ni Beth Gelena @Bulgary | September 8, 2025

Photo: Joey de Leon - IG
May patama si Joey de Leon sa mga kontratista. Maging si “Henyo Master” ay natawa sa mga biro niya laban sa mga kontratista sa gitna ng isyu sa flood control projects.
Kilala si Joey sa kanyang matalinong paglalaro ng mga salita at mga biro na magpapaisip sa mga netizens.
Araw-araw ay nagbabahagi siya ng mga nakakatawang kalokohan sa mga co-hosts niya sa kanilang longest-running noontime show.
Sa isang episode ng Eat…Bulaga! (EB!), direktang binanggit ni Joey ang “Discaya” nang ma-prompt ang contestant na magbigay ng mga sea animals na nagsisimula sa letter D.
Naging trending topic ang apelyidong Discaya matapos tawagin ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga beteranong mamamahayag para sa feature interview sa mag-asawang negosyante, na nagbukas ng alegasyon na sangkot ang kanyang kumpanya sa umano’y anomalya sa mga flood control projects.
Umani ito ng tawanan mula sa studio audience.
Bukod kay Discaya, binanggit din ni Joey ang mga kontratista. Tapos, sinabi niyang mas mataas daw ang cash prize para sa isa nilang segment. Kinuha raw kasi ng mga kontratista ang ilan sa kanilang pera kaya mababa ang kanilang papremyo. Hahaha!
Naghahanap si David Licauco ng mga insight o tips mula sa beteranong mamamahayag para sa bagong serye nilang gagawin ni Jillian Ward, ang Never Say Die (NSD). Investigative vlogger or reporter ang role ni David.
Nakipag-meeting ang aktor kay Orly Trinidad ng Super Radyo DZBB para makakuha ng mga pointers bilang isang mamamahayag.
Ang serye ay proyekto ng GMA Public Affairs.
Upang matiyak na makatotohanan ang kanyang pagganap, nakipagpulong nga siya kay Orly Trinidad na nagbigay sa kanya ng mahahalagang insight at pointers sa craft ng broadcast journalism.
“Nag-meeting kami ni Boss Orly Trinidad ng DZBB. Napaka-insightful n’ya,” ani David.
Marami raw siyang natutunan sa kanilang konsultasyon, partikular na tungkol sa kahalagahan ng angkop na paghahatid ng balita.






