top of page
Search

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 27, 2023



Blind item:


Maganda at sosyal ang isang not-so-young actress. Maraming aktor ang nanligaw at nabaliw sa kanyang kagandahan.


May class ito kung pumorma. Kaya naman pala siya ang palaging kinukuhang cover girl noon sa mga magazines.


Pero, tinamaan siya sa isang guwapo at simpatikong aktor. Nauwi nga sa kasalan ang kanilang relasyon. Mas pinili siya ng aktor at iniwan pa nga nito ang dating nobya na isa ring aktres.


Well, may sikretong natuklasan ang mga taong malapit sa magandang aktres. Na-shocked ang mga ito nang malaman na burara pala siya sa kanyang mga personal na gamit.


Kung gaano kasinop at ka-organized sa mga gamit ang kanyang mister na aktor, kabaligtaran naman ito ng sosyal na aktres.


Kapag nagbibiyahe abroad, naloloka ang mga kasama niya sa tuwing nakikita ang kanyang mga bitbit na maleta dahil mistulang hinalukay ng manok at dinaanan ng bagyo ang mga gamit ng aktres.


Kaya naman, marami ang nagulat at nadismaya nang malaman ang itinatagong sikreto ng sosyal at magandang aktres.


 
 

'DI MAN LANG IPINAGTANGGOL NG MISTER, NAPUNO, NAKIPAGHIWALAY


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 26, 2023



Blind item:


Marami ang labis na nanghinayang nang maghiwalay ang isang "power couple" sa showbiz nang dahil lang sa sulsol at paninira ng in-laws ng babae.


Sikat na sikat ang aktres na ito na nanggaling pa sa mayamang pamilya, habang guwapo at sikat din ang aktor na napangasawa niya.


Enggrande ang kanilang kasal na ginastusan ng super rich na pamilya ng sikat na aktres at kalaunan nga ay nabiyayaan sila ng isang anak na babae.


Pero, halos dalawang taon pa lang silang kasal ay nauwi rin ang pagsasama nila sa hiwalayan.


Hindi na kasi kinayang magtiis ng sikat na aktres sa mga ginagawang paninira sa kanya ng mga in-laws niya. Ang matindi pa ay ipinagkalat pa raw ng mga ito na isa siyang lesbian na pinakasalan ang kanilang guwapong anak na aktor.


Ito ang naging rason upang tuluyan nang kumalas ang sikat na aktres dahil hindi man lang siya ipinaglaban at ipinagtanggol ng mister niya sa kanyang mga in-laws.


Ngayon nga ay mahigit dalawang dekada nang hiwalay ang tinaguriang "power couple" noon at may kani-kanya na rin silang pamilya.


Pero, pareho pa ring aktibo ang kani-kanilang career kaya patuloy pa rin silang nagkikita sa mga showbiz events.


Ganunpaman, walang galit, bitterness at sumbatan ang dalawa sa isa't isa kahit na ganoon ang kinahinatnan ng kanilang pagsasama.


Nagdesisyon na lang ang dating "power couple" na maging magkaibigan at payag na rin sila na magsama sa isang pelikula kung meron mang offer sa kanila.


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 12, 2022


BLIND ITEM:


Pinagpipiyestahan ng mga mismong kaibigan niya ang tisay na aktres dahil nu'ng pandemic kung saan halos wala nang makain ang ibang artista, aba't nakapagpatayo naman ng bahay ang aktres.


Teka, saan nga ba ito kumuha ng kanyang ipinagpagawa ng bahay, eh, wala ngang mga TV shows at pelikula?


Hmmm… 'wag n'yong i-underestimate ang tisay na aktres dahil wais ito, ha?


Well, ginamit lang naman niya ang kanyang utak… and yes, ang kanyang katawan para kumita ng P500 K per night kapalit ng pagdadala sa langit ng kaligayahan sa mga lalaking uhaw sa katas ng bulaklak. Katas ng bulaklak daw, oh!


Pero ang mas nakakalokang kuwento rito, tinuhog pala ng tisay na aktres ang isang sikat na mag-ama sa showbiz!


Yes, pareho silang nahulog sa alindog ng tisay na aktres. 'Di lang namin sure kung alam kaya ng mag-ama na pareho silang naging kostumer ni tisay na aktres.


In fairness, sa galing at pagiging wais ni aktres, 'di na niya kailangang kumayod araw-gabi, 'no!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page