top of page
Search

ni BRT | May 3, 2023



ree

Umapela si dating Makati Vice Mayor Ernesto Mercado sa lokal na pamahalaan ng Taguig at Makati na magtulungan para magkaroon ng “smooth transition” kaugnay sa naging pinal na desisyon ng Supreme Court (SC) na nagtatakda na ang 729-hectare Fort Bonifacio Military Reservation sa Makati ay nasa hurisdiksyon ng Taguig City.


Nauna nang sinabi ni SC Spokesman Brian Keith Hosaka na bunsod ng ipinalabas na pinal na desisyon ng SC sa land dispute ay hindi na ito tatanggap ng anumang pleadings, motions, letters o anumang komunikasyon patungkol sa nasabing isyu.


Sa naging desisyon ng SC, sinabi nito ang Taguig ang siyang nakakasakop sa kinukuwestiyong teritoryo base na rin sa historical, documentary at testimonial evidence, sakop ng 729 hectare na hurisdiksyon ng Taguig City ang Fort Bonifacio kabilang dito ang Bgy. Pembo, Comembo, Cembo, South Cembo, West Rembo, East Rembo at Pitogo gayundin ang Philippine Army headquarters, Navy installation, Marines’ headquarters, Consular area, JUSMAG area, Heritage Park, Libingan ng mga Bayani, AFP Officers Village at 6 pang villages sa tabi nito.


Nakasaad din sa SC decision na ang Makati City ang magbabayad ng ginastos sa land dispute case.


 
 

ni Mylene Alfonso | March 30, 2023



ree

Ikinatuwa nina San Jose del Monte City Rep. Florida Robes at Mayor Arthur Robes ang resulta ng plebisito sa lungsod na ito para magtatag ng apat pang barangay sa lungsod.


Sinabi ni Robes, tagapangulo ng House committee on good government, na ang pagtatatag ng apat na barangay ay nagbibigay ng mas magandang serbisyo para sa mamamayan.


Nagsagawa ang Commision on Elections noong nakaraang linggo ng plebisito sa 43,771 rehistradong botante sa Bgy. Muzon kung saan 13,322 ang bumoto o 30.44 voter turnout.


Sa 13,322 na botante, 12,324 o 92.51 porsyento ang bumoto ng "oo" upang hatiin ang barangay sa apat -- Bgy. Muzon Proper, Bgy. Muzon East, Bgy. Muzon West at Bgy.

Muzon South.


Habang 969 o 7.27 porsyento lamang ang bumoto ng "hindi."


Ang Bgy. Muzon noong 2020, ay may populasyon na 127,506.


 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 5, 2022



Hello, Bulgarians! Malaking tulong sa bawat mamamayan ang magkaroon ng

makakatuwang upang lalong mapalakas ang peace and order ng bawat barangay

sa buong Pilipinas. Sa isang courtesy call ng grupong Task Force Kasanag (TFK)

International sa pangunguna ni TFK Founder-President John J. Chiong, kasama ang

ilang opisyal ng TFK ay nabigyan ang grupo ng pagkakataon upang makausap si

Department of the Interior and Local Government (DILG) Barangay Affairs

Undersecretary Felicito Valmocina sa kanyang tanggapan sa Barangay Holy Spirit,

Quezon City, Lunes, Disyembre 5, 2022.


ree

Isa na namang magandang adhikain ang nagawa ni Chiong para sa grupong TFK

dahil sa ibinigay na recognition at partnership ng pinuno ng DILG-Barangay Affairs.

Sa pag-uusap nina Chiong at Valmocina, isa ang food sufficiency sa bawat

barangay sa buong bansa, ang lulutas dahil sa simpleng pagtatanin sa bawat

barangay ng mga mamamayan ay makakatulong ito sa bawat pamilya at maging

sa bawat miyembro ng TFK na magkaroon ng makakain sa hapag.


Sinabi ni Usec. Valmocina sa mga lider ng TFK na ilan sa maaaring itanim sa bawat

barangay ay ang mga gulay, kawayan, herbal, fruitberry at marami pang iba.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page