top of page
Korina Sanchez-Roxas - IG.jpg
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | June 7, 2026



Isabel Reyes Santos at Ellen Adarna - Instagram

Photo: Isabel Reyes Santos at Ellen Adarna - Instagram



Taos-pusong nagpasalamat si Ellen Adarna kay Isabel Santos sa kabutihan nito sa kanyang pamilya. 


Sa kanyang IG Story kung saan tinawag niyang “best stepmom” at sinabing mahal niya ang bagong girlfriend ng ex-partner niyang si John Lloyd Cruz, agad namang nagbigay ng matamis na tugon si Isabel at pinasalamatan din si Ellen sa pagiging mabuting kaibigan at “everyday textmate” raw niya.


Magkakasama sina Ellen, John Lloyd, Isabel at ang mga anak ng aktres sa masayang Boracay trip kung saan sila ay masayang nag-swimming, diving, kayaking at videoke bonding.


Ipinakita ni Ellen ang mga candid moments ng pamilya at mga kaibigan na nag-enjoy sa dagat, sa yate, at sa kanilang masayang pagsasama na ikinatuwa ng mga netizens.


Sa videoke session, makikita si John Lloyd na kumakanta ng Closer You and I katabi si Isabel, na tila hinaharana pa niya sa ilang kuha ang girlfriend. 


‘Kaaliw namang nilagyan ni  Ellen ng caption ang kuha ng celebrity couple.

“Ang tamisss, ahaha,” aniya, na nagbigay-kilig sa mga tagasubaybay at nagpapatunay ng magandang samahan ng tatlo. 


Kapansin-pansin din ang kasiyahan ni Ellen para kina John Lloyd at Isabel, batay sa mga snaps na ibinahagi niya habang pinipiktyuran ang dalawa sa kanilang yate, gayundin ang mga sandali kung saan masayang nakikipaglaro sina John Lloyd at Isabel kay Lili, na nagpakita ng maayos na relasyon at respeto sa isa’t isa sa kabila ng kanilang past. 


Ibinahagi rin ni Ellen ang kanilang litrato na may caption na: “Eh, un iniyakan kita for being the best stepmom mahal kita! @isabelreyessantos.” 


Agad namang ini-repost ni Isabel ang naturang post at nagpasalamat din kay Ellen. 

“Love youuu, thank you for being a friend and everyday textmate,” saad ni Isabel sa kanyang IG Stories. 





GINUNITA ni Baron Geisler ang ika-44 niyang kaarawan last June 5 sa pamamagitan ng isang madamdaming post na may kalakip na mga larawan sa kanyang Instagram account.


Ang mga litrato, na kuha ng photographer na si Myk Yco, ay nagpakita ng iba't ibang mood at porma ng aktor. Kalakip nito ang maikli ngunit makahulugang mensahe: “Season 44. The story continues.”


Agad na bumuhos ang mga pagbati mula sa kanyang mga tagahanga, kaibigan, at mga personalidad sa industriya ng showbiz, na nakisaya sa panibagong yugto ng kanyang buhay.


Bukod sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, nagsilbi rin ang post bilang isang personal na pahayag tungkol sa pagpapatuloy ng kanyang paglalakbay sa buhay at karera. 


Patuloy na tinatamasa ni Baron ang suporta ng publiko, na matagal nang nakasubaybay sa iba't ibang yugto ng kanyang propesyon.


Kilala si Baron bilang isa sa mga pinakamahuhusay na aktor sa bansa. Nakilala siya sa mga proyektong gaya ng Tililing at Doll House


Kamakailan din siyang naging bahagi ng FPJ's Batang Quiapo, kung saan ginampanan niya ang mga karakter na sina Rockyboy Mondragon at Bernard Aguirre.


Sa mga naunang panayam, ipinahayag ni Baron ang kanyang pasasalamat sa kanyang asawang si Jamie Marie Geisler, na aniya'y malaking bahagi ng kanyang personal na paglago at tumutulong sa kanya upang manatiling nakatuon sa pagiging mabuting asawa at ama.


Sa edad na 44, ipinakita ni Baron Geisler na nagpapatuloy ang kanyang kuwento—sa kanyang buhay, pamilya, at karera.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | June 6, 2026



BULGARY - ROBIN, IPAPASA KAY DANIEL ANG TRONO BILANG BAD BOY_FB Robin Padilla & Daniel Padilla

Photo: FB Robin Padilla & Daniel Padilla



Nakatakdang ipasa ng aktor-pulitiko na si Sen. Robin Padilla sa kanyang pamangkin na si Daniel Padilla ang tanyag na titulong ‘Bad Boy’ sa planong ika-apat na yugto ng franchise ng Bad Boy movie.


Sa special screening ng Bad Boy 3 (BB3), pabirong sinabi ng senador, “Ii-introduce po namin bago sa Bad Boy 4, mas bata (Daniel Padilla). ‘Di na kasi believable na boy ako.”

Kinumpirma naman ni Rommel Padilla, ama ni Daniel at kapatid ni Robin, na kasalukuyan nang ginagawa ang proyekto.


Aniya, “In the works na po ‘yan. Dahil galing sa pinanggalingan, kailangan, du’n sa may kagalingan din ibigay.”


Iminungkahi rin niya si Kaila Estrada na maging leading lady ni Daniel sa BB4 upang makita ng publiko ang kanilang tambalan sa pelikula.


Kung matutuloy, magiging malaking proyekto ito para kay Daniel dahil siya ang posibleng magmana sa isa sa mga pinakakilalang action-movie personas ng aktor-pulitiko. 


Well, marami ring fans ang interesado sa posibilidad ng tambalang Daniel Padilla at Kaila Estrada sa isang malaking pelikula.





TODO-REAK ang aktres na si Bela Padilla dahil may isang podcast teaser na may pamagat na “Mga Pelikula ni Bela Padilla, Nakakasawa Na?” at todo-puna sa kanya ang isang movie critic.


Sa halip na makipagtalo, ipinaliwanag ni Bela na mas gusto niya ang mga diskusyong nakatuon sa mga ideya at sining kaysa sa mga talakayang nakasentro sa personalidad ng isang tao para lamang makahikayat ng audience.


Tinanong din niya kung paano ito naiiba sa isang gossip page kung pangalan ng isang tao ang pangunahing ginagamit upang makakuha ng atensiyon.

Hindi rin siya sumang-ayon sa puna na paulit-ulit ang kanyang mga pelikula.


Ayon sa aktres, naging maingat siya sa pagpili ng mga proyekto mula nang bumalik sa paggawa ng pelikula.


Naniniwala rin siya na normal para sa mga filmmakers na magkaroon ng sariling estilo o ‘signature mark’, tulad ng ibang direktor at manunulat na nakikilala sa kanilang natatanging paraan ng pagkukuwento.


Gayunman, kinilala niya na may kani-kanyang opinyon ang mga manonood at kritiko. Hindi niya direktang inatake ang reviewer, sa halip, ipinagtanggol ang kanyang mga creative choice habang iginagalang ang magkakaibang pananaw ng publiko.


Sa kabuuan, mahinahon ngunit matatag ang naging tugon ni Bela Padilla sa kritisismo at sa pagtatanggol sa kanyang trabaho bilang filmmaker.





Namigay ng ayuda sa school…

JAKE, SPONSOR NI RABIYA



NAG-DONATE ang aktres-beauty queen na si Rabiya Mateo ng mga gamit sa paaralan sa kanyang dating elementary school bilang bahagi ng taunang charity project na matagal na niyang isinusulong.


Mula nang tanghaling Miss Universe Philippines noong 2020, naging bahagi na ng kanyang adbokasiya ang pagtulong sa mga nangangailangan.


Sa taong ito, pinili niyang balikan ang kanyang pinagmulan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga mag-aaral ng Balasan Central Elementary School sa Iloilo.


Aniya, “Ngayon, nagkaroon ako ng pribilehiyong makabalik sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Nakapagbigay kami ng 250 set ng mga gamit sa paaralan, mga bag, at mga nakabalot na pagkain sa mga estudyante ng Balasan Central Elementary School.”


Masaya rin siyang nakasama ang mga mag-aaral mula sa Special Education Department.

“Nagkaroon din ako ng pagkakataong makipagkita sa Special Education Department, na may espesyal na lugar sa aking puso bilang isang physical therapist at naghahangad na maging doktor,” dagdag niya.


Ayon kay Rabiya, ang dedikasyon ng mga guro at ang masasayang ngiti ng mga bata ang nagpapaalala sa kanya kung gaano kahalaga ang edukasyon bilang daan upang makatulong sa kapwa.


Matapos katawanin ang Pilipinas sa Miss Universe, pumasok si Rabiya sa mundo ng showbiz. Gayunman, hindi niya isinantabi ang kanyang pangarap sa larangan ng medisina at nagpasyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.


Nagpasalamat din siya sa kanyang mga kaibigan at lalo na sa kanyang kasintahang si Jake Cuenca na tumulong sa pagpopondo ng programa.


Nilinaw din ni Rabiya na wala siyang planong pumasok sa pulitika sa kabila ng mga espekulasyong karaniwang kaakibat ng mga gawaing pangkawanggawa.


Naniniwala si Rabiya Mateo na mahalagang magbahagi ng biyaya sa iba kapag may kakayahang tumulong.


True nga naman!

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | June 5, 2026



BULGARY - CRISTINE AT GIO, SWAK KAHIT MAGKAIBA ANG PANINIWALA SA PULITIKA-IG _cristinereyes

Photo: IG _cristinereyes



Pinatunayan ng aktres na si Cristine Reyes at ni Atty. Gio Tiongson na hindi hadlang sa isang relasyon ang pagkakaiba ng pananaw sa pulitika.


Bagama’t sinuportahan ni Cristine si Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) noong halalan at nangampanya naman si Gio para kay Leni Robredo, hindi nila hinayaang maging dahilan ito ng hidwaan sa kanilang samahan.


Ayon kay Gio, sa panahon ng matinding political polarization at ‘cancel culture’, mas mahalaga pa rin ang respeto, pagkakaibigan, at maayos na komunikasyon.


Naalala rin niya na muli silang nagkaroon ng mas malalim na komunikasyon nang makatanggap ng online backlash si Cristine dahil sa kanyang pagganap bilang Imee Marcos sa pelikulang Maid in Malacañang (MIM).


Para naman kay Cristine, hindi niya kailanman kinuwestiyon ang pagiging makabayan ni Gio dahil matagal na silang magkakilala at alam niya ang tunay nitong pagkatao.


Dagdag pa ni Gio, hindi naman nagkakalayo ang kanilang pinahahalagahan sa buhay kahit magkaiba sila ng sinuportahang kandidato.


Para sa kanila, posible pa ring magkaroon ng matatag na relasyon kahit magkaiba ang paniniwalang pulitikal basta may respeto at bukas na pag-uusap.




NAGBIGAY ng reaksiyon si Congw. Leila de Lima sa patuloy na pagtatanggol ni Sen. Robin Padilla sa kanyang kapwa-senador na si Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa.


Binatikos ng Mamamayang Liberal Partylist representative ang aktor-pulitiko matapos nitong ikumpara ang sitwasyon ni Dela Rosa sa kanyang naging kaso noon.


Matapos kasi ang halos anim na buwang hindi pagharap sa Senado, muling nagpakita si Dela Rosa kasunod ng mga ulat na naglabas na umano ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya. 


Dumating si Dela Rosa in time sa botohan para sa pagpapalit ng Senate President kung saan nahalal si Alan Peter Cayetano.


Sa kanyang pagharap, binatikos ni Dela Rosa ang mga awtoridad ng National Bureau of Investigation (NBI), gayundin ang dating senador na si Antonio Trillanes IV, na napaulat na kabilang sa mga naghahanap sa kanya.


Nagpahayag din siya ng pagkadismaya sa mga nagtatanong kung bakit siya hindi nagpapakita sa publiko, at sinabing hinahanap siya ng mga tao kapag siya ay nawawala.

Matapos makalabas ng Senado, inamin ni Robin na siya ang kasama ni Dela Rosa nang umalis ito sa gusali.


Sa pagtatanggol ni Sen. Robin kay Sen. Bato, ikinumpara nito ang kaso ng kaibigan sa pinagdaanan noon ni De Lima.


Si De Lima ay naharap din noon sa warrant of arrest habang nanunungkulan bilang mambabatas.


Sey ni Sen. Robin, “The case of Senator Bato differs from that of De Lima. One was allegedly connected to drug lords, and the other is allegedly connected to neutralizing drug lords.”





Hindi pinalampas ni De Lima ang pahayag ng senador.

Sa kanyang social media post, idiniin niyang napawalang-sala na siya sa mga kaso na aniya’y gawa-gawa lamang.


“Excuse me, Sen. Robin. ‘Wag n’yo akong gamitin sa baluktot n’yong naratibo. Acquitted na ako sa hinarap kong mga gawa-gawang kaso. Napakalayo ng sitwasyon ko sa pinasakay mong fugitive from justice na si Sen. Bato. Saka, neutralizing drug lords talaga? Ipaliwanag n’ya ‘yan sa ICC,” pahayag ng kongresista.


Ayon sa ulat, idineklara na ng Department of Justice (DOJ) si Sen. Bato dela Rosa bilang pugante at iniutos ang pag-aresto rito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page