top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | August 3, 2023




Umabot na sa mahigit 7 bilyong piso ang naitalang pinsala ng Super Typhoon Egay at Habagat sa mga imprastraktura sa Cordillera Administrative Region, Ilocos region, Cagayan Valley, at Central Luzon.


Sa report ng Department of Public Works and Highways, sa flood-control structures naitala ang pinakamalaking pinsala na umabot sa P5.6B, P1.2B sa mga kalsada at P162.6M naman sa mga tulay.


Sa Cordillera Administrative Region, 9 pa ang nananatiling hindi passable sa mga motorista kabilang sa mga apektado ay sa Abra, Apayao, Mt. Province, Kalinga at Ifugao.


Sa Region 1 ay apektado pa sa Ilocos Sur, at Pangasinan.


Sa Region 3 naman ay sa Pampanga.


May 11 kalsada naman sa CAR, Regions 1, 3 at 6 ang may limited access sa mga motorista dahil pa rin sa nag-collapse na lupa, road slip, rockslide, landslide at baha.



 
 

ni Gina Pleñago @News | August 1, 2023




Nagbigay ang European Union ng mahigit P30 milyong halaga na tulong para sa mga biktima ng Bagyong Egay sa Pilipinas at para masuportahan ang relief efforts ng bansa.


Ayon sa EU, layunin ng naturang pondo na makapagbigay ng life saving asssistance kabilang ang emergency shelter at shelter repair, malinis na tubig at sanitation para sa matinding sinalanta ng bagyo sa Regions 1 (Cagayan Valley), Region 2 (Ilocos Region), at Cordillera Administrative Region.


Ipinaabot din ni EU Commissioner for Crisis Management Janez Lenarčič ang agaran at walang patid na suporta ng EU sa mamamayang Pilipino kasunod ng pananalasa ng bagyo na nagresulta ng matinding pinsala at pagkawala ng mga buhay.



 
 
  • BULGAR
  • Jul 31, 2023

ni Mai Ancheta @News | July 31, 2023




Kasama na sa listahan ang lalawigan ng Bataan na inilagay sa state of calamity dahil sa iniwang pinsala ng Super Typhoon Egay na sinundan ng Bagyong Falcon na nagpalala sa mga pagbaha sa ilang bayan sa lalawigan.


Ayon kay Bataan Gov. Joet Garcia, pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ang Resolution No. 321 na nagdedeklara ng state of calamity sa Bataan dahil sa mga pagbaha sa mababang lugar at pagkasira ng mga imprastraktura at ng agrikultura.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page