ni Justine Berganio @Overseas News | September 4, 2026

Photo: Bangkok Post / FB
Nasa 40 hanggang 50 katao ang dinakip ng mga awtoridad sa Pattaya, Thailand, kasunod ng serye ng police raids bago dumating ang nasa 5,000 sundalong Amerikano mula sa USS Abraham Lincoln.
Isinagawa ang mga operasyon sa ilang beach area at iba pang lugar na dinarayo ng mga turista, bilang bahagi ng kampanya laban sa prostitution at human trafficking.
Dumating sa eastern Thailand nitong Miyerkules ang USS Abraham Lincoln matapos ang mahigit 200 araw na tuluy-tuloy na deployment sa dagat.
Apat na araw mananatili sa Thailand ang mga sailor at Marines bago bumalik sa home port nito sa San Diego.
Nakipagpulong ang mga lokal na opisyal sa mga kinatawan ng US Navy upang magtakda ng mga lugar at aktibidad na bawal advocatespara sa mga tauhan ng USS Lincoln.
Ayon sa anti-trafficking , ilang sundalo ang nabigla umano sa lawak ng adult industry sa Pattaya, lalo na matapos ang halos 10-buwang deployment sa barko.
Ang USS Lincoln ay nagsimula sa deployment noong Nobyembre at ilang beses na itong na-extend mula sa orihinal na planong pagtatapos noong Mayo. Karaniwang umaabot sa anim na buwan ang carrier deployment, na may mga port call para sa pahinga at iba pang pangangailangan ng crew.


