top of page
Search

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 29, 2021



ree

Sa Instagram ng former beauty queen na si Maggie Wilson ay isiniwalat niyang hiwalay na sila ng kanyang mister na si Victor Consunji.


Ikinasal sina Maggie at Victor nu’ng 2010 sa Albay. Umabot din sila ng 10 years at hindi naman maikakailang sa mga posted photos nila noon ay makikitang masaya ang kanilang pagsasama.


Ayon sa former beauty queen-cum model, pareho nilang napagdesisyunang mag-asawa na maghiwalay na.


“We want to hear it from us directly. Vic and I have made the difficult decision a while back to separate, it’s been challenging to say the least, but we want you to know that there is no animosity between us.


“We will always love and support each other no matter what. We will always be family as we share our beautiful son, Connor, together.”


Mananatili pa rin daw silang magkaibigan sa kabila ng mga pangyayari. Wala raw silang hinahangad kundi parehong maging masaya.


“We’d like to ask for your kindness, understanding, love and support as we navigate this new chapter in our lives,” huling sabi ni Maggie.


Isang netizen ang may intriguing comment, “Ayayay! Accepted ba siya ng family ng guy before?”


Tanong naman ng isang netizen, “Ang mas importanteng tanong is may tattoo ba sila ng mga name o mukha nila sa isa't isa?”


Sabi naman ng isa pa, “Iniisip ko nga, buti hindi issue sa in-laws niya na laging kita puwet niya, laging halos hubad, saka laging nasa travel, parang wala nang time kina Victor at Connor.”


“I don’t buy this kind of baloney that they still love and support each other, blah blah blah. If that’s the case, why separate?! This is the usual line of couples who can’t stand each other anymore! So just tell it to the marines!


“Matutuwa ang mga haters ni Ms. World-opinionated-knows-everything-girl.”


“Sa socmed, ang ganda ng buhay nila. Mukha namang ok lahat pati pa-travel-travel pa silang mag-asawa.”


Nagbigay naman ng mga posibleng rason ang isang netizen sa hiwalayan ng mag-asawa.


“Ang top reason ng paghihiwalay: 1. Pera, 2. Third Party at 3. Hindi pagkakasundo? Alin kaya diyan? Medyo nakakalungkot ito, ha? Jackpot na kaya si Maggie sa husband niya. Saka mukhang loyal naman sila sa isa’t isa.”


May kuwento naman ang ilang netizens na mukhang nakasubaybay sa socmed nina Maggie at Victor.


“Eh, sweet pa sila nu’ng nasa Bali. Tapos, nag-US, then Dubai. ‘Yung mga huling updates sa Dubai, parang may something, pero ‘kala ko, liberated lang sila. Maga eyes ni Maggie sa IG kahapon.”


Sagot dito ng isang netizen, “Nakita ko sa IG story niya nu’ng isang gabi na nasa club sila at nakaupo while holding this guy's hand sa mismong table. As in naka-clasp ang hands nila. Nagulat nga ako pero baka kasi kaibigan lang niya. Seems touchy naman kasi talaga siya sa mga male friends niya.”


Patunay pa ng isa, “‘Yan din nakita ko, ‘yang si chinito na ‘yan, nakasama na nila ‘yan sa US travel nila, I thought super close friend. Akala ko nga gay, kasi sa upuan, mas katabi pa niya kesa sa asawa niya. Pero iniisip ko, marami nga ring male friends si Maggie. Pero ru’n sa club ng Dubai, iba ‘yung nakita ko. Meron pa nga, parang nakaakbay si guy kasi ‘yung kamay niya, nasa sandalan ni Maggie.”


“Akala ko, ako lang nakapansin na medyo touchy nga siya...nag-iisip pa ako dati, buti okay kay V at andu’n din naman kid niya...”


Naku, ha? May third party ba sa parte ni Maggie? ‘Yan ang dapat niyang linawin at sagutin para ‘di siya pinaghihinalaan ng mga intrigera at intrigerong netizens.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 28, 2021



ree

Nakakaaliw naman ang mga sikat na artista na sina Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano at Vilma Santos. Sila ang mga Reyna ng Philippine Movies nu’ng kanilang henerasyon.


Aba, pinasok na rin nila ang pagba-vlog sa YouTube ngayong panahon ng pandemya.


Palibhasa, walang gaanong pinagkakaabalahan ang mga reynang ito, gumawa na rin sila ng kani-kanilang YT channel tulad ng mga millennial.


Una nang nag-YT si Megastar Sharon nu’ng 2018 pa, though ang mga contents ay tungkol lahat sa kanyang sarili.


Una namang nag-post ang Superstar na si Ate Guy sa kanyang YT channel nu’ng October last year. Wala pa ring real content kung ano ang ilalagay ni Ate Guy sa kanyang YT.


Si Diamond Star Maricel ay pinasok na rin ang YT. Wala pang ibinabahaging content si Marya ay naka-27,000 subscribers na agad siya.


Unang nag-post ng kanyang content si Marya nu’ng July 2021. Sa ngayon ay nakaka-limang post na ang Taray Queen.


Naengganyo siyang gumawa ng sariling YT channel dahil sa pamangking si Meryll Soriano.


Last Sept. 26, gumawa na rin ng sariling YT ang Star for All Seasons. Nasilip namin ang first vlog ni Congresswoman Vilma Santos-Recto.


My Trophy Collection Reveal plus Movie Roles Trivia ang first vlog ni Ate Vi. Kaya raw niya pinasok na rin ang vlogging ay dahil naaliw siya nu’ng i-guest ng anak na si Luis Manzano sa vlog nito.


Hmmm, bakbakan na ba in terms of vlogging ang apat na Reyna ng Philippine Movies? Nagtatanong lang po.


Anyway, sa first vlog ni Ate Vi, may 109K views na siya at 13K agad ang mga nag-like at 55.5 K subscribers.


So, ang labanan ngayon ng apat na mahuhusay na aktres ay pataasan ng subscribers. Dito na malalaman kung sino talaga kina Nora, Vilma, Sharon at Marya ang pinakasikat sa kanilang apat, hahaha!


Tiyak maglalabasan na naman diyan ang kanilang mga tagahanga.


Wish lang namin na walang basagan ng trip ang mga faneys.

 
 

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 27, 2021



ree

Sa Instagram Stories ni Julia Barretto, nakasulat doon na sobrang nami-miss na niya ang boyfriend na si Gerald Anderson na nasa Vienna, Austria ngayon para sa shooting ng movie nitong To Russia with Love.


May mahaderang netizen ang nagkomento sa post ng young actress.


“I don’t think he misses you, dear,” ani ng netizen.


Sambit naman ng isa, “Julia, ‘pag nagkita kayo uli ni Ge, mukha na siyang tito mo.”


May nagsasabi namang, “Kabahan ka na, Julia!”


“Patawad, pero hindi ko pa rin talaga makalimutan ‘yung time na todo-deny sila!”


“Nako, Julia, ang daming fresh at young sa Austria.”


“‘Di ko sila gusto (hate ko pa nga, HAHA!) pero give ko na sa kanya 'to. ‘Wag na natin silang bigyan ng atensiyon na ‘di nila deserve. Sana, forever na kayo. Lol! K, bye!”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page