top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 02, 2021



Blind item:


Naging open na sa publiko ang isang actress-TV host kung sino ang presidentiable na susuportahan niya sa 2022.


Siya na mismo kasi ang nagpahayag na magiging aktibo siya sa pag-iikot sa iba't ibang probinsiya para ikampanya ang kanyang presidentiable. At katuwang pa niyang mangampanya ang kanyang karelasyon ngayon.


Sa February, 2022 sila magsisimula sa pag-iikot para mangampanya. Ngayon pa lamang, nagpupustahan na ang mga political observers kung magagawa ba ng actress-TV host na maipanalo ang kanyang presidentiable.


Malakas pa ba ang kanyang karisma sa tao, eh, ang tagal niyang nawalan ng exposure sa telebisyon? May clout o hatak pa ba sa mga botante ang actress-TV host?


Malaking challenge ang haharapin niya dahil dehado sa laban ang kanyang napiling presidentiable. Hindi lang himala kundi maraming dasal ang kanyang kailangan.


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 01, 2021



Blind item:


Dismayado ang marami sa singer-TV host na unti-unti nang kinakikitaan ng angas at paglaki ng ulo ngayon.


Feeling kasi niya ay sikat na sikat na siya dahil nabigyan ng mga shows na siya ang host.


Hindi na niya inisip 'yung panahon na isa lang din siyang baguhan at wala pang experience sa pagiging host.


Pasayaw-sayaw pa lang siya noon at kasama lang sa mga sikat na hosts.


Pero nang mabigyan ng chance na mag-host ang singer-host kasama ang ilang baguhan, nagbago na siya ng pag-uugali. Akala niya ay siya lang ang solong nagdadala ng show.


Pinaglalaruan at binu-bully na niya ang mga kasamahan sa show. Nagkakasakitan na at naaksidente sa mismong show nila ang isa sa mga co-hosts niya.


Biro lang para sa maangas na host ang kanyang ginawa, pero grabe ang nangyari dahil malaki ang naging damage at injury na ininda ng co-host nang ilang araw dahil sa nasabing freak accident.


Bina-bash ngayon ang singer-TV host dahil sa kanyang ginawa sa co-host sa show.


Pero, sabi nga, umiikot ang mundo. Hindi sa habampanahon ay sikat si singer-TV host. May katapat naman na karma ang lahat.


 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | November 28, 2021



ree

BLIND ITEM:

Parang hindi lang two weeks break ang young showbiz couple na ito gaya ng naisulat sa blind item dahil matagal na silang nagdededmahan sa Instagram na isa sa mga batayan ngayon kung may problema o break na ang magkarelasyon.


Magwa-one month nang hindi nila-like ng aktor ang post ng aktres at hindi na rin siya nagko-comment, 'di gaya ng dati na kapag nag-post ang aktres, susunod na ang comment at pagla-like ng aktor.


Ngayon, hindi na nababasa ang pangalan ng aktor sa mga nagla-like at nagko-comment sa post ng aktres.


Actually, ang mga netizens at mga Marites na followers ng dalawa ang nakapansin nito at sila-sila ang nagtatanungan kung break na ba ang dalawa? Hindi nga lang sila sinasagot ng aktor at ng aktres na tuloy ang dedmahan.


In fairness sa dalawa, hindi nila sine-shade ang isa’t isa, hindi sila nag-iingay at mga Marites ang unang nakapansin hanggang sa naisulat na nga thru blind item.


Malapit na ang birthday ng aktor, hintayin natin kung babatiin siya ng aktres at kapag ginawa 'yun ng girl, baka magkabati na rin sila.


Perfect couple ang dalawa, maganda at guwapo at parehong body beautiful, kaya marami ang manghihinayang kapag hindi sila nagkabalikan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page