top of page
Search

ng BRT @Sports News | July 20, 2025



Mark Magsayo at Eumir Marcial - PBC

Photo: Mark Magsayo at Eumir Marcial - PBC


Hindi nagpatalo ang dalawa pang Pilipinong boksingero na sina Mark Magsayo at Eumir Marcial sa undercard ng laban nina Manny Pacquiao at Mario Barrios ngayong Linggo, Hulyo 20 (Manila time).


Nagwagi si Marcial kontra American boxer na si Bernard Joseph sa third round ng middleweight division habang pinatumba naman ni Magsayo si Jorge Mata Cuellar sa unanimous decision matapos ang 10-round super featherweight bout.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | June 30, 2025



Photo: Pacquiao vs Barrios - PBC / Prime


Asinta ng nag-iisang eight-division world champion Manny “Pacman” Pacquiao na siyento-por-siyento s’yang sasagupa kontra kay World Boxing Council (WBC) welterweight champion Mario “El Azteca” Barrios para sa 12-round main event title fight sa Hulyo 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.


Hindi nagpapa-awat sa pagsasanay at pagpapalakas ang 46-anyos na Filipino boxing legend upang malampasan at mapagtagumpayan ang 30-anyos na Mexican-American na tangan rin ang matangkad na height at angking reach advantage. Hindi kuntento ang bagong upong International Boxing Hall of Famer na magkaroon ng madaling ensayo at training camp, lalo pa’t hangad nitong maagaw ang korona kay Barrios upang maiselyong muli ang panibagong rekord sa kasaysayan bilang ‘oldest 147-pound boxer’ sa buong mundo.  


I’m happy with these first 30 days I’ve been in L.A. We’ve reached the level we wanted to accomplish. Right now – [through] this weekend and next – we’re in heavy training. Then, we’ll wind down,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ng Boxingscene. “Most fighters come back at like 50-60 percent condition, just to come back. I don’t want that. I want 100 percent.”


Walang patid sa paghahanda sapol ng dumating sa Los Angeles, California si Pacquiao, na agad na nagtungo ang Pinoy southpaw sa pamosong Wild Card Boxing Gymnasium para muling makasama ang boxing hall of fame trainer na si Freddie Roach, gayundin ang ibang miyembro ng ‘Team Pacquiao’ na sina Marvin Somodio, Australian Strength and Conditioning coach Justin Fortune at malapit na kaibigang si Buboy Fernandez upang simulan ang intensibong pagsasanay.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | May 20, 2025



Photo: Manny Pacquiao at Eddie Hearn - FB


Naniniwala ang isang kilalang boxing promoter na mahihirapang magwagi ang nag-iisang 8th-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao laban sa mas batang si reigning World Boxing Council (WBC) welterweight titlist Mario “El Azteca” Barrios sa Hulyo.


Bagamat nagsimula ng sumabak sa ensayo ang Filipino boxing legend at kahapon ay dumating na ito sa Los Angeles kasama ang kanyang misis na si Jinkeey Pacquiao para ituloy ang ensayo sa Wildcard gym nakahanay siyang iupo sa International Boxing Hall of Fame sa Hunyo sa New York City,  patuloy namang hindi pumapabor si Matchroom Boxing Promotions head Eddie Hearn na hindi mananalo si Pacquiao kontra Barrios dahil na rin sa edad nito.


I mean one, he won’t beat Barrios,” pahayag ni Hearn. “And two, I’m not gonna stand here with my righteous hat on and say it’s an absolute disgrace that Pacquiao's fighting, but I just can’t believe you can just literally disappear from boxing for five years, be 46 years old, and be – I think ‘shot’ is disrespectful, but by no means a fighter you were – and just phone up the governing body and go, ‘Stick me in at number five mate.’ It's like, at least put him in at 14, do you know what I mean? Why would you put him at five? Why would you put him in at all?”


Hindi lamang nagdududa si Hearn sa kasalukuyang kapasidad ni Pacquiao laban sa mas batang katunggali. Huli niyang naging laban sa pro  noong Agosto 2021 nang matalo kay Yordenis Ugas ng Cuba sa unanimous decision. Pero hindi niya agad  tinalikuran ang boksing, sumagupa sa magkasunod na exhibition bouts kontra  Korean vlogger DK Yoo at Japanese kickboxer Rukiya Anpo noong 2022 at 2024.   

 
 
RECOMMENDED
bottom of page