top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Lolet Abania | September 4, 2021



Isinugod sa ospital ang 48-anyos na si Oscar De La Hoya matapos na tamaan ng COVID-19 habang nag-withdraw na rin sa kanyang laban sa susunod na linggo sa Los Angeles.


Ayon kay De La Hoya, siya ay fully vaccinated na kontra-COVID-19 bago pa magpositibo sa coronavirus.


“What are the chances of me getting COVID?” pahayag sa isang video ni De La Hoya.


“I’ve been taking care of myself and this really, really kicked my ass,” sabi pa ni De La Hoya.


 
 

ni Lolet Abania | August 22, 2021



Nakatanggap agad si Manny Pacquiao ng ‘words of comfort’ at mensahe mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan matapos na matalo ni Yordenis Ugas ng Cuba sa kanilang laban sa WBA welterweight title bout ngayong Linggo (oras sa Manila).


Ang dalawang anak ni Pacquiao na sina Michael at Jimuel ay makikitang niyakap pa ang kanilang ama matapos ang pagkatalo nito kay Ugas, na ngayon ay may record nang 62-8-2 kung saan nakapagtala rito ng 39 knockouts.


Ang misis ng Pambansang Kamao na si Jinkee, mula sa locker room ay ilang beses namataang nagtsi-cheer sa asawa hanggang sa ring side. Natalo si Pacquiao via unanimous decision kung saan tatlong judges ang nagbigay ng score sa kanilang match na 115-113, 116-112, 116-112, na lahat ay pumabor kay Ugas.


Nagpahayag naman ang ina ni Pacquiao na hindi sa lahat ng panahon ay lagi siyang panalo. “Wala ko naguol nga napildi siya, kay unsaon man... kay kaning away, manalo, matalo man gyud, ‘di ba? Dili man pud puros panalo,” sabi ni Mrs. Dionesia Pacquiao sa mga reporters sa kanyang bahay sa General Santos City.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 11, 2021




Matagumpay na nadepensahan ng Pinoy boxer na si Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight title laban kay Jonathan Rodriguez ng Mexico (33-1, 22 KOs) sa pamamagitan ng unanimous decision sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut, USA ngayong Linggo.


Sa round 8, nagpakawala si Ancajas ng sunud-sunod na suntok sa ulo at katawan ni Rodriguez na dahilan ng pagkaka-knockdown ng huli.


Matapos ang 12 rounds, naitala ng mga judges ang score na 115-112, 116-111, at 117-110 sa naturang laban, pabor sa 29-anyos na si Ancajas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page