top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 6, 2022



Year yata ngayon ng hiwalayan. Aba, sunud-sunod na celebrities ang naghihiwalay.


Unang pasok pa lang ng taon ay bumulaga agad ang bagong kasal pa lang na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, na sinundan naman nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. After few months, si Carlo Aquino at ang non-showbiz partner niyang si Trina Candaza naman ang naghiwalay kung saan ay may isa silang anak.


Kamakailan, ang 3 years in a relationship na si Jake Cuenca at ang former beauty queen na si Kylie Versoza naman ang naghiwalay na si Jake mismo ang kumumpirma sa kanyang social media account.


Ilang araw pa lang ang lumilipas, ang young couple naman na sina Janella Salvador at Markus Paterson ang naging laman ng mga tabloid na hiwalay na umano dahil sa pag-inom umano ng aktor, kung saan may isa rin silang anak, si Baby Jude.


Ngayon naman, heto at sariwa pa ang balita tungkol kina Sofia Andres at Daniel Miranda na hiwalay na rin daw. Marami ang nakapansin na parehong 'di na raw nagpa-follow sa isa't isa ang dalawa sa social media. Kaya in-assume na rin ng mga netizens na hiwalay na nga sila kahit pa meron na rin silang isang anak.


Kani-kanyang kuru-kuro ang mga netizens.


"'Di ba, may title silang 'We broke up' sa YouTube nila? 'Di ko pinanood... charot lang ba 'yun?"


"Siguraduhin lang nilang hiwalay na sila and not just for clout purposes."


Tanong naman ng isang netizen, "Hala. Pa'no na magpi-feeling alta si Sofia?"


"Naku, pa'no na ang mga luho?"


"Aysus, ano'ng pakulo 'yan, Sofia? Imposible namang hiwalayan mo 'yang BF mo, eh, nakatira ka na nga sa Forbes," komento naman ng isang netizen.


"Kasi natapos na 5-minutes fame nila nu'ng nag-announce ng baby kaya need ulit ng pampaingay."


"Si girl lang naman ang gusto ng fame. Mayaman lang 'yung BF, biglang wannabe alta na din siyang umarte."


May nagsasabi namang, "Sofia will never leave this guy. He's her golden ticket to alta life."


"Akala ko alta si Sofia, feelingera lang pala."


"Naka-follow na ulit si Sofia. Si Daniel na lang ang hindi. Baka hindi rin masyadong type itong si Sofia ng fam ni Daniel. Medyo private 'yung family ni Daniel kasi mga alta, tapos ito namang si Sofia, halos lahat naka-post."


"She will never be accepted in his world. She needs to work for her luho 'coz the guy came from rich family but the family will not finance this girl’s kaartehan. 'Yang unfollow drama is girl’s idea for sure para pag-usapan."


Anyway, sana naman, kung may problem sina Sofia at Daniel regarding sa kanilang relasyon, maayos nila agad.


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 5, 2022



Pagkatapos nina Jessy Mendiola at Sue Ramirez, si Kyline Alcantara naman ang itinalagang bagong ambassador ng South Korean Tourism in the Philippines. Last April 28 in-appoint ang 19- year-old Kapuso singer-actress.


Magkakaroon na ng pagkakataon si Kyline na ikutin ang SK dahil sa kanyang bagong commitment.


Inamin ni Kyline na mixed emotions ang kanyang naramdaman when the Korea Tourism Organization (KTO) approached her to help promote the #GandaKorea campaign.


Aniya sa isang interbyu, "Sobrang, as in parang sabi ko sa handler, 'Ate Molly, if 'yan talaga joke, sobrang masa-sad ako.'


"'Cause it's really unexpected. Sobrang unexpected talaga niya and unbelievable also."


Ayon sa KTO director na si Hyung Joon Kim, nakita raw kasi nila ang great interest ni Kyline sa kanilang bansa kaya siya ang napili ng mga ito.


"Ever since, fan talaga ako ng K-drama, 'yung acting nila, kung paano nila gawin 'yung isang series or isang movie, 'yung sa fashion nila, fan talaga nila ako. I was 11 years old then.


"And bilang honorary ambassador ng Korea sa Philippines, it's such a big thing for me and my career, so I'm really, really thankful."


Sino ba sa mga Korean celebrities ang gusto niyang ma-meet in person?


"It's either Lee Min Ho or Lee Jong Suk... Or kahit sino po, as in, kung gusto n'yo po, BTS. Lahat sila, okay!"


Dagdag pa niya, "Lee Min Ho, he's an icon! And Lee Jong Suk, his charm, ibang-iba po talaga, lalo na sa Two Worlds."


Looking forward din si Kyline na makapag-shopping on the streets of Seoul.


Aniya, "'Yun ang fashion district nila ru'n kasi trendsetter talaga, you cannot deny na trendsetter talaga sila."


 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 4, 2022



Kausap ni Herlene Nicole a.k.a. 'Hipon Girl' Budol ang manager niyang si Wilbert Tolentino. Sa video call ay tumambad ang kagandahan ni Herlene nang wala itong ka-make-up-make-up.


Muling hinangaan ng mga netizens ang stunning beauty ng komedyana-TV host. Through her post, sinabi niyang napag-usapan nila ng kanyang manager ang kanyang journey bilang Binibining Pilipinas candidate.


"Inabot nang mahigit isang oras ka-video call si Mima @sirwil75 para mag-catch up at shinare ko sa kanya kung ano ang naging progress at development ko sa mga ilang araw sa pageant training. Nasimulan ko sa KF headed by Tito @rodinb.flores. Sabi pa ni Mima, ibabad pa daw n'ya ako sa DOWNY para lumambot ang Hipon Girl n'yo. Hahaha! Thank you Mima Wilbert sa mga payo at pointers para sa ikabubuti ko at siyempre, kay Ate @daisyinutz na lagi lang 'and'yan para sa akin. Lalab Ate Daisy," ani Herlene.


Ang mga netizens, titig na titig sa mukha ni Hipon Girl na walang makeup.


Anila, "Without makeup, sobrang ganda pa din."


"'Yan ang Binibining Hipon namin."


"Proud of you, Ate Herlene! Matagal na 'ko nanonood sa vlogs mo."


Lahat ng mga updated news tungkol sa dalaga ay kanyang ina-upload sa kanyang social media lalo na sa TikTok.


May mga fun video rin siyang ina-upload tulad ng pagsasayaw niya sa popular song na Zoom by Korean-American rapper at ng singer na si Jessi.


Naging viral ang nasabing video kung saan umabot na sa 14 million views.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page