top of page
BIDA - RURU, UMAMING NAG-CHEAT KAY BIANCA-G _rurumadrid8.jpg
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | July 12, 2026



BULGARY - BAGONG DYOWA RAW NI MARIS, AFAM-FB Circulating

Photo: FB Circulated



Masaya si Maris Racal para sa ex-boyfriend niyang si Rico Blanco dahil nakatanggap ito ng award sa larangan ng pag-arte.


Sey ng aktres, “I’m very happy for him. Nakakatuwa dahil matagal na n’yang gustong umarte. And now he has an award for it. I’m genuinely happy for him.”


Ipinapakita ng pahayag na masaya siya sa tagumpay ni Rico bilang aktor.

Binanggit pa niya na matagal nang pangarap ni Rico ang umarte, kaya natuwa siyang makita itong kinikilala sa bagong larangan.


Si Rico ay tumanggap ng Best Supporting Actor award sa 9th The EDDYS (Entertainment Editors' Choice) para sa kanyang pagganap sa pelikulang Manila’s Finest (MF).


Sa kanyang panig, wala namang ipinahiwatig si Maris tungkol sa kanilang nakaraang relasyon. Nakatuon lamang ang kanyang pahayag sa pagbati at pagkilala sa tagumpay ni Rico bilang artista.


Ibig sabihin nito ay naka-move on na ang aktres sa breakup nila ng singer na umabot din ng ilang taon.


Samantala, may natsitsismis ngayon na may bago na raw love life ang aktres at isa raw itong AFAM.


Komento ng mga netizens: 


“So, AFAM (Amerikano) ang bagong dyowa n’ya.”

“I noticed the guy’s Goyard bag.”

“Akala ko, si Anthony Jennings na ang endgame n’ya."

"Hopefully, matagpuan na ni Maris ang guy na deserve n’ya.”

“After Rico and Anthony, she deserves to be in a happy place.”


Sa ngayon, wala pang inaaming bagong karelasyon ang nagwaging Best Actress sa nakaraang 9th The EDDYS Awards Night.





Bagama’t ipinagtanggol na ni Allen Ansay si Sofia Pablo, tuloy pa rin ang pamba-bash sa aktres.


Sinisisi pa rin siya sa pagtigil ng young actor sa panliligaw sa kanyang ka-love team. Kaya naman, nagsalita na si Sofia para depensahan ang sarili.


Sey ng aktres, “Mahirap po talagang ibalanse ‘yung career and love life. Eh, s’yempre, pareho po kami na bata pa and marami kaming dreams for our family. Maybe it’s not the right time to continue talaga na i-pursue namin ‘yung isa’t isa at the moment.


“Kasi ‘yung naisip po namin is ‘di na namin nga sasabihin sa public kung ano man ‘yung status ng ligawan, kasi it’s personal naman namin. But we understand the fans na s’yempre, magtataka sila kung bakit ‘di na kami ang nagkakasama.”


Kinumpirma mismo ng aktor kamakailan na itinigil na niya noong Marso 2026 ang panliligaw kay Sofia.


Ayon sa kanya, maayos ang relasyon nila at inirerespeto nila ang isa't isa. Nagbago lamang ang direksiyon ng kanilang mga prayoridad, lalo na pagdating sa trabaho. Wala umanong iniwan, nagpaasa o o hindi sila nagkasala sa isa’t isa.


Hiniling din niya sa publiko na huwag sisihin si Sofia at itigil ang pagkalat ng maling kuwento tungkol sa aktres.





LUMIPAD patungong Mumbai, India nitong July 10 ang aktor na si Jericho Rosales upang dumalo sa premiere ng Hollywood film na Odyssey.


Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag na nagsasabing kasama siya sa cast ng pelikula. Ang nakumpirma lamang ay dumalo siya bilang special guest sa premiere event sa Mumbai.


Ibinahagi rin niya ang kanyang kasabikan at reaksiyon bago bumiyahe papuntang India.

Hindi pa rin inianunsiyo ng mga organizers o ng production kung bakit siya partikular na inimbitahan. Posibleng bahagi ito ng international promotional event ng pelikula.


Ang mga pangunahing cast ng Odyssey, ang bagong Hollywood epic ni Director Christopher Nolan, ay sina Matt Damon bilang Odysseus, Tom Holland, Anne Hathaway, Robert Pattinson, Charlize Theron, atbp..


Isa ito sa pinakamaraming bigating artista na pinagsama ni Nolan, kaya malaking Hollywood event ang premiere na dinaluhan ni Echo sa Mumbai.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 11, 2026



BULGARY - JANINE, NEVER IIWAN SA LABAN SI ECHO-IG _janinegutierrez

Photo: IG _janinegutierrez



May pangako si Janine Gutierrez kay Jericho Rosales sa kabila ng isyu sa pamilya ng aktor. 


Tiniyak niya na mananatili siya sa tabi ng BF, tulad ng walang sawang pagsuporta nito sa kanya simula pa noon.


Bago umpisahan ang panayam sa aktres ay binati muna niya ang kasintahan matapos itong hirangin bilang Best Actor sa ika-9 na Entertainment Editors’ Choice (The Eddys) para sa mahusay na pagganap nito sa pelikulang Quezon.


“Binabati kita! Sobrang saya ko para sa ‘yo,” sey ni Janine.


Para sa mga hindi nakakaalam, wala sa bansa si Janine nu’ng 9th Eddys Awards Night kaya hindi niya personal na nasamahan si  Echo.


Gayunpaman, binanggit ni Echo sa acceptance speech nito na isa sa mga pinagmumulan ng kanyang lakas si Janine. 


Inialay din ni Jericho ang kanyang panalo sa kanyang ina, na kasalukuyang nakikipaglaban sa sakit na Alzheimer’s (pagkawala ng memory).

Samantala, ibinahagi ni Janine ang kuwento sa likod ng nabanggit na ‘holding hands’ moment.


Aniya, “Medyo literal ‘yung kuwento na ‘yun kasi may time na nag-prosthetics s’ya. Binuhusan ng prosthetics ‘yung mukha n’ya so natatakot s’ya kaya literal na nakahawak ako sa kamay n’ya.”


Bukod dito, binigyang-diin din niya na mananatili siyang matatag na katuwang ng aktor sa pagharap sa anumang personal na hamon na maaaring dumating sa kanya.


“Kahit na anong pagdaanan ng isa’t isa, one of the things na ipinagpapasalamat ko is nand’yan s’ya palagi. So of course, nandu’n din ako para sa kanya. Walang bibitaw,” lahad ng Kapamilya actress.


Kung matatandaan, kamakailan ay naging laman ng mga balita si Jericho matapos sabihin ng asawa ng kanyang kapatid na si Jeremiah Rosales na diumano’y bumalik sa paggamit ng ilegal na droga ang huli at hindi mahanap.


Gayunpaman, agad na nilinaw ng aktor na ligtas si Jeremiah at kasalukuyang kasama ang kanilang pamilya sa probinsiya.


Inakusahan din ng misis ni Jeremiah si Jericho na siya umano ang sinisisi nito sa pagbabalik ng kapatid nito sa dating bisyo.





25K tao ang kasya… BINI, UNANG PINOY PERFORMER SA SM SEASIDE ARENA SA CEBU



OPISYAL nang binuksan ang SM Seaside Cebu Arena, isang bagong world-class venue sa Cebu na nagkakahalaga ng P7 bilyon. Ito ay kayang mag-accommodate ng hanggang 25,000 katao, mas malaki kaysa sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa Pasay City. 


Sinabi ni Hans T. Sy, chairman ng SM Prime Holdings, na nais nilang madala si Bruno Mars sa SM Seaside Cebu Arena. 


Ayon sa kanya, gusto sana nila itong gawing sorpresa, ngunit kasalukuyan pang abala ang singer sa kanyang world tour kaya wala pang kumpirmasyon.


Nagpahiwatig din si Hans na nais nilang madala sa SM Seaside Cebu Arena ang isang K-pop girl group na may Pilipinang miyembro. Nang tanungin siya kung KATSEYE ba ang tinutukoy niya, sumagot siya ng “Partly”

Ibig sabihin, inaasahan at pinagsisikapan pa lamang na makapagdaos ng concert doon sina Bruno Mars at KATSEYE.


Pahayag niya, “We did this 20 years ago when we still had a huge land bank. But this is definitely not the last. There should be more developments to come. We've been focused on township developments for a long time.”


Ang BINI ang unang nakatakdang magtanghal sa Seaside Cebu Arena para sa kanilang Signals World Tour ngayong July 11.

Ang iba pang siguradong magtatanghal ay ang IV of Spades, sina TJ Monterde & KZ Tandingan, Hillsong Worship, at ang LANY.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | July 10, 2026



BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph

Photo: IG _dreamscapeph



Inireklamo ang seryeng Sigabo ni Coco Martin dahil sa umano’y labis o paulit-ulit na pagpapakita ng karahasan.


Ayon sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), nakatanggap ang ahensiya ng mahigit 10 reklamo mula nang mag-premiere ang serye noong Hunyo 22.


Ang mga reklamo ay tumutukoy sa paulit-ulit na mararahas na eksena, suntukan at torture, at masasamang pananalita.


Dahil dito, pinadalo ang production team ng Sigabo sa isang compliance seminar sa ilalim ng programang ‘Responsableng Paggabay’ ng MTRCB.


Layunin ng ahensiya na ipaalala ang mga pamantayan sa content at hindi ito awtomatikong nangangahulugang may ipinataw na parusa. 


Sinabi naman ng kinatawan ng CCM Film Productions na positibo nilang tinanggap ang dayalogo ng MTRCB at nangakong magiging mas maingat upang matiyak na sumusunod ang mga susunod na episodes sa mga alituntunin ng ahensiya.


Sa ngayon, wala pang anunsiyo na suspendido o ipinatigil ang pagpapalabas ng Sigabo. Malinaw na ang isinagawa ay compliance seminar lamang at hindi suspensiyon o pagbabawal.





Kahit nag-sorry na raw… NADINE, ‘DI MASIKMURA ANG SINABI NG BASHER KAYA IDINEMANDA



NAGSALITA na si Nadine Lustre hinggil sa reklamong isinampa niya dahil sa mga malisyosong komento online.


Sa mediacon para sa teleserye nila ni Alden Richards na Love, Siargao (LS), isiniwalat ng award-winning actress ang totoong dahilan kung bakit siya nagsampa ng reklamo. 


Noong Mayo 21, 2025, naghain si Nadine sa korte ng reklamong paglabag sa Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) laban sa isang lalaking bumastos sa kanya sa social media.


Pahayag ng aktres, “Merong nag-comment sa Instagram ko, medyo ano s’ya, trigger warning. He was obviously given a sentence and of course, rehabilitation as well. He was going to go through mga seminar for gender sensitivity and all of that.


“May nag-comment kasi sa Instagram ko na I would say leading towards online sexual harassment na s’ya. Nu’ng una, hinayaan ko lang s’ya. I left the comment there. But eventually, after a few days, parang there were people, they were so triggered by the comment. And a lot of people were telling me na sobrang ‘di okay ‘yan. Medyo masama naman talaga and, unfortunately, nag-double down pa s’ya.


“So, nag-add pa s’ya ng comment. Parang may nag-reply sa kanya and then, nag-reply pa s’ya ng mas grabe pa ru’n sa sinabi n’ya… And I don’t wanna say it na. I think naman it’s available online for you to see, just because it’s very triggering.


“I think I did it because, obviously, number one, it wasn’t right to do that. Second, I felt a bit responsible for the comment and I wanted to do something about it. Because parang ‘di ko ma-stomach (masikmura) ‘yung injustice or ‘yung ganu’n na knowing na there are people who actually went through that.


“I just felt it was right. I’ve never talked about this kasi sobrang recent lang din nito although the comment did happen last year. ‘Yung case namin was only closed recently. We filed a case.” 


Aniya pa, “I just wanted people to understand that even if you’re hiding behind the screen, ‘di puwedeng magsalita ka lang ng kung ano’ng gusto mong sabihin to another person. Parang there has to be accountability.”


Sey ni Nadine, todo-sorry sa kanya ang basher o taong nagkakalat ng negativity online.


Kuwento niya, “Nag-apologize s’ya but during that time kasi, grabe kasi ‘yung comment n’ya. But unfortunately, this is something that we wanted to bring to light just because social media is like a war zone right now. Tapos, people can just say the harshest thing to harm a person.”


Base sa kumakalat online, ito ang komento ng basher kay Nadine, “Sana, ma-rape ka ng adik.”





Habang nagla-live selling…

ALEX, BINARA NG BASHER, PATI BABY IDINAMAY 



ISANG basher din ang may malisyosong comment sa aktres-vlogger na si Alex Gonzaga tungkol sa kanyang pagbubuntis habang nagla-live selling.


Nanatiling kalmado si Alex at direktang tinugunan ang komento. Mabilis namang sinuportahan ng mga netizens ang celebrity mom at binatikos ang komento ng basher na napakasama at hindi nararapat.


Nangyari ito habang ipino-promote ni Alex ang Paragis Herbal Tea ni Chef Ayb. Kasama ang kanyang tiyuhin, ipinapakita ni Alex ang mga benepisyo ng produkto nang lumitaw ang komento ng isang manonood.


Sey ng basher, “Paano po ‘pag namatay ang baby n’yo? Kaya pa ng paragis?”

Patamang sagot ni Alex, “The fact na nasasabi ng ibang tao ‘yan, ibig sabihin, they are really full of hate.


“‘Yung negativity, hatred, ‘yang anxiety, ‘yang depression... mag-Paragis ka na! Alam mo kung bakit? Kasi ang paragis, nakakatanggal din po ‘yan ng anxiety at panic attack,” sagot pa ni Alex.


Pinuri ang pananatili ng kahinahunan ng younger sister ni Toni Gonzaga at hinikayat siyang balewalain ang ganitong masasamang komento para sa kaligtasan at kapayapaan ng kanyang pagbubuntis.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page