top of page
Search

ni Lucille Galon @Entertainment News | July 11, 2024



Showbiz Photo

Nag-viral ang Q & A (question and answer) ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz at ng kandidata ng Calumpit, Bulacan na si Roella Solis na naging malayo ang sagot sa tanong na “What do you think, what physical asset do you have that should make you win Binibining Pilipinas?”


Naganap ang Binibining Pilipinas 2024 coronation night sa Araneta Coliseum, nitong Linggo, July 7, 2024 at isa si Gloria sa mga judges. Ang sagot kasi ni Roella, “As a beauty queen and as a woman of vision, I am here to present to you the best version of myself despite having pivotal losses. Eight days ago, my grandmother died, and I hope and I know that she's in heaven watching me and proud of me that she has the best seat in heaven, watching me over. Thank you.”


Well, hatala namang hindi satisfied si Gloria kaya inulit nito ang tanong na ikinagulat ng lahat. Paglilinaw ni Gloria, “What physical asset do you have?” Sinagot naman ito muli ng kandidata. Aniya, “What physical asset I have is I am beautiful. Aside from that, I have a mission and vision in life that sets me apart from the other candidates. Thank you.” Samantala, sinabing “curse” o sumpa kapag si Gloria ang judge o magtatanong sa kandidata dahil aakalain mo raw na nasa thesis defense ka. Hahaha!


Sey ng isang netizen, “Bakla, si Gloria Diaz, nanggigil sa sagot ni number 13, tinanong ulit at tinawanan.” Sey naman ni Gloria sa TV Patrol nitong July 8, nilinaw niyang hindi mahirap ang question niya kay Roella. Aniya, “Hard ba ‘yun? Ang dali-dali na nga. Simple nga, eh. “Sabi ko, ang dali-dali, ‘Okay, this is an easy question,’ ‘di ba, that’s what I said?”


Reaksiyon naman ni Pia Wurtzbach, “Minsan kasi ‘yung mga tanong na simpleng pakinggan, ‘yun ‘yung mas mahirap.”


Well, truelalu naman ang pahayag na ito ni Pia. Dahil sa pangyayaring ito, nagsilabasan na naman ang nag-viral ding video na kung saan ay judge rin si Gloria Diaz sa Binibining Pilipinas 2001 na ang candidate ay si Jeanie Andersen.


Gloria Diaz sa Bb. Pilipinas 2001 Jeanie Andersen

Ang question naman ay, “If you were given a chance to choose to become beautiful but not too smart or very smart and not too beautiful, what would you prefer to be and why?” Makikitang sobrang kinabahan ang contestant at nauutal sa pagsagot, kaya’t nag-ingay ang audience. Dahil dito, hindi naging komportable si Jeannie kaya’t napasabi siya ng, “Quiet, please.”


Ang sagot naman nito sa question ay, “Well, I’d rather choose to be beautiful because to be beautiful, it’s natural but being smart, you can learn a lot of things, you can learn from the experience, you can learn a lot of things to be smart.” ‘Kalokah! Buti na lang at nasagot niya nang tama ang tanong.


Mag-judge pa kaya si Gloria Diaz sa susunod na taon para sa Binibining Pilipinas? Tiyak na aabangan ito ng mga manonood kung mauulit nga ba ang sinasabing “curse” kapag siya na ang magtatanong.

 
 

ni Lolet Abania | April 27, 2022



Tatlong kandidata ang iniulat na umatras mula sa Binibining Pilipinas competition ngayong taon.


Sa isang statement na na-upload sa social media ngayong Miyerkules, ayon sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. (BPCI), “it has officially accepted the withdrawal of Gwendoline Meliz Soriano, Ma. Francesca Taruc, and Iman Franchesca Cristal” mula sa pageant.


“We thank them for their time and wish them well in their future plans. Given this development, we are happy to welcome the new addition to our latest batch of Binibinis: Patricia Ann Tan, Ma. Isabele David and Joanna Marie Rabe,” dagdag ng BPCI.


Matatandaang inanunsiyo ng BPCI, ang kanilang Top 40 candidates para sa Bb. Pilipinas pageant noong Biyernes.


Ayon pa sa BPCI, ang mga magwawagi sa 2022 Bb. Pilipinas competition ay magre-represent sa bansa sa Miss International, Miss Globe, Miss Intercontinental, at Miss Grand International, at sa iba pang pageants.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | April 25, 2022



Kung noon ay marami ang humuhusga kay Herlene Nicole Budol kapag sumasagot sa mga interbyu dahil wala raw sustansiya ang mga sinasabi at paliguy-ligoy, ngayon ay marami ang bilib na bilib sa dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin na unang nakilala bilang si Hipon Girl.


Malaki raw ang ipinagbago ni Hipon Girl nang sumabak na sa Bb. Pilipinas beauty pageant.


May bagong interbyu si Herlene para sa kanyang pageant journey at marami ang nakapanood ng video lalo na sa Tiktok.


Gamit ni Herlene ang second name niyang Nicole sa beauty pageant. Kaya tanong sa kanya, why Nicole at hindi Herlene ang ginamit niyang name sa pagsali sa Bb. Pilipinas?


Tuwirang sagot ng aspiring beauty queen, "Konti lang po ‘yung tumatawag sa 'kin sa Nicole. Usually po talaga, Herlene, Budol, tapos Hipon po. Ngayon po, parang si Nicole po ang lalaban."


Napabilib ni Herlene ang mga netizens. Na-appreciate ng mga ito kung paano na-handle ni Herlene ang mga tanong sa kanya.


Maging ang mga kumakalat na stunning photos ni Herlene ay hinahangaan ng mga netizens. Talagang malaki raw ang impluwensiya at transformation sa kanya ng beauty contest.


Heto ang ilang komento na aming nakalap…


"She speaks so gentle na. ‘Yung po at opo talaga, ‘di nawala sa kanya."


"Naa-amaze ako sa ganda niya ngayon."


"Looking great! Our prayers for your success."


"We're rooting for you."


"Go, Herlene! Good luck beautiful."







 
 
RECOMMENDED
bottom of page