top of page
Search

ni Clyde Mariano @Sports | February 14, 2024



Larawan : Kuha ni Reymundo Nillama



Ilatag ang red carpet na daraanan ng San Miguel Beer patungo sa podium at tanggapin ang korona ng Commissioner’s kay PBA chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial nang muling mabawi ang korona na huli nilang hinawakan nooong 2019 at talunin ang mortal na karibal na Magnolia Hotshots kagabi.


Siniguro ni coach Jorge Gallent at ng Beermen na tatapusin na nila ang best-of-seven title series sa Game 6 kaya tinalo ang Magnolia sa bisa ng 104-102 sa come-from behind fashion Valentine’s Day sa Smart Araneta Coliseum.


Matagumpay na nagawa ng SMB sa kabila matinding pagtutol ng Hotshots at ituloy ang planong victory party celebration bilang bagong champion sa Commissioner’s Cup.


Pinatalsik ng SMB ang defending champion Barangay Ginebra 3-0 sa best-of-five semis at sinipa ang Magnolia 4-2 sa best-of-seven title series at sa wakas napasama si Gallent sa elite “club of champions”.


Umiskor sina Jericho Cruz at CJ Perez tig isang tres nagdala sa SMB kunin ang korona.

Napasaklap ang pagkatalo ng Magnolia na dinomina ang laro pero bumigay sa huli sa lungkot ni coach Chito Victolero.


Umiskor si Perez ng 28 points at Cruz ng 14 points. Ang kanilang tres ang nagdala sa SMB sa podium.


Double celebration ang natamo ng SMB matapos hirangin si CJ Perez best player of the conference.


Sinira ng Magnolia ang 33-all sa shot ni Andy Marc Barroca on the way to 51-46 halftime lead sa pinagsanib puwersa nina Paul Lee, Ian Sangalang, at Jio Jalalon.


Lumamang ang Magnolia ng 13 points, 67-54, sa shot ni Calvin Abueva on the way 82-73 third quarter lead.


Subalit nabigo ang Hotshots masustain ang kanilang opensiba at bumigay sa huli at nabigo si Chito Victolero na kunin ang pangalawang korona na nanalo sa 2016 Governor’s Cup nang talunin ang Alaska

 
 

ni G. Arce @Sports | January 31, 2024




ree

Hindi na maialis ng bagong hirang na head coach ng University of Perpetual Help System Dalta Altas na si Rodericko Cesar “Olsen” Racela ang pagkadismaya patungkol sa lumalalang kondisyon ng agawan ng players sa collegiate league lalo pa’t maging ang koponan nila ay hindi naging ligtas sa naturang mga kaganapan na diskarte ngayon ng ibang malalaking unibersidad upang punan ang talaan ng manlalaro.


Matapos opisyal na maging bagong head coach ng Las Pinas-based ball squad nitong Enero para sa 100th season ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) tournament, pinag-isipang maigi ng 53-anyos na dating National Team playmaker at 9-time PBA champion sa PBA league na muling humawak ng collegiate league mula sa paghingi ng tulong ni dating league MVP na si Scottie Thompson.


“We already have our first two weeks of practice, pero madami pang inaayos lalo na yung composition ng team, [but] nakakapag-focus na tayo ngayon sa Perpetual, medyo bakasyon muna sa PBA,” paunang mensahe ni Racela sa panayam ng sports program na Bulgar Sports Beat kahapon ng umaga, matapos maagang natuldukan ang kampanya ng Ginebra Kings sa PBA Commissioner’s Cup kontra sa San Miguel Beermen sa semis.


Kaakibat ng mga inaayos sa Altas ay ang bumabalot sa dalawang malaking collegiate league na nakakaapekto na rin umano sa kabuuang programa na pinapatakbo ni Racela, matapos na may ilang manlalaro nito ang sinusubukang pitasin ng ibang unibersidad upang palakasin ang koponan.


Matatag na team ang Altas sa NCAA 100th at nanatili ang players na sina Christian Pagaran, Art Roque, John Abis, Marcus Nitura, Mark Omega, JP Boral, Angelo Gelsano, Rey Barcuma, Jearico Nunez, Nat Sevilla, Richard Movida, Carlo Ferreras at Kyle Thompson, utol ni Scottie Thompson, habang tanging sina Jielo Razon at Jasper Cuevas lang ang nawala sa pagtatapos ng playing years.


“Very competitive yan, kung intact yung mga players na maglalaro for season 100.

[Pero] ‘yan ang mga inaayos ko ngayon, right now, maraming teams kase ang kumakausap sa mga Perpetual players,” pagbubunyag ng 5'11 court general tungkol sa sitwasyon ng koponan. “So, uso na ngayon yung poaching ng players, kaya sinabi ko na ‘di ko pa alam yung line up ko for this year. Akala ko nga pagpasok ko rito magco-coach na lang ako eh, so right now inaayos pa natin yung pool of players and nasa process tayo ng pag-aayos ng pool namin ngayon.”


Bukod sa nais matuldukan ng Altas ang matagal na pagkagutom sa korona, pinapanatili ang prinsipyo na mananatiling ibibigay lang ang mga tamang pangangailangan ng players at sistemang pinagtutulungan nina Thompson, dating head coach Myk Saguiguit, Joshua del Rosario, Jam Lipae, Gerald Dizon, Joph Cleopas, at coach Richard del Rosario.


“Hindi na kase nagiging level yung playing field, yung mga teams at programs na malalaki ang budget, they end up getting na magagaling na player, which is unfair to other program. Pero ganun na na yung nangyayari, so which kailangan na ma-control ng leagues, kase kung yung may mga program na may malaki ang budget yun ang nagcha-champion, kung sino yung competitive every year, maglilipatan yung players sa kanila palagi,” paliwanag ng 10-time pro-league titlist bilang assistant coach.


Hindi pa nagagawang makapag-kampeon matapos na dalawang beses makapasok sa Finals nung 1988-89 at 89-90 na season at huling beses nakapasok sa Finals nung 80th season matapos matalo ang grupo nina Vladimir Joe, Marcel Cuenco, Fritz Bauzon at Dominador Javier sa pagtitimon ni coach Bai Cristobal sa Philippine Christian University Dolphins na pinagbidahan nina Jason Castro at Gabby Espinas.


“Before focusing on the preparation, inaayos ko muna yung commitment ng mga players for season 100, and once na okay na yung roster [like] line-up ang pool, we can start preparing for season 100. Pero pag we can’t keep the team intact kailangan gawan ng paraan, kailangan mas magturo, mas mag-invest, kailangan talagang mag-improve ang players for eight months of preparation.”

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 27, 2023



ree


Uminit ng todo si Kristaps Porzingis upang maging susi ng 126-115 panalo ng bisitang Boston Celtics sa malupit na karibal Los Angeles Lakers sa taunang NBA Christmas Games kahapon sa Crypto.com Arena. Nag-alay din ng regalong 50 puntos si Luka Doncic at hinila ang Dallas Mavericks kontra sa biglang lumamig na Phoenix Suns, 128-114.


Humataw agad ang Celtics, 12-0, at inabot ng tatlong minuto bago nakapuntos ang Lakers. Nakabawi ng bahagya ang LA sa likod ni Anthony Davis at lumapit sa halftime, 57-58, subalit pinabayaan nila ang Boston na gumawa ng 41 puntos sa third quarter para lumaki ang agwat papasok sa huling quarter, 99-90.


Nagtapos si Porzingis na may 28 puntos at 11 rebound habang 25 si Jayson Tatum.  Nanatiling numero uno ang Celtics sa taas ng liga na may 23-6 panalo-talo at bumaba ang Lakers sa 16-15.


Pumasok sa laro si Doncic na kailangan lang ang 11 puntos upang maging ika-394 na manlalaro na may 10,000 at first quarter pa lang ay bumira siya ng 17. Naabot niya ito sa 358 laro lang.


Umusok para sa 38 si Jalen Brunson at pinutol ng New York Knicks ang pitong sunod na tagumpay ng Milwaukee Bucks, 129-122. Maliban kay Brunson ay nag-ambag sina Julius Randle ng 24, RJ Barrett ng 21 at reserba Immanuel Quickley ng 20.


Naghain ng balanseng atake ang World Champion Denver Nuggets at nilupig ang Golden State Warriors, 120-114. Nagsumite ng double-double sa puntos at rebound sina Nikola Jokic (26, 14), Michael Porter Jr. (19, 10) at Aaron Gordon upang resbakan ang 28 ni Jamal Murray.


Kahit hindi naglaro ang kanilang mga bituin, nagbakbakan ng husto hanggang nanaig ang Miami Heat sa Philadelphia 76ers, 119-113. Nagpasikat si rookie Jaime Jaquez Jr. na may 31 at 10 rebound upang takpan ang pagliban ni Jimmy Butler at naging mas matimbang sa 76ers na wala si MVP Joel Embiid. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page