top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | June 25, 2023



BLIND ITEM:


Noon pa pala may negosasyon para sa isang major project ni dating matinee hunk actor, pero naunsiyami nga dahil sa ilang detalyeng may kinalaman umano sa talent fee, sistema ng shoot at promo, at mga demands na talo pa raw ang demands ng mas sikat na leading lady nito.


'Yun din sana ang magsisilbing hudyat ng kanyang pagiging bagong “artista” ng network.


Nangamba kasi itong tuluyan nang mawawala o mabubura sa sirkulasyon ang nakagisnan niyang network dahil sa pinagdaanan nitong mabigat na isyu.


Nasa pandemic pa nu'ng huling makagawa ng project si aktor na hindi naman gaanong napag-usapan, more so nag-rate sa mga advertisers.


Kung hindi pa raw ito na-involve sa isang kilalang celebrity ay baka nawala na rin sa kamalayan ng showbiz ang kanyang existence.


Kaya naman sa kanyang tila pagbabalik-trabaho ay gustong siguraduhin at palabasin ng produksiyon na most sought-after leading man pa rin siya.


Hmmmm… nakakatakot nga namang ma-the who kapag wala nang interesado sa 'yo, 'noh!


Pero gaano kaya ka-true ang tsikang tila nakalimutan na nito ang opisyal na “dila” o lengguwahe ng mga series para mahalin at suportahan ka ng mga fans?


Tila mas tumindi pa raw ang “twang” nito sa pagsasalita gawa nga ng involvement nito sa sikat na female celeb na bonggang-bonggang kumuda sa foreign tongue?


 
 

ni Ambet Nabus @Let's See | June 18, 2023


Blind item:


Hmmm, how true na pera rin ang rason kung bakit umano tinanggihan ng isang sexy beauty queen-newcomer ang offer na magpapakilala sana sa kanya as a serious actress?


Mabilis pa raw sa alas-kuwatrong nag-NO ang isang sexy beauty queen-newcomer sa isang independent produ na plano sana siyang gawing bida.


'Yun nga lang, may catch na low TF pero guaranteed umano ang award-winning script, director at iba pa.


Lumalabas na si beauty queen-newcomer sa mga streamline platform na madalas ay “super sexy” ang tema ng istorya.


Mas gusto nga nitong sa ganitong platform siya makilala dahil bukod daw sa milyun-milyon nitong viewers ay malaki rin ang natatanggap nitong TF at may opportunities na kunin siya bilang guest o model sa mga shows, fiesta at live shows with guaranteed huge TF.


Kaya medyo disappointed daw ang award-winning production group na handa sana siyang sugalan to become a serious actress!



 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 31, 2023


Blind item:


Hinding-hindi makakalimutan ng isang veteran English writer ang naging experience niya nang mag-set siya ng interview noon sa isang sikat at guwapong aktor.


Sa bahay ng aktor siya pinapunta ng tatay nito na tumatayo rin bilang manager ng anak. Ang inakala ng veteran English writer ay sosyal at napakaganda ng bahay ng sikat na aktor dahil 'old rich' ang kanilang pamilya.


Pero, laking gulat at nadismaya ang veteran writer nang makita ang hitsura ng bahay ng aktor, malaki nga, pero lumang-luma na.


At noong pumasok na siya sa loob ng bahay ay napakagulo nito at walang kaayus-ayos. May kakaiba ring amoy dahil mukhang matagal na itong hindi nililinisan.


Nasilip din daw ng veteran writer ang kuwarto ng aktor na animo bodega sa mga nagkalat na gamit at damit.


Ayon sa tsika ng ilang kakilala ng aktor, wala raw kasing hilig na mag-ayos ng bahay ang kanyang ina.


Pero, rich naman sila at can afford na kumuha ng kahit tatlong katulong na maglilinis ng kanilang bahay.


Pati raw sa pagluluto ay hindi maaasahan ang ina ng aktor, kaya puro delivery o kani-kanyang luto silang magkakapatid kung gusto nilang kumain.


Hindi ma-imagine ng veteran English writer na ang sikat at guwapong aktor na parang 'baby' na mabango at bagong paligo ay dugyot pala sa sariling bahay.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page