top of page
Search

ni Angela Fernando @News | Oct. 1, 2024



News Photo

Tinapos na ng Office of the Ombudsman (OMB) ang preventive suspension na ipinataw sa 32 opisyal ng Bohol habang patuloy ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersyal na resort sa loob ng protected area ng Chocolate Hills.


Sa pinagsamang 25-pahinang kautusan, sinabi ritong inalis ng Ombudsman ang suspensyon ng limang alkalde, mga kapitan ng barangay, at mga regional director ng Department of Agriculture at Philippine National Police.


“In the interest of justice and fair play and consonant to this Office’s previous Consolidated Order dated 31 July 2024, the preventive suspension of the following respondents is hereby lifted,” saad dito.


Magugunitang inilagay ng OMB sa preventive suspension si Bohol Governor Erico Aumentado at 68 iba pang opisyal nu'ng Mayo dahil sa mga isyu kadikit ng resort na itinayo sa Chocolate Hills.



 
 

ni V. Reyes | April 23, 2023



ree

Todas makaraang tambangan ng hinihinalang riding-in-tandem ang district supervisor ng Department of Education (DepEd) sa Inabanga, Bohol.


Tinukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktimang si Noel Duavis, 51-anyos, residente ng bayan ng Buenavista.


Batay sa paunang imbestigasyon, lulan ng kanyang kotse si Duavis na pauwi na sana nang harangin at pagbabarilin ng mga suspek na nakamotorsiklo.


Mabilis na tumakas ang mga suspek habang isinugod sa ospital ang biktima ngunit hindi na umabot ng buhay.


Inaalam na ng mga awtoridad ang motibo at nasa likod ng pamamaslang sa biktima.


 
 

ni Lolet Abania | May 26, 2022


ree

Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na buksan na sa 2-way traffic ang bagong tulay sa Loay, Bohol sa susunod na buwan.


Sa isang statement ngayong Huwebes, sinabi ng DPWH na matatapos na ang access ramps para sa bagong Clarin Bridge habang maisasagawa na rin ang two-way traffic scheme sa Hunyo 7, 2022.


Batay sa isang report mula kay Undersecretary at Build, Build, Build chief implementer Emil Sadain, ayon sa DPWH, umabot na sa final stage ang konstruksyon ng approach road para sa bagong Clarin Bridge, kasabay ng paglalagay ng bituminous asphalt concrete finish matapos ang pagsasailalim sa full compaction ng mga base materials.


Ayon sa DPWH, “The new bridge in Barangay Poblacion Ubos, Loay crossing Loboc River is designed as a Nielsen Arch bridge spanning 104 meters with an approach roads at abutment “A” of 208 meters and at abutment “B” of 217 meters.”


Binanggit naman ng ahensiya, bilang tugon sa nangyaring pagbagsak ng parallel old Clarin Bridge noong Abril 27, 2022, ang DPWH Unified Project Management Office (UPMO) sa kooperasyon ng DPWH Regional Office 7 at ng District Engineering Offices sa Bohol, agad na tinapos ang proyekto at binuksan ang bagong Clarin Bridge, habang isinagawa ang isang one-lane traffic scheme para sa mga light vehicles.


Matatandaan na ang lumang tulay na ginawa noong 1970s ay isa sa mga imprastruktura na naapektuhan ng 7.2-magnitude na lindol na tumama sa Bohol noong 2013, ayon sa DPWH.


Samantala, umabot sa halagang P462 million ang Clarin Bridge replacement project na bahagi ng Bohol Circumferential Road contract package 3 sa ilalim ng DPWH Road Upgrading and Preservation Projects (RUPP) na pinondohan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) loan deal.


“All equipment and personnel are in full-force working double time to open the bridge into two-way traffic the soonest possible time,” saad ni Sadain.


“Apart from providing safe, economical, and reliable mobility of people, goods and services, the new Clarin Bridge is seen to further boost the tourism industry of the island province of Bohol in Central Visayas,” pahayag pa ng DPWH.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page