top of page
Search

ni Angela Fernando @News | May 27, 2024


Naglaan ang gobyerno ng higit sa P1.2-milyong halaga ng tulong sa mga Pilipinong naapektuhan ng bagyong Aghon, ayon kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ngayong Lunes.


Sinabi ni Marcos sa ‘X’ na handa ang gobyerno na maglaan ng higit sa P3-bilyong standby funds, prepositioned goods at stockpiles, upang tiyakin ang mas malawak at mas mabilis na tulong na ibibigay sa mga naapektuhan.


“Asahan nating patuloy ang ating mga ahensya sa pagsuporta sa bawat komunidad at pagtiyak sa maayos na kalagayan ng ating mga mamamayan,” saad ni Marcos.


Matatandaang nagbabala rin nu'ng Linggo ang Presidente sa mga Pinoy na mag-ingat habang patuloy na umiikot ang bagyong Aghon sa bansa.

 
 

ni Eli San Miguel @News | May 23, 2024


Nagpasalamat si Pangulong Ferdinand ''Bongbong'' Marcos Jr. sa alok ni Queen Maxima ng Netherlands na magbigay ng pinansyal na suporta sa kalusugan para sa Pilipinas.


Inihayag ng Presidential Communications Office na kabilang sa tulong na iniaalok ang mga basic financial tools tulad ng internet access, online secuirty, mga digital services, at easy payments.


“Well, that’s a very, very handsome offer. Thank you very much, Your Majesty,” ani Marcos kay Queen Maxima.


Nagtungo si Queen Maxima kay Marcos sa kanyang technical visit sa Pilipinas mula Mayo 21 hanggang 23 upang sumuporta sa pinanysal na inklusyon at kalusugan.

 
 

ni Angela Fernando @News | May 15, 2024


Tinanggap ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kamakailan ang mga non-resident ambassador-designate ng Belarus, Ghana, Turkmenistan, Malta, Dominican Republic, at Nicaragua upang palakasin ang ugnayan ng 'Pinas sa mga bansang kanilang kinakatawan.


Kabilang sa mga nagbaba ng kanilang letters of credence kay Marcos ay sina Raman Ramanouski, Non-Resident Ambassador-designate ng Belarus; Florence Buerki Akonor ng Republic of Ghana; Atadurdy Bayramov ng Turkmenistan; at John Busuttil ng Republic of Malta.


Bukod sa kanila, ipinrisinta rin nina Jaime Yorquis Francisco Rodriguez ng Dominican Republic at Sandy Anabell Dávila Sandoval ng Republic of Nicaragua ang kanilang credentials sa Pangulo.


Sa pagtanggap sa ambassador-designate ng Nicaragua, ipinahayag ni Marcos ang pag-asa na patuloy na uunlad ang relasyon ng Nicaragua at Pilipinas sa kabila ng distansya nito.


Samantala, sinabi ng Belarusian Ambassador-designate na si Ramanouski na inaasahan niya ang pag-unlad sa pagtutulungan ng Pilipinas at Belarus.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page