top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 25, 2023



ree

Bahagyang nadurog ang puso ng mahigit 38,115 na Pinoy fans sa loob ng Philippine Arena kagabi sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Dominican Republic sa unang araw ng FIBA Basketball World Cup nang mabigo sa 87-81.

Nanaig ang bisitang Dominican Republic sa Gilas Pilipinas sa simula ng 2023 FIBA World Cup. Magiting na lumaban ang mga Pinoy bago sumapit ang disgrasya sa fourth quarter.


Dumaan sa malaking lubak ang lakbay ng Gilas matapos tawagan si Jordan Clarkson ng kanyang ika-lima at huling foul na may 3:36 nalalabi at lamang ang mga Dominicano, 79-76. Mula doon ay nawalan ng direksiyon ang opensa ng mga Pinoy at lumaki ang agwat sa 86-79 sa buslo ni Jean Montero na may 14 segundo sa orasan.

Nakasabay ang Gilas sa first half na tinuldukan ng dunk ni Rhenz Abando para itabla ang laban, 42-42. Ibang Dominican Republic ang lumabas para sa second half at inilabas ni Karl-Anthony Towns ang kanyang bangis.

Nagtapos si KAT na may 17 ng kanyang 28 puntos sa second half na may kasamang 10 rebound. Namayani din ang madulas na gwardiya na si Victor Liz sa kanyang 18 puntos habang 12 puntos at walong assist si Andres Feliz.

"Sayang sana, pero nag-miss tayo sa open shot, bawi na lang next game. Thankful tayo sa fans," ayon kay JuneMar Fajardo.


"My team have a good game, I take advantage may skills," ayon kay Karl Anthony Town ng Dominican Republic matapos ang pinuring laro niya.


Kahit hindi tinapos ang laro ay nanguna pa rin si Clarkson sa kanyang 28 puntos, pitong rebound at pitong assist. Sumunod sina June Mar Fajardo na may 16 puntos at pitong rebound Dwight Ramos na may 13 puntos.

Ang 38,115 ay bagong marka para sa nanood ng laro ng FIBA. Hinigatan ito ang 32,616 noong 1994 World Cup Finals sa Toronto SkyDome (ngayon ay Rogers Centre) sa Canada.

Susubukan ng Gilas na bumawi kontra Angola sa Linggo sa Araneta Coliseum. Galing ang Angola sa 67-81 talo sa paborito Italya sa Grupo A.

 
 

ni Clyde Mariano @Sports | July 3, 2023



ree

Iniligtras ni JV Casio ang Blackwater Bossing sa nagbabantang panganib at dalhin ang Bossing sa 103-101 panalo sa San Miguel Beermen at pinalawig ang paghihirap ng SMB na lumasap ng pangatlong kabiguan at umabante sa pang-apat na puwesto sa kartadang 5-3 sa PBA Preseason on Tour sa FilOil EcoOil Center sa San Juan kagabi.


Pinalitan ni Casio si Troy Rosario sa huling 22 seconds at umiskor ng tatlong free throws para sa 102-101 at inangkin ang panalo matapos hindi umepekto ang huling timeout ni coach Jorge Gallent ay bumagsak sa tatlong kabiguan sa second running Rain or Shine at Meralco.


Sa winning tres ni Casio nabale wala ang pinagsanib na 51 points nina Allyn Bulanadi at Jericho Cruz. Si Cruz ang nagbigay lamang sa SMB, 101-99, 36 seconds ang natitira bago umiskor si Casio ng tatlong free throws at dalhin sa panalo ang Blackwater.


Nag-ambag si Troy Rosario 19 points, limang rebounds at apat na assists, Baser Amer 13 at Shawn McCarthy ng 10 sa panalo ng Blackwater. Mahigitan ang laro ay nagpalitan ng lamang at maraming beses nagtabla bago ikasa ni Casio ang game winning three charities.


“Hindi bumigay hanggang sa huli. Talagang gustong manalo. Let’s give to the players,” sabi ni coach Ariel Vanguardia.


Lumapit ang SMB 93-94, sa hookshot ni Rodney Brodial 4:49 matapos lumamang ang Blackwater 92-85, sa back-to-back baskets ni Michael Digregorio. Hindi na binitawan ng Blackwater ang pamumuno hanggang sa matapos ang laro sa kabila ng pag-aalburot ng

Beermen sa pamumuno nina Jericho Cruz, Allyn Bulanadi, Lee at Rodney Brondial.


Napigilan ng Bossing ang pangalawang sunod na panalo matapos na talunin ang Phoenix, 92-90. Dikit ang laro nagpalitan ng lamang at tatlong deadlocked simula sa 36-all ay kumalas ang SMB 56-50 sa baskets ni Allyn Bulanadi at Jericho Cruz.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page