top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 3, 2022



Joint forces sina Angel Locsin at Maris Racal sa house-to-house campaign para suportahan si VP Leni Robredo sa pagtakbo nitong pangulo. Sa Las Piñas City nakatoka ang dalawang Kapamilya actresses kasama ang ilang Kakampink volunteers.


Kani-kanya silang post sa kanilang social media account ng mga aktibidades na kanilang ginawa sa pagbabahay-bahay.


Sa Golden Acres Subdivision located sa Talon Uno, Las Piñas City pumunta ang actress at singer.


Sa parte ni Angel, natatawang ibinahagi niya na napagkamalan daw siyang si Angel Locsin ng isang lolo.


Nangingiting kuwento nito, “Sabi ni lolo, ‘Kamukha mo 'yung artista na si Angel Locsin.’ Sabi ko, ‘Kamukha ko nga ho 'yun, ‘lo.'"


Na-amaze raw siya dahil kahit malabo na ang mata ni lolo ay nabanaagan pa nito ang kanyang mukha.


Si Maris naman, ipinost lahat ng pictures habang nangangampanya sa bahay-bahay.


'Yan ang bagong strategy ng mga celebrities endorsing VP Leni as presidential candidate.


Samantala, may experience rin si Janine Gutierrez sa kanilang house-to-house campaign na napagkamalan namang anak ni VP Leni Robredo.


At maging si Sharon Cuneta ay nag-e-enjoy sa pangangampanya nang bahay-bahay.


Mukhang tapos na ang campaign rally ng mga Kakampink sa iba't ibang lugar kaya personal nang inilalapit ng mga celebrities na ito sa puso ng mga Pilipino sina Leni at Kiko.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 2, 2022



Ibinahagi ni Luis Manzano sa kanyang YouTube Channel ang reunion nilang magkakaibigan na pawang mga MYX VJs noon. Sa bahay ni Nikki Gil ginanap ang reunion.


Knowing Luis, lahat ng makita sa bahay nina Nikki ay pinapansin, maging ang ceiling na napakataas.


Kasama ni Luis ang misis nitong si Jessy Mendiola. Nasa reunion din ang mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania. Present din si Shaina Magdayao na kaibigan din pala nila.

Biniro ni Luis si Shaina. Akala raw niya ay hindi makakarating ang dalagang aktres dahil busy sa pagte-taping ng Ang Probinsyano.


Ani pa ni Luis, "Sa susunod, mga alien na ang makakalaban n’yo dahil nauubos na ang kalaban. Magiging Cardo vs. Alien na ang title," kaya ang lakas ng tawa ni Shaina.


Komento naman ng mga netizens sa reunion ng magkakaibigan…


"Kulit nilang magtotropa. As usual, tahimik si Jessy, hindi makasabay."


"I've seen several vlogs na awkward or ang bland ni Jessy, even on her own channel. Bakit isinali mo sarili mo? Susmiyogarapon."


Pagtatanggol ng isa sa misis ni Luis, "May mga tao talagang tahimik, mas gusto nilang makinig lang at mag-observe."


"Kailangan bang laging sumabay sa kakulitan ng magtotropa? Kita naman sa video na nakikipag-usap siya kay Nikki, sapat na ‘yun. ‘Di n’ya need magpabida para makasabay sa tropa ng asawa niya. Moment ‘yan ng asawa n’ya at ng mga friends ng asawa n’ya."


"Taray! Na-monetize ‘yung reunion," komento naman ng isa pa.


"Awkward Jessy.”


"Parang OP si Jessy. Ang smart at witty nilang lahat puwera siya. Hehe.”


“Same observation. She’s pretty but lacks personality, too boring and no charisma.”


"Agree! Lahat sila matatalino at talented while the wife is tahimik lang but she’s pretty din naman."


Pagtatanggol uli ng isang netizen kay Jessy, "Kayo ba, kung first time n’yo lang nakasalamuha ang isang grupo na matagal nang magkakakilala, feeling close agad kayo?"


"Tama lang naman ‘yung actuation ni Jessy, plus one siya ni Luis sa reunion na ‘yan, hindi din silang mag-asawa ang host, so small conversation sa mga attendees is enough."


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 1, 2022



Aminado si Maja Salvador na hanggang ngayon ay nasa Cloud 9 pa rin siya kahit dalawang linggo na ang nakalilipas nang mag-propose sa kanya ang non-showbiz boyfriend na si Rambo Nuñez.


Sa Instagram ng aktres, may uploaded photos si Maja with her fiancé kung saan very sweet silang nagtitinginan sa isa't isa habang nakaupo sa hagdan while wearing matching green outfits.


"Mag-2 weeks na pero nasa Cloud 9 pa rin ako. ILY @rambonunez. Nakakagigil!" ang caption ni Maja.


Nag-propose si Rambo kay Maja last April 17.


Wala pang detalye kung kelan at saan magaganap ang kanilang wedding ceremony.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page