top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | June 18, 2026



Daniel Padilla, Kaila Estrada, Jake Vargas at Inah - John Estrada

Photo: FB / John Estrada



Nagpahayag si John Estrada ng positibong pananaw tungkol kay Daniel Padilla, ang boyfriend ngayon ng kanyang anak na si Kaila Estrada.


Ayon kay John, matagal na niyang kilala si Daniel at nasubaybayan ang paglago nito sa industriya. Inilarawan niya ang aktor bilang mabait, mapagkumbaba, may respeto sa kapwa, at may magandang ugali.


“He’s a very good kid. Ang bait na tao, humble, marespeto. Wala akong masasabi sa tao,” sey ni John.


Para sa beteranong aktor, higit na mahalaga ang pagkatao at integridad ng isang tao kaysa sa anumang iba pang katangian.


Nilinaw din niya na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang dapat magdesisyon

pagdating sa kanilang personal na buhay. Bilang ama, ang mahalaga sa kanya ay ang kaligayahan ng kanyang anak.


“If he has something with my daughter, then that's up to them. I wish them well. Wish them happiness,” saad niya.


Dagdag pa ni John Estrada, mahalaga para sa kanya na ang isang tao ay may takot sa Diyos, may respeto sa pamilya at mga magulang, at marunong umako ng responsibilidad.


“Because if my daughter's happy, I'm gonna be happy for her,” dagdag niya.

‘Yun naman pala!





INA NI PETRA MAHALIMUYAK, PUMANAW NA DAHIL SA CANCER



PUMANAW na ang ina ni Ashley Rivera na mas kilala bilang si Petra Mahalimuyak, ayon sa post ng aktres sa kanyang social media account.


Sa kanyang Instagram (IG) Stories, ibinahagi niya ang larawan ng kanyang ina kasama ang mensaheng “Wala nang sakit, Ma. Nawa’y makahanap ng kapayapaan at ginhawa ang iyong puso at kaluluwa.”


“Sobrang miss na kita. Mahal na mahal kita habambuhay,” dagdag pa niya.

Nagbahagi rin siya ng litrato kung saan hawak niya ang mga kamay ng kanyang ina.


“Mami-miss ko ang paghawak sa kamay mo, Ma,” aniya sa caption.

Nauna nang isiniwalat ng aktres na ang kanyang ina ay nakikipaglaban sa kanser.





MAY lumalabas na usap-usapang hindi raw maayos ang relasyon ng dalawang Sexbomb Girls na sina Rochelle Pangilinan at Jopay Paguia.


Ayon sa tsika, may mga pagkakataong nahihirapang buoin ang grupo kapag may gigs o events, at may mga reunion na hindi kumpleto ang line-up.


May mga obserbasyon din na hindi palaging magkakasama sa booking ang lahat ng members kapag may mga imbitasyon sa grupo.


Dahil dito, napapaisip ang mga fans kung may hindi pagkakaunawaan sa ilang miyembro.


Pero sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang dalawang dancers tungkol sa isyu.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | June 16, 2026



BULGARY - MYRTLE, GUSTONG PERAHAN NG KUMUHA NG PHONE NIYA-IG _myrtlegail

Photo: IG _myrtlegail



Nawalan ng cellphone ang aktres-cosplayer na si Myrtle Sarrosa sa event ng ToyCon na ginanap sa SMX Convention Center sa Pasay City.


Nagbigay siya ng update tungkol sa kanyang nawawalang phone.

Ayon kay Myrtle, nag-alok siya ng P30 thousand reward para sa sinumang makapagsasauli nito. Gayunman, tila mas mataas pa umano ang hinihingi ng taong nakakuha ng kanyang cellphone.


Aniya, “Hopefully I’m wrong. Hopefully they still choose to do the right thing. Prayers na lang muna na maging mabuting tao s’ya.”


Ibinahagi rin ni Myrtle ang emosyonal na karanasan sa paghahanap ng phone na naglalaman ng mahahalagang files, cosplay footage, at mga alaala kasama ang kanyang yumaong lola.


Kuwento pa niya, lumabas sa tracker na nasa Ever Gotesco Commonwealth ang lokasyon ng phone. Kasama ang kanyang pamilya, sinundan nila ang galaw nito mula Quezon City hanggang Fairview at Mindanao Ave.


Sa isang punto, halos matunton na nila ang sasakyang pinaghihinalaang may hawak ng phone. Ngunit nang gamitin nila ang ring feature, biglang pinatay ang cellphone at nawalan na rin ng signal ang tracker.





NAG-POST ang ABS-CBN ng larawan nina Kim Chiu at Nadine Lustre kung saan kapwa naka-sportswear ang dalawang aktres.


Nakalagay sa caption ang “Which one do you like? #sportswear.”

Hati ang opinyon ng mga netizens:

“Nadine.”


“I like Nadine but Kim Chiu is more attractive in her sportswear. Mas may spark at very fresh ang looks ni Kimmy.”

“Of course, Ms. Kimmy. Ang neat tingnan po.”


“Both are lovely, but Kim’s combination of charm, sweetness and freshness is simply irresistible.”

“Both are beautiful.”


“As someone with conservative values, I personally appreciate Kim’s graceful and modest way of carrying herself. At the same time, I respect Nadine’s liberated ways. They have different styles, but both are admirable women and talented actresses in their own right.”

“Nadine Lustre all the way.”


Kani-kanya ng istilo sina Kim Chiu at Nadine Lustre pagdating sa sportswear, kaya naman pareho silang hinahangaan ng kanilang mga tagasuporta.

May sarili silang angas at paraan ng pagdadala ng kanilang kasuotan, bagay na lalong nagpapakita ng kanilang natatanging personalidad at fashion sense.





NAPAKOMENTO ang mga netizens sa ipinost ni Anne Curtis habang siya ay nasa Shanghai, China.


Sa Instagram (IG) story, ipinakita ni Anne ang kanyang luxury cashmere sweatshirt at nilagyan ng caption na: “Literally, my Kryptonite.”


Dahil ito ay cashmere (mamahaling natural na hibla ng fiber na galing sa pinong balahibo ng cashmere goat) at luxury brand item, marami ang nagbiro online na kahit sino ay manghihina sa presyo nito.


Kilala si Anne sa kanyang pagmamahal sa high fashion at mga luxury brands, at ilang beses na rin siyang namataan sa mga international fashion events na nakasuot ng mga mamahaling cashmere pieces.


Gayunman, wala pang opisyal na impormasyon na nagkukumpirma kung anong eksaktong brand o magkano ang presyo ng sweatshirt na ipinost ng aktres. Kaya ang mga kumakalat na presyo online ay hindi pa beripikado.


Komento ng mga netizens:

“Hahaha! The caption is so real.”


“Nice! Been wanting this ever since I saw Jennie wore it. And the song is on point, just rewatching Smallville on Netflix.”


“Ikaw na ang definition ng ‘Super’ Superwoman, super-Chanel, super sosyal sa big sunglasses, super-ganda at super-mahal ko.”


“Pinakyaw mo na ang Chanel, girl, since then.”

“Mapapa-Chanel (sana) all ka na lang talaga.”


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | June 15, 2026



Celeste Cortesi - IG

Photo: Celeste Cortesi - IG



Naglabas ng pahayag si Celeste Cortesi sa kanyang Instagram (IG) Story kaugnay ng mga tsismis na umano’y iniwan siya ng kanyang partner kahit magkakaroon na sila ng anak.


Aniya, “Jeremy and I are good. Our focus remains on caring for our child, Sergio, and supporting our family.


“I believe some situations call for better consideration and respect, especially when a

child and family are already involved.


“Our priority is our family, and that is where our time, energy and attention will remain.


“With that said, people can now relax and focus on their own lives instead. Thank you.”

Ito ang naging pahayag ng dating beauty queen sa kanyang Instagram (IG) account bilang tugon sa mga usap-usapang iniuugnay ang kanyang partner sa dati ring beauty queen na si Bianca Manalo, dating girlfriend ni Sen. Win Gatchalian.


Samantala, sari-saring reaksiyon naman ang mababasa mula sa mga netizens.

Ani ng ilan, “‘Di hamak namang pretty si Celeste.


“Ang importante ay umaagos ang pera sa ‘yo, Celeste, at sa anak mo. Kung ayaw na ng guy, hayaan mo s’ya, basta ang pera, overflowing lang.”


May mga nagtanggol naman kay Bianca, “Hahaha! Si Bianca ay may pinag-aralan at mayaman ang mga magulang. Tipong ‘di gold digger…”

Ngunit may mga kumontra rin.


Sey nito, “Walang magsasabi n’yan tungkol sa kanya maliban na lang kung ikaw si Bianca. Pakiusap lang.”


“‘Di gold digger type? Puro politician ang target. Well-educated pero ‘di ginagamit ang utak.”


“Mayaman si guy kaya pala pinag-aagawan.”

“Malas ni guy ‘pag si B ang papatulan n’ya.”


“Siguro, shaky na talaga relationship nila when she got pregnant. Sad to say, madalas ‘yan ang last resort ng mga babae para mag-stay ang lalaki sa relationship. Kaso ‘pag ayaw na, ayaw na talaga.”


“Hahaha! Ito ‘yung picture nila way back. Damage control si girl. Kunwari, sila pa pero ang totoo, binitiwan na kasi preggy.”

Ganu’n?





ISANG espesyal na pasasalamat para sa A’TIN ang inihahanda ng SB19 sa pamamagitan ng I WaS There thanksgiving fanmeet. 


Ito ay bilang pagkilala sa walang sawang suporta ng kanilang mga tagahanga habang patuloy silang nagtatamo ng mahahalagang tagumpay sa lokal at internasyonal na entablado.


Unang gaganapin ang fan meet sa Agosto 8 sa Sacramento, Estados Unidos, at sa Agosto 18 naman sa Yokohama, Japan.


Ang grupo ay binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin.

Bago ito, nakatakdang gumawa ng kasaysayan ang SB19 bilang kauna-unahang Pilipinong banda na magtatanghal sa Lollapalooza Chicago sa Hulyo 30. Susundan naman ito ng kanilang paglahok sa Summer Sonic sa Japan sa Agosto 15.


Marami sa kanilang mga tagahanga sa Pilipinas ang umaasang magkakaroon din ng lokal na edisyon ng I WaS There thanksgiving fanmeet, habang may ilan namang naniniwalang may mas malaking sorpresa pa ang grupo para sa kanilang anibersaryo sa Oktubre.


Inanunsiyo rin ng SB19 ang paglabas ng Wakas At Simula Global Version CD.

Noong Hunyo 12, naglabas sila ng teaser na may linyang “MAY BAGONG ATIN,” kasabay ng pag-anunsiyo ng isang malaking pasabog sa Hulyo 1, dahilan upang umugong ang iba’t ibang espekulasyon mula sa fandom.


Makakasama rin ng SB19 ang mga kapwa OPM artists na Ben&Ben, Alamat, Flow G, Skusta Clee, SunKissed Lola, G22, KAIA, at XONARA sa Puregold OPM Con Generations sa Hulyo 11 sa Smart Araneta Coliseum.


Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na detalye tungkol sa ticketing at iba pang impormasyon para sa mga international fan meet. Gayunman, maraming A’TIN ang umaasang susunod na iaanunsiyo ang Philippine leg ng kanilang thanksgiving celebration.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page