top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 12, 2021



Katatapos lang ng first anniversary ni Angelica Panganiban at ng non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Homan.


May bagong post sa kanilang social media account ang magdyowa na very proud parents sila sa kanilang fur babies.


Sa Instagram stories ng aktres, isang video ang kanyang ipinost kung saan yakap-yakap niya ang kanilang alagang pusa na may pangalang Cindy.


“Mommy’s not feeling well. Kaya naman may lambing and massage ako from Cindy,” ang caption ni Angge.


Ini-repost din niya ang larawan ng isa pa nilang pet named Dora.


“My Hooman daddy! Only Dora can cuddle mommy today!” ang caption naman ni Gregg.

Very naughty ang sagot ng aktres, “Bukas ka na lang!”


Ang reaksiyon ng mga netizens... “Oy, sina ate at kuya, nagbabahay-bahayan. Sana forever na 'yan, Angge.”


May nagtatanong naman, “Live-in na ba sila?”


Ang iba ay masaya sa love life ngayon ni Angelica. Wish nila na sana nga raw ay ang current boyfriend na ang makatuluyan nito.


“Sana, sumunod na rin kayo kina Angel at Neil,” hirit ng isang netizen.

 
 

‘WAG LANG MALAOS.


ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 11, 2021



Hindi nahiyang ibahagi ni Janine Gutierrez sa kanyang social media account ang nangyari sa kanya sa ASAP Natin ‘To nu’ng Sunday.


Post ng Kapamilya actress, “Share ko lang achievement ko, guys, habang kausap si Ms. @reginevalcasid at KZ sa ASAP. Nalaglag ‘yung microphone ko, habang patuloy silang chumichika, yumuko ako at gumapang ako sa ilalim ng lamesa para abutin, napalayo pala ‘yung gulong niya, shet… inabot ko pa…”


“Nu’ng gumagapang na ulit ako paatras, nadulas ako na parang pagong na bumaligtad sa gitna ng ASAP corridor, saya.”


“Maya-maya sabi ni Ms. Reg, medyo hindi raw talaga okay ‘yung araw niya, pero nu’ng nahulog ako… masaya na siya. Kaya sa lahat ng nagmamahal sa Songbird, you’re welcome.”

Para namang hindi feel ng mga netizens ang ipinost ni Janine.


Anila, “Ang babaw.”


“Hala, kahit ano na lang para ‘di mawala sa sirkulasyon, lol. Kawawa ka naman, Janine. Try mo rin pagulong2 sa ASAP stage kaya at I’m sure, trending ka.”


Para sa amin, walang ibig ipakahulugan ang magandang aktres sa kanyang post.


Masaya siya dahil sa nangyaring insidente sa kanya ay nakapagpasaya siya ng isang tao at ‘yun ay ang Asia’s Songbird na hindi raw maganda ang araw that time.


Anyway, congratulations kay Janine dahil pinagkalooban siya ng Rising Star Award sa New York Asian Film Festival (NYAFF) para sa movie niyang Dito at Doon.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 10, 2021



As usual, wala pa ring kupas si Kris Aquino in terms of hosting. Pinatunayan niya ito sa comeback hosting job niya nu'ng Linggo with Willie Revillame para sa TV special ng Shopee na napanood sa GMA-7.


Sa nasabing TV special, ipinamalas din ng Queen of All Media kung paano niya pinamper si Kuya Wil.


Habang nagho-host ang dalawa, nakita ni Kris na pawis na pawis si Willie.


Sey ni Kris, “Teka nga, bakit walang nag-aalaga sa 'yo? Pahinging Kleenex nga. Nababaliw ako sa inyo. Pawis na pawis na si Wil.”


Pagkabigay ng tissue kay Kris ay agad niyang pinunasan ang mukha ni Kuya Wil.


Tinukso naman ng TV host si Krissy, kaya sabi nito, “Pinupunasan ka lang, 'kaloka ka.”


Tanong naman ng Wowowin host, “Bakit mo 'ko pinupunasan?”


Sagot ng Queen of All Media, “Inaalagaan ka nga.”


Muling nagbiro si Kuya Wil, sinabi niyang hindi naman daw sila mga phenomenal love team tulad ng AlDub at idinagdag pang matatanda na raw sila.


Nauna na ring nagbiro si Kris bago siya nag-umpisang mag-host habang behind the camera ang Wowowin host.


Aniya, “May girlfriend ka na or hinihintay mo 'ko?”


Patuloy pa ng celebrity mom, “Kanina, may inireto siya sa 'kin, eh, dapat daw si Secretary… Bakit mo ba ako inirereto? Alam naman nating lahat ikaw ang gusto ng mga anak ko.”


Hahaha! Ganyan kung magbiruan ang magkaibigan.


Alam naman ng lahat na isa si Willie sa mga pinakamalapit na tao kay Kris. Pero, sa sinabing 'yun ng TV host-actress, hindi naman kaya sa bandang huli ay magkatuluyan ang dalawa?


Bandang huli, sabi ni Kris, "Sorry, I'm just being naughty. Sinabi ko naman kasing 'wag akong seryosohin.


"Pero obvious naman na kinilig. But in all sincerity, straight from my heart, THANK YOU, Willie, for your generosity and for really taking care of me.


"Like I said, you have my lifelong gratitude and support because you were there when you didn't have to. Naging napakabuti mo sa 'min nina Kuya Josh and Bimb."


Komento ng mga netizens sa muling pag-appear ni Kris sa TV…


“I have watched it on GMA-7 and KRIS AQUINO is KRIS AQUINO. SHE'S SUPER GOOD. WELCOME BACK KRIS. HOPING FOR A TALK SHOW WITH JESSICA SOHO SOON.”


“She could host Wowowin if ever na umalis si Willie sa show niya.”


“Ang ganda ni Krissy! Gusto ko din 'yung styling sa kanya rito na hindi ang daming kulay ng tela ng suot niya. She looks so yayamanin and mabango. Puwede siyang makipagsabayan doon sa mga bida sa K-drama na Mine.”


“Hindi kinaya ni Willie ang mga adlibs ni Kris. Kung puwede lang sigurong i-mute na muna niya, kaya lang, live show. Gusto talaga ni Kris si Willie, kahit joke, half meant naman.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page