top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | April 26, 2023



BLIND ITEM:


"Ano'ng meron?" ang tanong daw ng mga netizens na laging nakikita ang isang "very good looking" hunk na foreigner na madalas bumibisita sa isang hunk actor sa kanyang lugar.


Madalas nga raw na tumatambay ang nasabing hunk foreigner sa farm resort ni hunk actor na lumuluwas lang ng siyudad kapag may mga showbiz engagements.


Halos semi-retired na nga ang peg ni hunk actor, dahil tunay namang super-yaman na nito at marami na ring naipundar.


Hanggang ngayon ay single pa rin si hunk actor at sa pagkakaalam natin, never itong nagkaroon ng isang seryosong relasyon.


Kaya naman, nagtatanong at nagtataka ang mga nakakakita sa naturang "good looking" hunk na foreigner kung ano ba talaga ang business nito kay hunk actor at palagi itong spotted sa kanyang farm resort.


Nakakaloka! Ano nga ba talaga ang meron sa kanila?!


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | April 1, 2023


ree

BLIND ITEM:


True kaya na may pinagdaraanang personal ang mahusay na aktor kaya hindi pa niya sinisimulan ang shooting ng TV series na matagal nang nakabinbin?


Ayon sa mga taga-production, ang mahusay na aktor na lang ang hinihintay ng lahat at dahil sa sobrang tagal nitong umoo kung kailan ba talaga siya magsisimula ay tumanggap muna ng iba’t ibang raket ang ilang artistang kasama sa series na ito, pati ang mga taga-production, dahil kailangan nilang magbigay sa kani-kanilang pamilya.


Sitsit pa ng aming paru-parong kaibigan ay, "Hindi naman nagsasabi kung ano'ng dahilan.


Sabi lang niya, gusto muna niyang magpahinga at pag-isipan ang gagawin niya sa karakter niya. Eh, ilang buwan na, last year pa ‘to? Feeling namin, (may kinalaman) sa personal niyang buhay kasi ngayon, kapag nakita mo siya, ang laki ng itinanda. Biglang tanda ang hitsura kung ikukumpara mo sa mga kasabayan niyang aktor noong panahon niya."


Kung anuman ang problema ngayon ng mahusay na aktor ay sana, maayos na para bumalik na sa dati ang aura niyang masayahin at makulit.


 
 

ni Ambet Nabus - @Let's See | March 26, 2023


ree

BLIND ITEM:


Naku, Mareng Ateng Janiz, though matagal na naming naririnig ang tsismis na ito, may kung anong excitement pa rin kaming napi-feel dito.


Sa ganda, sexy at husay kasi ng aktres na puwedeng bida at kontrabida, kikiligin ka sa tsikang talbog pa ang mga lalaki kung manuyo ito sa gusto nitong maging “special friend.”


Nagbibigay umano ito ng flowers, chocolates, at mga kakaibang online products na delivered sa kung nasaan mang location ang ngayo’y close friend niyang dati niyang katrabahong byuting aktres.


Ipinasusundo pa raw ito sa personal driver at madalas, kapag may mga “gurlie o girlie” bonding moments sila, ang sexy at magandang bida-kontrabidang aktres ay may naka-ready nang “song or poem lyrics” na binibigkas niya sa ka-bonding na special friend.


Oh, yes, pareho silang “female” ang gender identities, pero ang mga kilos at galawang “Adam at Eve” ay alam na this, 'ika nga ng tsismis.


Basta sa kanilang last project na ginawa ay bida vs. kontrabida ang mga roles nila at pinagpantasyahan ng mga lalaki ang mga kaseksihan at ganda nila.


Oh, mga ka-Bulgar, ah, nandiyan na lahat ng mga clues. Bahala na kayong mag-isip kung sino siya! Hehe!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page