top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 10, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Abril 10, 2026 (Biyernes): Bibigyan ka ng buhay na mas masarap kaysa sa pangkaraniwan. Subalit, ang kondisyon ay kailangan mong labanan ang iyong katamaran. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat makuntento sa mga bagay na hawak mo na. Ipagpatuloy mo pa ang paghahangad dahil marami pang oportunidad ang lalagay sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-9-12-28-36-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte mo. Sapagkat, noon pa nagpasaya ang langit na ikaw ay bigyan ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-11-27-30-33-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka dapat masilaw sa sarili mong galing at husay. Ang magagandang kapalaran na sumasaiyo ngayon ay galing mismo sa langit. Ito ang katotohanan na dapat mong malaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-15-28-35-38-45.


CANCER (June 21-July 22) - Guguhit ngayon ang isang pangyayari na labis mong ikatutuwa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-16-20-24-34-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Patuloy kang magsikap tulad ng mga langgam na umulan man o umaraw, hindi namamahinga sa pagkakamada ng kanilang pagkain. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-22-26-36-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakamatyag sa iyo ang langit. Kapag nakita nitong hindi ka na nag-aalinlangan, ang mga biyaya at pagpapala ay ihuhulog na agad sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-14-23-37-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dumating na ang mga araw, kung saan kailangan mong ayusin ang iyong mga pagkakamali. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-15-29-31-38-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin na makaunawa ang ayaw umunawa. Ang taong matigas ang ulo ay bingi sa mga payo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-12-20-25-35-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aangat pa ang iyong kalagayan, lalo na’t hindi mo pa naman naaabot ang pinakamataas na dapat mong maabot. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-22-27-30-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumuha ka ng lakas sa ilang nagmamahal sa iyo. Tandaan mo, hindi ka puwedeng sumuko ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-17-21-26-36-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon, dahil muling mauulit na may maghahangad na mabigo ka, pero sa halip na mabigo ka, ang tagumpay ay guguhit pa sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-18-23-37-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lihim kang magsaya kahit pa dumami ang kontrabida sa buhay mo, dahil ang huling halakhak at ang masarap na tagumpay ay nakalaan na para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-19-28-39-42.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 22, 2021



Naitala sa India ang mahigit 45,000 kaso ng nakamamatay na "black fungus" sa loob ng nakaraang dalawang buwan, ayon sa health ministry ng naturang bansa.


Ayon kay Junior Health Minister Bharati Pravin Pawar, mahigit 4,200 katao na ang naitalang nasawi sa naturang fungus na may scientific name na mucormycosis.


Unang naiulat na “very rare” lamang ang infection ng “black fungus” ngunit lumobo ang kaso nito sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic na madalas umanong tumatama sa mga gumaling na sa Coronavirus.


Ayon sa datos ng pamahalaan, ang may pinakamataas na kaso ng “black fungus” ay ang western state ng Maharashtra na may kabuuang bilang na 9,348.


Ayon sa awtoridad, bago ang pandemya, nakapagtatala ang India ng 20 kaso ng “black fungus” kada taon at kadalasan ng mga tinatamaan ay ang mga may high blood sugar levels, HIV o organ transplant recipients.


Samantala, pinag-aaralan na ng mga eksperto ang biglaang pagtaas ng kaso nito at ang “excessive use” ng steroids bilang panggamot sa COVID-19 ang tinitingnang dahilan nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page