top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | August 8, 2022



Hello, Bulgarians! Iginiit ng Social Security System (SSS) na agresibo nilang hinahabol ang mga delinquent employer sa buong bansa, at nangakong lalo pang paiigtingin ang kanilang pagsisikap na kolektahin ang kanilang mga unremitted na kontribusyon.


Ginawa ni SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang pahayag upang tiyakin sa lahat ng member ang kanilang pangako, na habulin ang mga delingkwenteng employer at himukin ang lahat ng mga ito na sumunod sa kanilang mga obligasyon sa pagpapadala ng mga kontribusyon ng kanilang mga empleyado sa SSS.


“Each employer is assigned to a specific SSS Account Officer (AO) whose responsibility is to ensure employers’ compliance to Republic Act 11199 or the Social Security Act of 2018, such as registration and reporting of their employees and remittance of corresponding contributions to SSS,” paliwanag ni Macasaet.


Dagdag niya, na ang mga Statement of Account (SOA) ay regular na inihahanda, na humahantong sa pagsasagawa ng mga pag-audit sa payroll sa tuwing may natuklasang mga pagkakaiba.


Ang mga billing letter ay ipapadala sa mga employer na obligadong bayaran sa lalong madaling panahon o sa loob ng deadline ng pagbabayad. Ang mga nagkamaling employer ay makatatanggap ng demand letter mula sa SSS na maaaring humantong sa pagsasampa ng kaso, kung saan ipagpalagay ang patuloy na hindi pagsunod ng employer.


Pinaigting ng SSS ang mga campaign nito na Run After Contribution Evaders (RACE), na naglalayong obligahin ang mga delingkwenteng employer na sumunod sa batas sa pamamagitan ng pag-isyu ng Notice of Violation at pag-uutos sa kanila na mag-report sa SSS sa loob ng 15 araw o harapin ang mga legal consequences.


Ang SSS ay naglalabas ng daang libong SOA at mga liham sa pagsingil, na kailangang mauri depende sa mga aksyong ginawa ng SSS at/o ng concern employer.


Samantala, tiniyak ni Macasaet sa mga stakeholder na ang SSS ay may kakayahang pinansyal na patuloy na magbayad ng mga benepisyo at magbigay ng mga pautang sa mga miyembro at pensyonado habang nananatiling malakas ang cash flow nito, na ang mga kita ay lumalampas sa mga gastusin.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | August 7, 2022



Hello, Bulgarians! Inanunsyo ng Pag-IBIG Fund noong Martes, Agosto 2 na ang ahensya ay naglaan ng P3 bilyon na calamity loan funds para matulungan ang mga miyembrong naapektuhan ng mga Bagyong Egay at Falcon.


“Pag-IBIG Fund has allocated calamity loan funds to help affected members in Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, the Cordillera Administrative Region (CAR), Bulacan, Pampanga, Bataan, and Cavite, recover from the devastation caused by Typhoons Egay and Falcon. We are also working closely with local government units in these areas, as we heed the call of President Ferdinand Marcos, Jr. to provide our fellow Filipinos in these calamity-hit areas with all the necessary assistance,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development at Chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Sa ilalim ng Pag-IBIG Calamity Loan, ang mga kwalipikadong miyembro ay maaaring humiram ng hanggang 80% ng kanilang kabuuang Pag-IBIG Savings, na binubuo ng kanilang buwanang kontribusyon, mga counterpart kontribusyon ng employer, at mga kinita sa naipong dibidendo. At sa pagsasaalang-alang sa kalagayan ng mga miyembro, ang loan ay inaalok sa rate na 5.95% kada taon, na siyang pinakamababang rate sa merkado.


Ang utang ay babayaran sa loob ng hanggang tatlong taon, na may palugit na tatlong buwan upang ang paunang pagbabayad ay dapat bayaran lamang sa ikaapat na buwan pagkatapos mailabas ang loan. Maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong borrower para sa calamity loan sa loob ng 90 araw mula sa petsa kung kailan idineklara ang isang lugar sa ilalim ng state of calamity.


Ipinahayag naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na nakapaglabas na ang ahensya ng P709 milyon na calamity loan para matulungan ang 41,873 miyembro sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad sa bansa noong Hunyo ng taong ito. Idinagdag niya na ang mga sangay ng Pag-IBIG sa mga lugar na ito ay nananatiling bukas at ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa mga local government units na nagdeklara na ng state of calamity sa kani-kanilang mga nasasakupan, para sa deployment ng mga service desk at mobile branch ng ahensya, ang Lingkod Pag-IBIG On-Wheels, upang makatanggap ng mga aplikasyon para sa calamity loan mula sa mga miyembro gayundin ng insurance claims mula sa kasalukuyang Pag-IBIG Housing Loan borrowers na ang mga ari-arian ay nasira dahil sa bagyo.


“When calamities strike, we at Pag-IBIG understand that our members in affected areas need immediate financial assistance. That is why we make sure that all our programs and services remain responsive and accessible to our members. Even while our offices and personnel in calamity-hit areas have also been affected by the typhoon, our branches remain open and are ready to receive loan applications and housing loan insurance claims. Our Lingkod Pag-IBIG on Wheels have also been deployed to typhoon-stricken areas in Ilocos Norte, Ilocos Sur, and La Union to further bring our services closer to our members who are most in need. And, for members who have internet access, the Virtual Pag-IBIG is ready to accept their calamity loan applications online. Our members can count on Lingkod Pag-IBIG to help them during these trying times,” sabi ni Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | August 5, 2022



Hello, Bulgarians! Mas mapapalawig na ngayon ng Office of the Vice President (OVP) ang pagtulong sa mga nangangailangan makaraang maglaan ng P120 milyon ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) bilang suporta sa pro-poor advocacies ng naturang tanggapan.


Sa isang simpleng seremonyang idinaos sa Mandaluyong City nitong August 1, 2023, sinaksihan ni Vice President Sara Duterte ang lagdaan ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan nina PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco at OVP Chief of Staff Atty. Zuleika Lopez.


Nakasaad sa MOA ang pagkakaloob ng PAGCOR ng P120 million sa pamamagitan ng apat na tranches – o P30 milyon bawat quarter upang suportahan ang medical at burial assistance programs ng OVP sa buong bansa.


Humiling ang OVP ng supplemental funding mula sa PAGCOR bunsod ng pagdagsa ng mga kahilingan para sa financial aid mula sa mga bagong tayong satellite offices nito sa iba’t ibang panig ng bansa.


Ayon kay Chairman Tengco, kabilang sa mga pangunahing Corporate Social Responsibility programs ng PAGCOR ang pagbibigay ng tulong sa mga makabuluhang gawain.


“Isang karangalan para sa amin ang maging bahagi ng pagsisikap ng OVP na tugunan ang mga pangangailangang medikal at pinansyal ng mga maralitang mamamayan. Sa pamamagitan ng tulong na ito, umaasa kaming mas maraming mamamayang lumalapit sa OVP ang mabibigyan ng karampatang tulong,” aniya.


Sa panig ng OVP ang financial grant ng PAGCOR ay makakatulong nang malaki sa mahihirap na pasyente upang mabayaran ang kanilang hospital bills, makabili ng mga gamot, sumailalim sa dialysis treatments at makinabang sa laboratory/diagnostic procedure, chemotherapy/brachytherapy/radiation therapy, implant/medical equipment/assistive device at physical/speech/occupational therapy.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page