top of page
LET’S SEE - AGOT, BIANCA, DINGDONG ATBP. ATENISTA, TAMEME SA KAHIHIYAN NG ATENEO SA PAGKAM
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | July 16, 2022





Hello, Bulgarians! Pinalawig ng Government Service Insurance System (GSIS) ang condonation at restructuring program para sa mga housing accounts nito hanggang Disyembre 2025.

“Layunin naming ma-update ang housing accounts ng aming borrowers para maging maginhawa ang kanilang pagbabayad, at maging homeowners din sila. Maaaring palawigin hanggang 10 taon pa ang pagbabayad, basta hindi aabot sa 70 years old ang buyer o borrower,” pahayag ni GSIS President and General Manager Wick Veloso.

Nagbigay ang GSIS ng mga opsyon sa pagbabayad para sa mga aplikante, kabilang ang pag-waive ng mga natitirang penalty at surcharge, pati na rin ang karagdagang diskuwento sa natitirang interes.


Ayon kay Veloso, may apat na paraan ng pagbabayad sa GSIS: pagbabawas sa suweldo, buwanang cash o manager’s check, post-dated checks, o sa pamamagitan ng GSIS Housing Online Payment (GHOP).

Ang GHOP ay isang online portal ng pagbabayad na naa-access sa pamamagitan ng account ng borrower sa Union Bank of the Philippines (UnionBank).


Ang mga barrower ay dapat magparehistro upang magamit ang GHOP.


Para sa mga katanungan, maaaring mag-email sa ghop@gsis.gov.ph o hard@gsis.gov.ph.

Ang housing condonation program ay isa sa tatlong bahagi sa ilalim ng GSIS’s umbrella program, ang Pabahay para sa Bagong Bayani na Manggagawa ng Pamahalaan (PBBM).

Ang pangalawang inisyatiba sa ilalim ng PBBM housing program ay pagtatayo at pagbuo ng mga mid-to-high rise na mga gusali. Matutugunan nito ang mga pangangailangan ng miyembro sa mga partikular na lugar.


Ang unang set ng condo ay itatayo sa GSIS properties sa Fairview, Quezon City, simula ngayong taon. Ang dalawang-silid-tulugan na unit na ito ay mabibili sa pamamagitan ng installment sa loob ng 30 taon, nang walang kinakailangang paunang bayad.

Panghuli, ang ikatlong inisyatiba ng PBBM ay ang Lease with Option to Buy (LWOB) program, kung saan ang GSIS ay nagpapaupa ng mga available na housing unit. Ibibigay ang prayoridad sa mga kasalukuyang nakatira na gustong bilhin ang mga unit sa anumang oras sa panahon ng pag-upa. Parehong magagamit ang mga opsyon na cash at installment sa mga empleyado ng gobyerno.

Ang mga detalye tungkol sa mga property ng GSIS para sa pagbebenta at pagpapaupa, kasama ang mga pangkalahatang alituntunin, mga form ng aplikasyon, mga checklist ng mga kinakailangan, at mga FAQ sa ilalim ng LWOB, ay makikita sa website ng GSIS www.gsis.gov.ph.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | July 10, 2022





Hello, Bulgarians! Mas maayos, mabilis, parehas at walang kinikilingang paghatol at lantad sa publikong paggawad ng hustisya. Ilan lamang ito sa nilalaman ng inilabas na 5-taong plano ng Korte Suprema sa layuning makapaggawad ng napapanahon, matapat at bukas sa madlang paghatol at pagkakaloob ng katarungan.


Ang plano na pinamagatang “Strategic Plan for Judicial Innovations (SPJI) 2022-2027” ay naglalayong lutasin ang matagal nang problema sa hudikatura sa pamamagitan ng mga bagong gawain sa mas mabuting serbisyo na magbubunga ng mas malawak na pagkakamit ng hustisya sa lahat. Lulutasin sa SPJI ang mga problema tulad ng matagal na pagkabinbin ng mga kaso, nagtambak na ‘di naaksyunang mga kaso, at kakulangan ng iba’t ibang pangangailangan ng hukuman. Nagdudulot ang mga ito, ayon sa Korte Suprema ng dahilan ng mabagal na sistema at gawain sa mga hukuman.


Ayon sa SPJI, problema rin ang malaking kakulangan ng nakatatag na hukuman, mga gabay at alituntunin sa pamamaraan na nagpapahintulot sa mahabang proseso sa pagdinig sa mga kaso, mabagal na galaw at pagtupad, kapabayaan o kaya ay kapos sa kakayahan ng mga kawani ng hukuman. Binanggit din ng SPJI ang pakiramdam ng publiko na may nagaganap na korupsyon sa mga hukuman, at ito ay tututukang maresolba ng Kataas-taasang Hukuman.


Sinisimulan na ring itayo ang “eCourt System Version 2.0.” na gagamitin para sa mabilis na transaksyon sa mga hukuman tulad ng pagrerekord ng mga kaso, bayarin, rapol at mga kalendaryo sa mga pagdinig at gawain sa mga hukuman.


Magpapatupad din ang SC, ayon sa SPJI ng tulong legal, data base para sa libreng payong legal at muling pag-aaral sa ipinatutupad na Enhanced Justice on Wheels program. Palalakasin din ang Shari’ah justice, sabi ng SPJI, at gagawin ito sa pag-oorganisa at pagbubuo ng operasyon sa 56 Shari’ah court sa bansa.


Plano ring rebyuhin ang bumubuo ng komite ng Shari’ah at suriin ang sistema ng Shari’ah justice, at dagdag dito, palalakasin ang legal Shari’ah legal education system.


“The realization of the objectives of the SPJI is imperative in ensuring the attainment of the goal to ‘remold and transform the courts into consistently efficient and accountable havens for the disadvantaged, the wronged, and the injured’,” pahayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | July 7, 2022





Hello, Bulgarians! Nakilahok ang Visayas West 1 Division ng Social Security System (SSS) sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa buong bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng eWheels sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.


“We believe that the labor force covers not only the employed workers but also the self-employed and voluntary members who toil for their everyday sustenance. To show our appreciation for their hard work, we are bringing SSS services closer to them through the conduct of simultaneous eWheels in the key cities of Negros Island. On top of our regular activities, we also joined in various local government unit and school activities like job fairs and festivals,” pahayag ni SSS Vice President for Visayas West 1 Division Dr. Lilani Benedian.


Ang “SSS eWheels sa Barangay” ay isang mobile service program na inilunsad noong Marso taong kasalukuyan, upang ilapit ang mga serbisyo ng SSS sa mga barangay at turuan ang mga kliyente nito kung paano gumamit ng iba’t ibang digital platforms tulad ng website ng SSS (www.sss.gopv.ph); my.SSS Portal, uSSSap Tayo Portal, at ang SSS Website.


Kasama sa mga serbisyong makukuha sa eWheels ang pagbibigay ng Social Security (SS) Number; My.SSS registration at pag-reset ng password; pagbuo ng Payment Reference Number (PRN) para sa kontribusyon at pagbabayad ng utang; online na aplikasyon para sa Salary Loan, Pension Loan, at loan penalty condonation program (ConsoLoan); pagpapatala sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM); online na pagsusumite ng mga aplikasyon sa pag-claim ng benepisyo sa pamamagitan ng My.SSS Portal; kahilingan sa pagbabago ng data ng miyembro; tugon sa mga katanungan; at pamamahagi ng SSS forms.


Limang barangay at isang LGU ang nakinabang sa nasabing aktibidad, kabilang ang Barangay 1 sa San Carlos City, Barangay Alijis sa Bacolod City, Barangay Payao sa Binalbagan, lahat sa Negros Occidental, at Barangay Sta. Agueda sa Pamplona at Barangay Poblacion sa San Jose sa lalawigan ng Negros Oriental.


Gayundin, nagsagawa ng job fair sa EB Magalona, Negros Occidental, na nagsilbi sa 877 kliyente at nagproseso ng 1,024 na transaksyon.


Makikita sa itaas at ibabang mga larawan ang mga branch personnel ng SSS Dumaguete at SSS Kabankalan branch na tinatanggap ang mga kliyente sa Barangay Poblacion San Jose, Negros Oriental, at Barangay Payao Binalbagan, Negros Occidental noong Abril 28.


Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang alinman sa mga sumusunod na SSS social media accounts, ang opisyal na Facebook Page ng SSS sa “Philippine Social Security System – SSS”; SSS Viber Community sa "MYSSSPH Updates"; Instagram at “mesiyas”; Twitter sa “PHLSSS,” YouTube at “MySSSPhilippines, at USSSapTayo Portal crms@sss.gov.ph.”


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page