top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 23, 2021



ree

Inihahanda na ng Makati LGU ang pagbibigay nito ng booster shots para sa mga senior citizens at may comorbidities.


Ayon sa lokal na pamahalaan, posibleng maging available na ngayong linggo sa lungsod ang mga booster shot vaccine habang hinihintay ang mga susunod pang anunsiyo ng Makati City health authorities ukol dito.


Ang booster shots ay ibinibigay hindi bababa sa 6 na buwan mula nang makumpleto ng isang indibidwal ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine o higit 3 buwan matapos maturukan ng single-dose vaccine.


Samantala, kahapon ay nagsimula na ang pagtuturok ng booster shots sa mga senior citizens at persons with comorbidity.

 
 

ni Lolet Abania | November 22, 2021


ree

Nagsimula na ang pamahalaan sa pagbibigay ng booster shots sa mga senior citizens at mga immunocompromised na indibidwal o iyong mga nasa A2 at A3 categories para sa karagdagan nilang proteksyon laban sa COVID-19 ngayong Lunes.


Batay sa guidelines, ibinibigay ang boosters o dagdag na dose ng hindi bababa sa 6 na buwan mula nang makumpleto ng isang indibidwal ang dalawang doses ng COVID-19 vaccine o higit 3 buwan matapos maturukan ng single-dose vaccine.


“Ito ang hinihintay ng ating senior citizens, na magkaroon ng additional dose and protection,” ani vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa ginanap na ceremonial vaccination ng booster shots sa East Avenue Medical Center sa Quezon City.


Kabilang sa mga immunocompromised na mga indibidwal na eligible na makatanggap ng COVID-19 vaccine dose ay mga immunodeficiency state, mga taong tinamaan ng HIV, may active cancer o malignancy, transplant patients, at mga pasyenteng sumasailalim sa immunosuppressive treatments.


Ayon kay Galvez, mayroon nang sapat na doses, ng iba’t ibang brands ng COVID-19 vaccines para sa isasagawang booster shots sa mga sakop ng dalawang categories.


Sinabi pa ng opisyal na aabot sa 6 hanggang 8 milyon doses ang alokasyon para sa booster shots. Aniya, hindi kasama rito ang 1.6 milyon na alokasyon para naman sa karagdagang doses sa mga frontline healthcare workers.


Ayon naman kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, pareho ang gagawing sistema na may pre-registration sa panahon ng pagbabakuna noon ng primary shots, na siya ring susundin para sa booster shots.


“According to the registration, sila (booster recipients) ay tatawagan for their schedules,” ani Abalos.


Sinabi naman ng Department of Health (DOH) na ang mga kabilang sa A2 at A3 categories ay eligible para bigyan ng isang single COVID-19 booster dose, ito man ay isang homologous o isang heterologous dose.


Ang homologous booster dose ay pagbabakuna sa isang indibidwal ng parehong vaccine brand na ginamit sa kanyang unang dalawang doses habang ang heterologous booster dose ay pagbabakuna sa isang indibidwal ng ibang vaccine brand kumpara sa ginamit sa kanyang unang dalawang doses.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 20, 2021


ree

Pinaaalalahanan ng Department of Health (DOH) ang mga pribadong kompanya na hindi pa puwedeng magbigay ng booster shots ang sa kanilang mga empleyado. 


Ito ay kasabay ng pag-arangkada ng COVID-19 booster shots sa A1 priority group o mga health frontliner. 


"Hindi po kayo pinapayagan para ibigay 'yan as boosters to your employees, not unless they are part of senior citizens or are part of list of immunocompromised states na nakalagay sa EUA," ani DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire. 


Una nang sinabi ng mga awtoridad na posibleng sa 2022 pa ang booster shots ng general public.


Ito ay dahil prayoridad pa ang pamimigay ng booster shot sa mga health worker, kasunod ang mga senior citizen at may comorbidity o may sakit. 


Inaasahan ding magsisimula sa susunod na linggo ang pagbibigay ng booster shots sa mga senior citizen at immunocompromised, dahil sa ngayon ay ginagawa pa ang panuntunan hinggil dito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page