top of page
Teddy Corpuz - IG.jpg
Search

ni Lolet Abania | June 6, 2022



Nasa tinatayang 7,000 hanggang 8,000 pulis ang itatalaga para tiyakin ang seguridad sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30, ayon sa Manila Police District (MPD).


Sa isang interview kay MPD chief Police Brigadier General Leo Francisco ngayong Lunes, sinabi nitong ang National Capital Region Police Office (NCRPO) at ang Philippine National Police - National Headquarters ay magbibigay ng karagdagang deployment ng mga pulis.


“Sa panig ng MPD, meron kaming 4,400 na kapulisan at iyan ay lahat ide-deploy ko para sa inagurasyon ng ating bagong presidente,” saad ni Francisco.


“Ako ay bibigyan ng additional complement galing sa NCRPO at sa National Headquarters so we are looking about 7,000 to 8,000 police na puwede i-deploy that day,” dagdag ng opisyal.


Sa ngayon, ayon kay Francisco, wala pa silang na-monitor na anumang banta o threat kaugnay sa oath-taking ni Marcos na nakatakdang ganapin sa National Museum of the Philippines.


Sinabi rin ni Francisco na ang P. Burgos Street at Kalaw Avenue mula sa Taft Avenue hanggang Roxas Boulevard ay kanilang isasara sa trapiko kaugnay sa isasagawang okasyon.


Isang rerouting plan naman ang kanilang itinakda para sa mga motorista. Binanggit naman ni Francisco na maaaring gamitin ng mga protesters ang mga freedom parks upang magsagawa ng kanilang mga rally.


 
 

ni Lolet Abania | June 2, 2022



Nakatakdang isagawa ang oathtaking ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum of the Philippines sa Maynila sa Hunyo 30.


Si Marcos, na nanalo sa katatapos na eleksyon na nakakuha ng mahigit sa 31 milyong boto, ay manunumpa bilang ika-17th presidente ng Pilipinas.


Ayon kay Presidential Management Staff (PMS) Secretary-designate Zenaida Angping, ininspeksyon na ng mga miyembro ng inaugural committee ang lugar at isa itong anila, “suitable venue.”


“The National Museum of Philippines building and its surrounding areas match our requirements for President-elect Marcos' inauguration,” ani Angping sa isang statement.


“Preparations are already in full swing to ensure that it will be ready by then,” dagdag ni Angping.


Ang National Museum of the Philippines, dating kilala bilang Old Legislative Building, ay nagsilbi ring venue para sa inagurasyon ng dating mga Pangulong Manuel Quezon, Jose Laurel, at Manuel Roxas.


Una nang kinonsidera sa Quirino Grandstand sa Maynila, ang venue para sa oathtaking ni P-BBM, subalit ayon sa kapatid niyang si Senadora Imee Marcos, mayroong mga concern na kailangang tingnan sa buong paligid nito dahil may quarantine at isolation facility para sa mga COVID-19 patients ang naka-set up pa sa lugar.


Sinabi rin ni Angping, nabatid ng ocular inspection team ng committee na nananatiling maraming COVID-19 field hospitals sa lugar.


“The safety and welfare of our people are paramount. As such, we chose to avoid disrupting the medical care being given to the COVID-19 patients housed there. That’s why we opted for the National Museum as the venue,” sabi pa niya.


 
 

ni Lolet Abania | June 1, 2022



Posibleng sa Ilocos Region o sa Manila, gaganapin ang inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Hunyo 30, ayon sa Philippine National Police (PNP).


“’Yung kay Sir Bongbong naman po, I think it will be either Ilocos or dito po sa area ng Manila,” sabi ni PNP officer-in-charge Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. sa isang radio interview ngayong Miyerkules.


“So we are still finalizing kung saan po ‘yung exact location para po malatag ang ating security measures,” saad ni Danao.


Tubong Ilocos Norte ang pamilya Marcos, kaya pinag-iisipan ding doon isagawa ang inagurasyon ni Marcos.


Nitong Linggo, ayon sa kapatid ni Marcos na si Senator Imee Marcos, kinokonsidera nila ang mga outdoor historical sites gaya ng Quirino Grandstand, Fort Santiago, at ang National Museum para sa gagawing inauguration nito.


“Ang number one criteria sana ay outdoor para hindi na ma-COVID. Kasi we don’t want to expose people because there seems to be an uptick in infections,” ani pa ng senadora.


 
 
RECOMMENDED
LOTTO RESULTS  SUNDAY,  JUNE 28, 2026  JACKPOT PRIZE*

Ultra Lotto 6/58  : 46-56-08-01-03-05 ₱ 128,000,000.00
Super Lotto 6/49 : 32-01-35-23-14-29 ₱ 46,214,516.39
3D Lotto 2 PM      : 3-26-                         ₱ 4,500.00
3D Lotto 5 PM      : 0-1-7-                        ₱ 4,500.00
3D Lotto 9 PM      : 
7-7-0-                        ₱ 4,500.00



*Jackpot amount may change depeding on actual sales.      View All Results >
bottom of page