top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | September 5, 2025



Kris Aquino - IG

Photo: Kris Aquino - IG



Ang daming nabahala nang bigla na namang isinugod si Kris Aquino sa ospital dahil sa pagtaas ng kanyang blood pressure.


Agad kumalat ang death hoax o fake death news tungkol sa kanya na itinanggi ng malalapit niyang kaibigan.


Kinumpirma ng dating tabloid editor na si Dindo Balares na buhay at nakikipag-usap pa ang kaibigan niyang si Kris matapos ang insidente. 


Nagulantang kasi ang marami matapos kumalat ang tsismis na pumanaw na raw si Kris.

Sa Facebook (FB) post ni Kuya Dindo, ikinuwento niya ang kabang naramdaman nang makatanggap ng tawag mula sa press at isang kamag-anak na nagtatanong kung totoo raw ba ang balitang sumakabilang-buhay na si Kris.


Ayon kay Balares, “Si Kris Aquino raw, dead na. Paanong ‘di nenerbiyusin, ilang araw kaming ‘di nagkontakan ni Krisy after ng successful surgical procedure sa kanyang blood clots.”


Agad daw siyang nagtanong sa isang caretaker ni Kris at nakahinga nang maluwag nang marinig na natutulog lamang ito. Kinagabihan, nagkausap din daw sila ni Kris mismo sa messaging app kung saan nilinaw ng TV host-actress na buhay na buhay siya, kahit pa dumaan sa panibagong health scare.


Kuwento ni Kris sa kanya, “Noong umabot ng 172/112 ang BP (blood pressure) ko, I told Alvin to call St. Luke’s for an ambulance.”


Ipinakita rin niya ang resulta mula sa kanyang BP monitor at inaming bumaba rin ang kanyang white blood cell count.


Sa kabila nito, pinanatili ni Kris ang pagiging matatag at nagbigay pa ng lakas ng loob sa kanyang kaibigang si Balares.


“I don’t want you to worry, Kuya Dindo. Kaya pa,” dagdag niya.

Positibo ring ibinalita ni Kris na, “They checked if I had more blood clots. The good news—the blood clot that required the surgery, thank you for the prayers, has shrunk significantly.”


Dahil dito, kahit may pangamba, nagpatuloy pa rin sa masayang pag-uusap ang dalawa. Para kay Dindo Balares, kahanga-hanga ang tapang at positivity ni Kris Aquino sa kabila ng kanyang pinagdaraanan.



Mag-ama, first time nagsama sa event…

BARON, INILANTAD NA IN PUBLIC ANG ANAK NILA NI NADIA



AGAW-PANSIN si Baron Geisler at ang anak niya kay Nadia Montenegro na si Maria Sophia Asistio sa ginanap na Preview Ball. Unang beses kasing nagkasama sa public event ang mag-ama.


Wika ng aktor, “For me this is not only celebrating our artists but also a family time.”

Excited namang pahayag ni Sophia, “I feel very blessed to have this opportunity with him and this is also my first red carpet and it is with him so it is very special.” 

Pabonggahan ang mga celebrities na um-attend sa event. Mga sopistikadong kasuotan na may kani-kanyang symbolic styles ang nag-stand-out nu’ng gabing iyon.


Nangunguna si Anne Curtis na very confident sa kanyang beauty. Ibinahagi niya ang sikreto kung paano mapanatiling glowing and youthful ang sarili kahit na siya ay 40 years old na.


Aniya, “Being happy in life.”


Ang former Miss Universe na si Pia Wurtzbach-Jauncey ay nakaka-inspire rin ang outfit na inspired by the delicate wings of a mariposa, embodying sophistication.

Isa pang Miss Universe Philippines alumna na si Michelle Dee ay agaw-pansin sa kasuotang barong kung saan pinatunayan niya na ang Filipino classic dress ay puwedeng gawing modern at eco-conscious.


Sina Francine Diaz at Seth Fedelin naman ay sabay na dumating kung saan ang suot nila ay all-black na ensemble, highlight ng kanilang youthful elegance.


Hindi naman nagpakabog ang grand winners ng PBB Celebrity Collab Edition na sina Brent Manalo at Mika Salamanca habang rumarampa sa kanilang timeless sophistication as a duo, exuding chemistry and poise.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 3, 2025



Sarah Geronimo - IG

Photo: Sen. Kiko Pangilinan - IG



Galit si Senator Kiko Pangilinan sa umano’y pambabastos ng isang TV network sa misis niyang si Sharon Cuneta.


Nag-demand siya ng public apology mula sa NET25 at sa dalawang news anchors matapos idamay ang Megastar sa maanomalyang flood control projects.


Ayon kay Pangilinan, hindi makatarungan ang pagbanggit sa pangalan ng kanyang asawa gayung nananahimik umano ito. 


Sa Facebook (FB) page ng senador, inihayag niya ang kanyang saloobin hinggil sa panayam ng programa kay Sen. Dante Marcoleta.


“Sa management ng Net 25: Tama ba ang pakiramdam ko na sa inyong mga anchors sa Sa Ganang Mamamayan kung saan naging guest ninyo si Senador Dante Marcoleta ay idinawit ninyo ang aking maybahay na si Sharon na wala namang kinalaman sa flood control?


“Binastos ninyo si Sharon at sinaktan ang kanyang kalooban kahit na nananahimik s’ya. Ito ba ay para dumami ang inyong viewership?


“Tama ba na idawit ang isang inosenteng taong walang kinalaman sa opisyal na negosyo ng Senado at gawing katawa-tawa ang kanyang pagkatao sa publiko? Ano ba ang ginawa ni Sharon sa inyong istasyon at sa mga anchorperson at binastos ninyo ang kanyang pagkatao?


“Hindi ganito ang mga propesyonal na broadcaster. Hindi inirerespeto ng inyong mga anchors si Sharon at sinaktan ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng pagkaladkad sa kanya sa isyung ito. She deserves a public apology from Net 25 and your anchorpersons,” wika ni Sen. Kiko Pangilinan.



PINAGHANDAAN ni Charlie Dizon ang 40th birthday ng mister na si Carlo Aquino.

Aniya sa kanyang Instagram (IG) account, “Advanced birthday surprise for hubby. A huge success! Grateful beyond words to everyone who made this day extra special. To our loving guests, thank you for showing your love and celebrating with us. We truly appreciate each and every one of you. Special thanks to the amazing people who helped me put this all together.”


Ang sweet naman ng komento ng aktor sa effort na ginawa ng misis, “I love you April Rose (real name ni Charlie).”


Komento ni Agot Isidro, “Na-miss ko ito pero nagwagi ang abala. Happy Birthday @jose_liwanag congrats, @charliedizon.”


“We miss you. Yes, wagi tayo,” sagot ng aktres.


Ang mga netizens ay bumati rin ng birthday greetings at iisa ang kanilang sabi…

“Happy birthday Matmat/Manong (role niya sa teleserye nila ni Anne Curtis).”

“Grabe, 40 na ‘yan… Happy birthday, Manong.”


Ngayong araw, September 3, ang actual 40th birthday ni Carlo, pero nagbigay na ng advanced surprise party ang misis niyang si Charlie.


Siguro, sa actual birthday ni Carlo Aquino, gusto ni Charlie Dizon ay solo niyang makakasama ang mister.



BTS member, nagpakatotoo…

JUNGKOOK, UMAMING MAY ADHD





IBINULGAR ng BTS boyband member na si Jungkook na siya ay na-diagnose ng ADHD (attention deficit hyperactivity disorder).


Habang nagla-live sa Weverse mula sa kanyang tahanan, ipinasilip niya sa BTS Army (tawag sa fans ng BTS) ang kanyang tirahan. Hindi inaasahan ng mga fans na sila ay sosorpresahin ni Jungkook na ipakita ang kabuuan nito.


Ang kanilang kaswal na pag-uusap ay naging isang mini-house tour kung saan ang “Golden Maknae” (halos lahat ng talents ay kayang gawin) ay nagpapakita mula sa kanyang maaliwalas na setup sa TV, layout ng hagdanan at maging sa kanyang sulok sa gym. 


Ngunit ang live stream ay naging mas malalim nang sabihin ni Jungkook ang tungkol sa kanyang health condition. 


Sa broadcast, nag-iwan ng komento ang isang user na humihiling sa kanya na huwag masyadong gumalaw. 


Matapat na tumugon si Jungkook, na inihayag sa unang pagkakataon na mayroon siyang adult ADHD.


“Hindi ko mapigilan. Medyo may adult ADHD ako, mayroon ako nito kaya patuloy akong gumagalaw nang ganito,” pag-amin niya, na nagpapaliwanag na ang patuloy na

paggalaw ay isang bagay na pinipilit niyang kontrolin.


Marami ang nagpahayag ng pagkadismaya sa komentong nag-udyok sa kanyang pag-amin, habang binibigyang-suporta at pang-unawa si Jungkook ng mga fans.

Para sa ARMY (fans ng BTS), ang katapatan ni Jungkook ay lalong nagpalalim ng kanilang paghanga sa kanya.


Samantala, ang banda ay magkasamang muli sa South Korea pagkatapos ng kanilang pagbisita sa USA. Sila ay naghahanda para sa kanilang pagbabalik sa 2026.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 2, 2025



Sarah Geronimo - IG

Photo: Sarah Geronimo - IG



“Managot dapat!” ito ang panawagan ng aktres na si Jodi Sta. Maria sa Instagram (IG) laban sa mga sangkot sa flood control at corruption na aniya’y sumisira sa tiwala ng publiko.


Aniya, “We work hard, give what we can, and pay our taxes trusting they serve the greater good. But when they uplift only a few, it makes me think na ang tunay na pagbabago ay nakasalalay hindi lamang sa ating mga pagpipilian, kundi pati na rin sa pananagutan sa mga sadyang sumisira sa tiwala ng publiko.”


Ang kanyang pahayag ay umalingawngaw at pinuri siya sa paggamit ng kanyang platform at impluwensiya upang tawagin ang mga sistematikong isyu. 


Nakiisa ang aktres sa iba pang maiimpluwensiyang tao sa pagtulak ng responsibilidad at transparency, na nagbibigay-diin na hindi mangyayari ang tunay na pagbabago nang walang pananagutan.


Kabilang sa mga nagpahayag ng pagkabahala ang aktres na si Sofia Andres, na nagpaabot ng pakikiramay sa mga komunidad na naapektuhan ng baha, at si Nadine Lustre na nagsabing ang isyu tungkol sa flood control project ay parehong nakakainis at nakakasira ng loob.


Nagpahayag din si Doug Kramer na ang Pilipinas ay hindi isang mahirap na bansa. Sey niya, “A nation whose potential is crippled by corruption,” at kasakiman ng ilang lingkod-bayan.



NAGBIGAY ng payo sa paghawak ng mga insecurities si Shuvee Etrata. 

Alam ni Shuvee kung ano ang pakiramdam kapag nakakatanggap ng panunukso at pambu-bully dahil naranasan din niya ito noon bago pa siya pumasok sa showbiz.

Ipinakita ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition alumna na ang mga insecurities ay maaari talagang gawing lakas.


Sa isang panayam, naitanong sa kanya kung paano niya nilalabanan ang mga insecurities. Tahimik ngunit very sincere na sinagot ni Shuvee ang tanong.


Aniya, “Palagi akong nakakaramdam ng mga insecurities hanggang paglaki. Gayunpaman, dahil naririnig ako ng mga nakababatang henerasyon, gusto kong malaman ninyo na ang inyong morena na balat, ang inyong kutis ay hindi kailangan ng pag-aayos. Hindi mo na kailangang ayusin, kailangan mo lang yakapin. ‘Wag mong palitan. 


“Tanggapin mo ‘yan kasi ‘yan ang ibinigay ni Papa Jesus sa ‘yo. Maganda ka kung sino ka.”

Inamin niya kung saan siya nagmula at tadhana raw ang tumulong sa kanya kung nasaan siya ngayon. 


Biro pa niya, “Siguro, hindi ka lang uso ngayon, pero darating din ‘yung time na uuso ka rin. Promise talaga ‘yan, hindi ako nagdyo-joke, ‘yun talaga ang insecurity ko.


“Sa mga grade six na nang-bully sa akin noon, ano’ng sabi n’yo? Malaki ang simod (ilong) ko. Malaki raw ang lips. O, ano’ng ginagawa ngayon? Marami nang filler-filler. Oh, ‘di ba? Kasi uso na raw ‘yung malalaki, malalaking labi. 


“Ganu’n lang ‘yun. Hindi ka lang talaga uso. Hintayin mo lang, uuso ka rin. I-love mo ‘yung sarili mo na ‘yan, ha? Prioritize yourself.”


Ang mga salita ni Shuvee Etrata, bagama’t may halong humor ay nagsilbing paalala na nagbabago ang beauty standards sa paglipas ng panahon, at ang pinakamahalaga ay ang pagmamahal sa sarili.



LUMABAS ang pagka-komedyante ng aktor na si Edu Manzano hinggil sa final check ng mga nasa gobyerno lalo na sa ahensiya ng Department of Public Works and Highways (DPWH). 


Nag-viral ang aktor sa mga satirical posts nito tungkol sa baha.


Nakiisa si Manzano sa mga netizens sa pagbatikos sa mga pampublikong opisyal at kontratista, kabilang ang ilan sa mga anak na binansagang “Nepo Babies” online dahil sa pagpapakita ng marangyang pamumuhay.


Ang unang post ni Edu ay ang larawan niya na nakasuot bilang engineer sa isang construction site na may caption na: “Relax, guys. Ako na bahala… sa road to forever. Bill, Bill, Bill.”


May post din siya na nakatayo sa isang “ghost bridge” na ginagawa, pati isang larawan na may hawak na Rolls-Royce na payong, isang direktang pagtukoy sa viral na pahayag ni Sarah Discaya tungkol sa pagbili ng marangyang sasakyan dahil may lalagyan ng payong.


Aliw na aliw ang mga netizens sa mga posts ng aktor, pero hindi roon nagtapos ang kanyang mga biro. Ang bago niyang post, “On my way to a luxurious dinner… pero s’yempre, OOTD muna: Over-Priced Outfit Taxpayer Dues.”


Ani Edu, “Mas mahal pa ang outfit ko kaysa sa bridge na hindi natapos sa probinsya ninyo. As long as you keep us posted with the audits, I’m happy to pay my tax.”


Nagkomento ang mga netizens:


“Kulang! What about the shoes?!”


“Hello Engr. Edu, the best contractor ever.”


“I wonder how much your underwear costs. Hahaha!”


“Madaming entry ni Sir Edu Manzano. Happy to know there are those brave enough to call out through satire posts. But half meant.”


Nabago pa ang meaning ng DPWH, ayon sa mga netizens: “D – Department of P – Poor W – Works & H – Heartless”


Sigaw naman ng ilan, “Edu for DPWH Secretary!”


Sabi pa ng iba, “Sana si Edu na lang ang gawing DPWH Secretary, tutal nagtapos naman s’ya ng AB Economics kaya maiba-budget n’ya ang gastusin.”

Well, uso naman na ang mga celebrities na pinapasok ang pulitika, why not?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page