top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 13, 2022



Blind item:


Sobrang masigasig sa kanyang pag-iikot sa mga probinsiya ang isang male celebrity na tumatakbo ngayon sa mataas na posisyon.


Marami siyang pinahanga sa dami ng nagawa niya nang mamuno sa isang malaking lungsod.


Kaya, marami ang nag-udyok sa kanya na tumakbo na sa mas mataas na posisyon. Malaki raw ang laban niya sa mga beteranong politicians na kalaban niya.


Nag-pledge ng financial support sa kanyang kandidatura ang mayayamang negosyanteng nakilala niya, kaya wala siyang sariling pera na gagastusin sa kanyang pangangampanya.


Kung tutuusin, kahit matalo pa ang male celebrity sa darating na eleksiyon ay panalung-panalo pa rin siya dahil tiyak na malaki ang kanyang maisusubi sa kanyang campaign fund.


Marunong sa buhay ang male celebrity at kailanman ay hindi na niya dadanasin ang maghirap tulad ng buhay niya noong bata pa siya.



 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 10, 2022



Blind item:


May iba't ibang bersiyon ng kuwento na lumulutang ngayon tungkol sa hiwalayan ng controversial showbiz couple.


Ang unang kuwentong lumabas ay third party sa parte ng sikat at guwapong aktor. Pero ngayon, may ilang nagsasabi na lumabas na ang tunay na ugali ng aktor nang magsama na sila sa iisang bubong ng karelasyong aktres.


May mga showbiz observers namang nagsasabi na blessing in disguise na habang maaga pa ay nalaman agad ng aktres ang kakaibang ugali ng aktor. May ilang tao sa kanilang paligid daw kasi ang nagpapatunay na may “kakaibang ugali” ang aktor na nakakabahala.


Hindi naman siya bayolente, pero minsan ay may kakaibang personalidad. Hindi ito nararamdaman ng iba, pero lumilitaw ang weird na ugali ng aktor nang hindi niya namamalayan.


Pero kapag matalas ang pakiramdam ng kanyang kausap, tiyak na malalaman na may kakaibang "pitik" ang personalidad ng nasabing aktor. Very alarming ito kung tutuusin.


Well, sa unang tingin ay walang maniniwala na may “something” nga ang mabait na aktor.


Ang nakapagtataka lang ay kung bakit hindi agad ito natuklasan ng aktres bago sila nagpakasal?


Ang tagal-tagal nilang magkarelasyon, pero hindi niya naramdaman ang kakaibang personalidad ng aktor?


 
 

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | February 07, 2022



Blind item:


Lihim na pinagtatawanan ngayon ng ilang nagtatrabaho sa TV productions ang isang sikat na singer-actress na kilalang may kakaibang angas sa katawan at madalas na nagluluka-lukahan kapag wala sa mood.


Dahil sa tinatamasa niyang kasikatan ay medyo lumaki ang ulo ng nasabing female celebrity.


Feeling niya ay siya ang pinakamagaling at pinakasikat kaya laging nagde-demand ng VIP treatment kapag nagso-show at nagko-concert.


Hindi rin basta-basta nakakapasok ang sinuman sa kanyang dressing room. Ayaw niyang mag-entertain ng kung sinu-sinong bisita lang.


Parang reyna ang trato sa kanya sa set ganu'ng dati naman siyang purita Mirasol (read: pobre) noong nagsisimula pa lang ang kanyang singing career.


Buking naman ng lahat na marami siyang ipinaayos sa kanyang mukha upang magkaroon ng konting ganda.


Masang-masa ang kanyang hitsura pero umaasta siyang sosyalin at hindi na ma-reach.


Kaya marami ang dismayado sa lukaret na singer-actress.


Pero, may katapusan naman ang lahat. Nang lumipat siya ng network, hindi niya alam na magkakaroon ng malaking indulto sa kanyang career. Kahit sikat na sikat siya, hindi naman siya puwedeng umarte at magluka-lukahan.


Hindi na puwede ang nakasanayan niyang VIP treatment. Maraming sikat na singers-actress ang kanyang dinatnan sa bagong network. Hindi na siya makakapagmalaki pa dahil halos pantay na ang level niya sa mga dinatnang talents.


At ngayon nga, wala pang katiyakan kung hanggang kailan siya mamamayagpag. Nang magkaroon ng pandemya, nabawasan ang kinang ng mga singers at artista. Tiyak naman na hindi na siya makakabalik pa sa tinalikuran niyang network.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page