top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 27, 2021




Pinagsasabong ang team-up nina Jasmine Curtis-Smith-Alden Richards at Coco Martin-Julia Montes.


Si Julia ang bagong love interest ni Coco sa Ang Probinsyano na katapat ng teleserye nina Jasmine at Alden na The World Between Us.


Nag-react umano ang Kapuso actress sa comparison sa kanila ng Kapamilya actress.

Komento ng mga netizens sa bagay na ito…


“Daming time ni Ate Jasmine lately, ha??? Ang chika, ipapasok daw si B sa Season 2 pantapat sa CocoJul, how true?”


“Ipasok si D para mas matindi ang laban. Hahaha!”


“Fake news 'yung kay Bea. Naka-quarantine sila dahil magte-taping na sila sa end of Aug. kaya may time siya sumagot. Smart nga ng sagot. Stop the network war na kasi. Enjoy na lang ang pinaghirapan ng bawat artista.”


“Ngek, ang chaka naman kung ang first project ni B, eh, pang-panakip-butas lang. She deserves her own show, 'di siya taga-salba ng show ng iba.”


“Walang kailangang isalba 'coz as far as I know, leading pa din sa ratings and ads ang TWBU. Until then, your argument is invalid.”


“Mas fresh ang TWBU. Ang ganda ng story, 'di paulit-ulit at #1 pa sa TV rating”


“Kaya siguro stop muna TWBU kasi ang lakas ng AP nu'ng ipinasok na si Julia, sobrang taas ng views. Malapit na silang abutan sa rating, konting-konti na lang.

"May franchise ang GMA, ang ABS, walang franchise, mas dapat sana, malaki agwat sa rating ng GMA."

"Kahit pa siguro ipasok si Bea, iba talaga 'yung sa AP.”


So, tuloy pa rin pala ang network war para sa mga fans ng dalawang networks.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 26, 2021




Pinag-uusapan ang OOTD ni Jinkee Pacquiao sa boxing match ng asawang si Manny Pacquiao at ng Cuban boxer na si Yordenis Ugas last Sunday sa Las Vegas, Nevada, USA.


Naka-all pink si Jinkee na nagkakahalaga raw ng P2.26 milyon! Nagmukha nga raw young looking ang 42-year-old nang misis ni Sen. Manny.



Ang nasabing outfit ni Jinkee ay tinawag na Cassia at eksklusibong mabibili raw sa Net-a-Porter sa halagang USD863.79 o P43,264.65.


Tinernuhan ni Jinkee ang kanyang outfit ng limited edition na Christian Dior Mini Lady Dior pink alligator bag, na ang estimated price ay US$9,500 to US$11,145, na sa Philippine money ay umaabot ng P475,000 o 'di kaya ay P558,000.


May suot din siyang Boucheron 18k rose gold diamond Serpent Boheme earrings with rhodolite garnet na nasa presyong US$4,551 o P227,945.94 sa Farfetch.com.


Ang suot naman niyang Tiffany and Co. Jewel Box necklace na yellow gold at emerald-cut pink Tourmaline ay nagkakahalaga ng USD5,500 or P275,401.50, ayon sa brand’s website.


Naispatan ding may suot na bracelet ang misis ni Manny na Tiffany and Co. ang brand. Isa itong City HardWear Link Bracelet na 18k rose gold with round brilliant diamonds na makikita sa kanyang right wrist. Ang luxury American jewelry brands ay nagkakahalaga ng US$17,500 o P876,242.50.


Iba naman ang presyo ng kanyang bracelet na nasa left arm. Isa rin itong 18k yellow gold bracelet na nagkakahalaga ng US$1,900 na P95,134.90 ang presyo sa ating pera.


May iba’t ibang singsing na suot din si Jinkee tulad ng Van Cleef and Arpel’s Perlee ‘Pearls of Gold.’ Nagkakahalaga ang mga ito ng GBP1,040 or around P71,516.47, ayon sa brand's website.


Nakumpleto ang kasuotan ni Jinkee para sa laban ng kanyang mister sa pares ng designer heels. Ang suot niya ay pair of Amina Muaddi Begum Glass Pumps na regalo sa kanya na nasa halagang USD2,247.80 or PHP112,518.12, mula sa Tradesy.com.


Ang overall total amount ng OOTD ni Jinkee nu’ng araw ng Pacquiao-Ugas fight ay umabot sa P2,260,024.08, huh!


Anyway, ang outfit namang 'yun ni Jinkee ay wala pa sa kalahati ng kinita ni Manny kahit natalo kay Ugas.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 25, 2021



Masaya si Derek Ramsay sa bagong love life ngayon ng dati niyang girlfriend na si Angelica Panganiban.


Lagi kasing nagpo-post ang actress ng mga happy moments nila ng non-showbiz BF na si Gregg Homan sa social media account nito.


Sa eksklusibong panayam kay Derek, hiningan siya ng reaksiyon hinggil sa bagong karelasyon ng dating girlfriend na si Angge.


"I'm very happy for her. I always say this, I wish her well.


"And to find the right guy... And I think she found the one that she is going to spend the rest of her life with," lahad ng actor.


Dagdag pa niya, "She's super happy. And nakikita mo sa aura niya, nakikita mo sa mata niya. She looks complete, and I wish her well."


Sina Derek at Angelica ay anim na taong naging magkarelasyon.


Sambit pa ng fiancé ni Ellen Adarna, wish niya ang happiness sa lahat ng kanyang ex-GFs, at kasama na nga rito si Andrea Torres.


"Kay Andrea, I wish her well, all the best. Her career is blooming. I pray and I wish she finds her true happiness.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page