top of page
Search

ni Nitz Miralles - @Bida | May 26, 2022


BLIND ITEM:


MUKHANG hindi na makakabalik sa GMA Network ang actor-TV host-singer na sinubukan sanang bumalik sa network kung saan siya unang lumabas sa telebisyon.


'Yun ay dahil hindi raw inaprubahan ng management ang pinitch nitong project dahil sobrang mahal ang cost ng show.


Natuwa pa naman ang mga fans ng actor-TV host-singer sa posibilidad na muli siyang mapanood sa Kapuso Network at masusundan ‘yung guesting niya sa GTV ng regular show sa GMA-7. Hindi nga lang ‘yun ang nangyari dahil nag-quote raw ito ng malaking cost sa pinitch na project.


Idinaan na lang sa biruan ang pagkaka-reject sa proposal ng actor-TV host-singer. Baka raw kasama sa project ang kanyang partner at mataas tiyak ang talent fee nito. Pero, umaasa pa rin ang mga fans nito na matutuloy ang pagbabalik-Kapuso ng actor-TV host-singer na dalawang networks na ang pinanggalingan.




 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 13, 2022


ree

BLIND ITEM:


Eto pa ang isang blind item ni Kuya Jay Machete...


“Hala, si guwapong aktor na anak ng isa ring guwapong aktor, nilasing ng isang dancer na nagbibigay ng jacket.


“Tapos, nu'ng malakas na ang tama ng guwapong aktor, binitbit na ni dancer sa kanyang kuwarto.


“Kunsabagay, kakahiwalay lang ng guwapong aktor sa kanyang jowa. Kung kilala mo si guwapong aktor na nilasing ng dancer at saka chinurva, hulaan n'yo na!”


May nag-comment sa blind item na post na itey ni Joey na nagsabing… "Si Diego Loyzaga ba ito?”


Ewan lang kung tama ang naging hula niya at kung nabigyan siya ng P500 cash ni Kuya Jay Machete. May nagsabing 'yes' daw.


Eh, di wow uli, if true!


Ang pinaka-latest na blind item ni Kuya Jay Machete ay ganire…


“Ay! Nasa misis na pala ngayon ang cellphone ng winning actor-politician. Na-confiscate!


“Kaya 'yung mga ex ni actor-politician na nagte-text at nagse-send ng congratulatory messages, sorry kayo kasi si esmi ang nagbabasa nu'n ngayon.


“Kung kilala mo si winning actor-politician na kinumpiskahan ng cellphone ni misis, hulaan mo na now at manalo ng P500 cash!”


Si R.P. ba 'yan, ha, Kuya Jay Machete?


Kunsabagay, may K mag-blind item itong si friendship Joey S. 'coz siya lang naman ang tumatayong right-hand during the campaign period ni Raffy Tulfo na naging number 3 as winning candidates sa hanay ng mga bagong halal na senadores.


Boom, 'yun na!


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | May 13, 2022


ree

BLIND ITEM:


'Kaaliw ang mga blind items ni friendship Joey Sarmiento a.k.a. Kuya Jay Machete of 91.5 Win Radio FM.


Pinahuhulaan niya sa kanyang mga listeners ang kanyang BI at ang makahula ay binibigyan niya ng P500 cash.


Tulad na lang nitong katatapos na Halalan 2022, ang kanyang mga blind item goes like this…


“Wow! Ngayong tapos na ang kampanyahan… si Singer, nakabili agad ng dalawang sports car… worth P5 million at P6.2 million… Huwowww, katas ng tatlong linggong kampanyahan. Paano ba naman, ang kontrata pala for one month ay 20 million plus allowance. Sana all. Basta si Kuya Jay, laging mag-iingay.”


Pinilit ni yours truly ang damungkang na kahit initials lang ni singer ay gibsung niya.

“'E' ang initial ng last name niya,” sey niya.


E, as in… edi, wow!



 
 
RECOMMENDED
bottom of page