top of page
Search

ni BRT @News | September 4, 2023



ree

Mahigit 1.3 milyon ang naghain ng kanilang certificate of candidacy para sa mga posisyon sa ilalim ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sa huling bahagi ng taong ito.


Batay sa ulat, alas-11:30 ng umaga, Linggo, Setyembre 3, umabot sa 1,316,265 na mga aspirante ang naghain ng kanilang COC — 92,173 para sa posisyon sa punong barangay, 690,531 para sa sangguniang barangay member, 85,816 para sa SK chairperson, at 447,745 sa SK members.


Sa kabuoan, 65.43% ng mga aplikante ay lalaki, habang ang natitirang 34.57% ay babae.


Ang mga kandidato ay maglalaban para sa kabuuang 672,016 na puwesto — 42,001 punong barangay, 294,007 sangguniang barangay, 42,001 SK chairpersons, at 294,007 SK members.


Samantala, mayroong 2,085,142 na nagparehistro na mga botante para sa BSKE noong Enero 28, 2023, kabilang ang 2.076 milyon na dumaan sa regular na proseso, habang 8,651 ang naproseso sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project.



 
 

ni Mai Ancheta @News | August 28, 2023



ree

Epektibo na simula ngayong Lunes, Agosto 28, ang gun ban para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na itinakda sa Oktubre 30, 2023.


Nangangahulugan ito na bawal ang pagdadala ng baril simula ngayong araw hanggang Nobyembre 29, 2023, alinsunod sa resolusyong inilabas ng Commission on Elections para sa Ban on Firearms and Security Concerns.


Sa ilalim ng gun ban, bawal ang magdala ng baril sa labas ng bahay, trabaho at sa lahat ng pampublikong lugar.


Bawal din ang pagkuha ng serbisyo ng security personnel at bodyguards; o pag-transport at mag-deliver ng baril at explosives.


Ang mga lalabag dito ay may katapat na kulong mula isang taon hanggang anim na taon at hindi na makakaboto kahit kailan.


Ang mga exempted sa gun ban ay iisyuhan ng Certificates of Authority.


Magsisimula na ring tumanggap ang Comelec ng certificates of candidacy ngayong araw at magsisimula ang campaign period mula Oktubre 19 hanggang 28.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page