top of page
Search

ni Rey Joble @Sports News | August 22, 2024



Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: SMB / June Mar Fajardo / PBA PH

Nalusutan ng San Miguel Beer ang determinadong Phoenix Fuel, 111-107, at mailista ang panalo sa kanilang paghaharap sa PBA Governors’ Cup nitong Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.


Dalawang kakaba-kabang four-point shots ang binitawan ng Fuel Masters sa huling bahagi ng laro, subalit hindi ito pinalad na masungkit ang panalo o maitabla ang laban.


May tatlong puntos lang na pinoprotektahan ang San Miguel nang pinakawalaan ni Ritchie Rivero ng Phoenix ang isang four-point shot mula sa pas ani Javee Mocon na maari sanang nagbigay ng trangko para sa Fuel Masters, subalit medyo pumaling pakaliwa ang kanyang tira.


Nagresulta ito ng dalawang free throws mula kay June Mar Fajardo, na na-foul matapos masungkit ang rebound. Sinelyuhan ng 6-foor-10 sentro ng Beermen ang final score matapos maipasok ang unang bulso, subalit naimintis ang pangalawa na nagbukas pa rin ng pintuan para sa Phoenix na makatabla.


Pero hindi nagawang maipasok ni Tyler Tio ang buzzer-beating four-point shot na magtatabla sana sa laban at dalhin ang laro sa overtime, dahilan para maitakas ng Beermen ang laro. Gaya ng inaasahan, namuno sa San Miguel si Fajardo.


Sariwa pa sa kanyang pagsunkit ng ika-walong MVP award, dinomina muli ni Fajardo ang kanyang mga karibal sa pagbabalik aksyon kung saan tumipa siya ng 37 puntos at sumikwat ng 24 rebounds.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | August 21, 2024



Sports News
Photo: Gilas Pilipinas vs Brasil / FIBA

Laro ngayong Huwebes – Kigali Arena

Pilipinas vs. Senegal 


Nahirapan ng todo ang World #8 Brazil bago maipiga ang 77-74 panalo kontra sa #40 Gilas Pilipinas, sa pagbubukas ng 2026 FIBA Women’s World Cup Pre-Qualifying Tournament Grupo C Lunes ng gabi mula sa Kigali Arena ng Rwanda. 


Galing sa timeout at tabla sa 74-74, napunta ang bola sa libreng si Khate Castillo subalit nagmintis ang 3-points na may 9 na segundo sa orasan. Napilitang bigyan ni Afril Bernardino ng foul si Caca Martins na may 1.8 segundong nalalabi at ipinasok niya ang dalawang free throw para sa huling talaan. 


Bago noon, itinabla ni Bernardino ang laro sa 74-74 at 1:21 sa orasan. Nagbukas ang pinto para sa Gilas at isang free throw lang ang naipasok ni Aline Mouras, 75-74 at tumawag ng timeout si Coach Patrick Aquino para sa huling 20 segundo. 


Nanguna sa Brazil si 6’2” sentro Leticia Soares na may 15 puntos kahit hindi naglaro sa huling 1:30 matapos patawan ng ika-5 at huling foul at lamang ang Brazil, 74-73. Nasayang ang double-double ni Jack Danielle Animam na 18 puntos at 21 rebound. Nag-ambag ng 14 si Bernardino. 


Tinatapos kagabi ang laro ng Gilas at World #16 Hungary. Ginulat ng #25 Senegal ang mga Hungarian, 63-61, upang makibahagi sa maagang liderato kasama ang Brazil. 


Sa mga laro sa Grupo D, wagi ang host Rwanda sa Lebanon, 80-62 at Argentina kontra Gran Britanya, 53-47. Ang dalawang may pinakamataas na kartada sa bawat grupo ang tutuloy sa knockout crossover semifinals sa Sabado at finals sa Linggo. 


Haharapin ng mga Pinay ang Senegal sa Huwebes para sa huling laro simula 5 p.m., oras sa Pilipinas. Tanging ang kampeon ng torneo ang tutuloy sa qualifying para sa World Cup na gaganapin sa Berlin, Alemanya mula Set. 4 hanggang 13, 2026.  


 
 

ni MC @Sports | August 20, 2024


Sports News
Mapapalaban ang Gilas Women sa Brazil, Hungary at maging sa Senegal. (SBP pix)

Aaksiyon ang Gilas Pilipinas Women sa FIBA Women’s Basketball World Cup Pre-Qualifying Tournament sa  Kigali, Rwanda. Kauna-unahan ito sa   women’s national basketball team na sasabak sa labas ng FIBA Asia borders. 


Nasa ranked 40th ang Pilipinas, sa  women’s division ng FIBA at ka-grupo ang Brazil (8th), Hungary (16th), at Senegal (25th). Nakakuha ang Filipina ballers ng ticket sa Rwanda nang maka-sixth-place finish sa FIBA Women’s Asia Cup 2023 sa Australia noong Hunyo. 


Heavy underdog ang Gilas women sa torneo bilang may lowest-ranked competitor sa labas ng host Rwanda pero ayon kay coach Patrick Aquino at sa buong team na habang pinag-iibayo nila ang performance mula sa inihandang programa, ibig sabihin positibo sila sa kanilang estado.


Moving up the rankings means we’ll have to learn how to step outside our comfort zone,” ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas Executive Director Erika Dy. “Our Women’s Team has shown us they can be competitive in the region but there’s still a lot of work to be done to reach the next level." 


Ayon sa FIBA article, dalawang Pinay ballers ang dapat abangan sa hanay ng 8 teams - sina April Bernardino at Jack Animam. "Known for her athleticism and relentlessness to win, Afril is one of the best players I have seen in the country. Her constant will to learn and determination to work harder than anybody else has made her who she is now,” ani Aquino hinggil sa ace players. 


Haharapin ng Pilipinas ang Brazil sa August 19 ng 8pm. Kasunod ng  showdown kontra  Hungary sa August 20 ng 11pm. Paghahandaan din nila sa  group stage assignment ang  Senegal sa August 22 ng 5pm.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page