last concert nga nila, namigay na ng tiket pero ‘di pa rin napuno ang venue. Ngayon, nakiki-ride na lang sila sa kung saan may mga malalakas na nagko-concert para mapag-usapan muli.”


Aniya pa, “Nakakainis lang kasi inuna (BINI) ang yabang sa sarili kaysa lalo nilang pinagbuti ang career. ‘Di naman lahat ng oras ay sikat sila. Madaling sumikat, madali ring lumubog. “Nakakapanghinayang din naman, one year pa lang sumisikat, mukhang ‘di na masusundan pa. Hindi sila gaanong tinilian unlike sa Sexbomb. Lumipas na agad ang kasikatan nila.”

Ganern?



Nang magkatabi sa stage…

GLAIZA, NAGSALITA NA KUNG BAKIT TODO-TITIG ANG MISTER KAY MARIS



NAGSALITA na ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro kaugnay ng mga usap-usapan online tungkol sa pagtitig ng kanyang mister na si David Rainey sa katabi nitong aktres na si Maris Racal sa isang event.


Nag-ugat ang isyu sa isang viral clip na kuha noong premiere night ng pelikulang Unmarry last year. 


Um-attend ang mag-asawa sa premiere para suportahan ang kaibigang si Angelica Panganiban, ang lead actress ng pelikula.


Maraming netizens ang nakapansin na titig na titig ang mister ni Glaiza kay Maris habang nagsasalita ito sa stage. Kumalat ang video clip sa social media at ginawan ng isyu.


Ipinaliwanag ng Kapuso actress na naaasiwa lang ang kanyang asawa habang nasa entablado dahil hindi naman daw showbiz si David. 


Inihayag niya na ang unang reaksiyon ni David sa trending clip ay gulat na “Blood hell” dahil hindi nga ito sanay sa atensiyon ng publiko at nagulat nang mag-trending siya.

Ayon sa aktres sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), ipinakita niya ang trending video kay David para makita ang reaksiyon nito.


“Sabi ko, ‘Trending ka.’ Sabi n’ya, ‘What?!’ Actually, ‘di po talaga s’ya sanay sa public,” natatawang sey ni Glaiza.


Pag-amin niya, awkward dahil magkahawak sila ng kamay habang papunta sa stage. 

Dahil mabilis ang event, nagdesisyon siyang isama si David. Nang tawagin sina Maris at Kean Cipriano sa stage, nahirapan si David kung saan titingin. 


“So s’yempre, ang tendency ni David, parang, ‘Ano’ng gagawin ko rito?’ ‘Di naman din po s’ya kinakausap… So, nu’ng time na nagsasalita si Maris, of course, tumitingin s’ya kay Maris. So ‘yun ‘yung explanation,” dagdag ni Glaiza.


Aminado siyang naba-bother siya sa mga negative comments tulad ng “David has a tendency to cheat” kaya kumonsulta siya agad sa pamilya at ang payo nila, dedmahin na lang ang mga trolls.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | February 5, 2026



BULGARY - BARBIE_ ‘DI AKO ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NINA RICHARD AT SARAH_FB Barbie Imperial

Photo: FB Barbie Imperial



Open na si Barbie Imperial na pag-usapan ang tungkol sa relasyon nila ni Richard Gutierrez. 


Sa panayam ni Ogie Diaz, ibinahagi niya na ang relasyon nila ng aktor ay nagsimula lamang nang maghiwalay si Richard at ang asawang si Sarah Lahbati.


Inamin ni Barbie na naiintindihan niya kung bakit nagagalit ang mga netizens sa kanya, pero sa kabila ng kontrobersiya ay nananatiling mabuti ang relasyon nila ni Sarah. 

Naging mabigat ang akusasyon mula sa mga kritiko na siya umano ang ‘third party’ sa hiwalayan nina Richard at Sarah.


Sa masinsinang pag-uusap, sinabi ni Ogie na maraming tao sa social media ang patuloy na nagsasabing siya ang ‘number two’ kahit hiwalay na ang dating celebrity couple noon pa man. 


Ani Barbie, “Opo, wala na po sila nu’n. ‘Di ko lang po sigurado, Tito, ‘yung exact month na naghiwalay sila. Pero ‘yung amin po ni Richard, nag-start nu’ng nagpunta po kami ng Tipsy Pig.”


Inamin ng aktres na ang karanasang ito ang isa sa pinakamahirap na hamon na kanyang hinarap sa buhay. 


“Feeling ko po, Tito, ‘yung pinakamalalang bashing sa akin ay ito po talaga, ‘yung relationship ko po with Chard. Dito po ‘yung medyo na-depress ako,” pakli ni Barbie.

Paliwanag niya, sinadya niyang manahimik upang maiwasan ang pagpapalala ng sitwasyon. 


“‘Di po ako makapagsalita noon kasi ayoko rin pong makakuha ng reaction from Sarah. Ayaw ko pong mag-trigger-an kami, kaya hinayaan ko na lang po ang panahon na makapag-forgive sila sa isa’t isa at gumaan ang loob ng mga taong involved,” esplika niya.


Ipinakita ni Barbie ang pagiging matured sa pagharap sa mga negatibong reaksiyon online. Binanggit niya na naiintindihan niya ang reaksiyon ng publiko dahil 11 yrs. nagsama sina Richard at Sarah. Gayunpaman, binigyang-diin niya na ang katotohanan ay nasa pagitan niya at ng Diyos. 


“Kung ano man ‘yung rason ng hiwalayan nilang dalawa, masasabi ko po at alam ng Diyos na ‘di ako ‘yun,” pag-amin niya.


Nilinaw din niyang walang ‘bad blood’ sa pagitan nila ni Sarah Lahbati. Ibinahagi ni Barbie na nagkikita pa rin sila ni Sarah sa mga medical appointments at social events. “Si Sarah naman po, alam naman n’ya ‘yung rason, at ‘pag nagkikita kami sa Aivee at sa birthday ni Doc Aivee, nag-i-smile naman po kami sa isa’t isa. May respeto,” dagdag pa niya.

Well, ano naman kaya ang reaksiyon ng estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati tungkol sa naging pahayag ni Barbie Imperial?



BUHAY na naman ang pagsasabong ng mga fans ng Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach at ng Kapuso aktres na si Heart Evangelista dahil in demand na naman ang fashion shows.


Sa Facebook (FB) ay may nag-post ng “Heart and Pia arrival at the Ashi Studio Couture Week.” 


So, kani-kanyang komento ang kanilang mga fans at sey nila… “Pareho silang pride ng bansa, but when it comes sa fashion, brain and art, I’ll go with Ms. Heart. Superb ang mga ideas at very smart.”


“Heart needs company to endorse her.”


“Heart Evangelista talaga for me ang nag-stand-out. Kahit walang effort, agaw-pansin. ‘Yung pagiging classy n’ya ‘di pilit.”


“‘Di kasi kailangang gawing kompetisyon ang bawat eksena. ‘Yung confidence at elegance ni Heart ay bunga ng years of experience sa high fashion.”

“Si Pia, ang gandang magdala ng damit na wearable, ‘di patung-patong. Elegante talaga.”


“Heart talaga ang fashion icon. Pia ang beauty queen. Both are number one in different fields.”


“True, long legs si Queen Pia, pero not proportion. Peace! ‘Wag pong magalit, ha? Kay Miss Heart, short but so sexy legs she has.”


“Idk (I don’t know), Pia always wears a very safe color palette, black, white, earth tones, while Heart is styled in a very creative way, particularly in color matching and layering. Anyways, I love them both.”


“Pia, model at matangkad, pero parehas, maganda, magkaibang atake lang.”

“Stop the toxic comparison for content and engagement. Team Heart Evangelista ako pero I don’t like women tearing another woman down. The world is big enough for the two of them. Let’s stop spreading hate and just support them.”

“Pia is a picture of a true model.”


“Si Heart, kahit sinasabi ng iba na bansot s’ya, talagang magaling magdala ng fashion.”


“Pinoy pride, both are my idol.”


“Proud moment na makita silang dalawa na nagre-represent ng Filipina beauty at confidence sa Paris.”


“Maging happy na lang tayo na may dalawang Pinay na nagre-represent sa fashion world. ‘Di sila dapat pag-awayin.”


Tama naman ang commenter sa kanyang sinabi, sina Pia at Heart ay parehong Pinoy pride pagdating sa larangan ng fashion world.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page