ni Fely Ng @Bulgarific | Enero 12, 2024
Hello, Bulgarians! Ang Aklatang Balmaseda ay isang espesyal na aklatan na tumutugon sa mandato ng KWF hinggil sa patuluyang pagpapaunlad, pagpapayaman, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.
Nangangalaga ito ng mga aklat pangwika, pangkultura, pampanitikan, at iba pang mahalagang koleksiyong Filipiniana.
Ipinangalan ito sa dating direktor ng Institute of National Language (INL) na ngayon ay Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) mula 1938 hanggang 1947 na si Julian Cruz Balmaseda, bilang pagkilala at pagtanaw sa kanyang mga nagawa at naiambag sa larangan ng Filipino.
Ito ay may mahigit 5,000 printed collection, kasama rito ang Koleksiyong Balmaseda, Koleksiyong Villanueva, Aklat ng Bayan, mga sanggunian, at iba pa. Maaari ring ma-access ang mahigit 700 e-books online sa library.kwf.gov.ph.
Matatagpuan ito sa BFB Building, 1575 JP Laurel St., Cor. Matienza, Brgy. 640, Malacañang Complex, San Miguel, 1005 Manila.
Maaaring bumisita at magsaliksik mula Lunes hanggang Huwebes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Lunes hanggang Biyernes naman ang online na serbisyo nito sa kaparehong oras.
Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa https://library.kwf.gov.ph/
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.