top of page
Search
  • BULGAR
  • Jul 29, 2023

ni BRT @News | July 29, 2023




Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nadagdagan pa ang bilang ng mga napaulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Egay.


Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng ahensya kahapon, pumalo na sa 13 ang bilang ng iniwang patay ng naturang bagyo.


Mula sa naturang bilang, anim ang beripikado na kung saan 5 ang naitala sa CAR, habang ang isa naman ay nagmula sa Region 6.


Sa ngayon, nasa pitong mga napaulat na nasawi naman ang kasalukuyan pang isinasailalim ng kagawaran sa validation.


Samantala, iniulat din ng NDRRMC na mayroon din itong naitalang 12 indibidwal na nasugatan, habang 20 katao naman ang napaulat na nawawala.



 
 

ni Mai Ancheta @News | July 29, 2023




Inilagay sa state of calamity ang mga lalawigan ng Abra at Mountain Province dahil sa matinding pinsalang iniwan ng Bagyong Egay.


Inaprubahan ng sangguniang panlalawigan ng nabanggit na mga lugar ang rekomendasyon ng kanilang disaster councils na magdeklara ng state of calamity upang mapabilis ang relief at rehabilitasyon ng mga iniwang pinsala ng kalamidad.


Batay sa report ng Mountain Province Disaster Office, nag-iiwan ng tinatayang P350 milyong halaga ng pinsala sa mga pananim at ari-arian ang Bagyong Egay sa 10 munisipalidad.


Maraming mga bahay at mga pananim ang nalubog sa baha sa Abra bukod pa sa mga imprastrakturang napinsala dahil sa bagyo.


Naunang nagdeklara ng state of calamity ang lalawigan ng Ilocos Norte at Dagupan City dahil sa matinding pinsalang idinulot ng bagyo.



 
 

ni Mai Ancheta @Weather News | July 28, 2023




Isa na namang namumuong sama ng panahon ang namataan ng PAGASA na posibleng pumasok sa bansa.


Malaki ang posibilidad na maging bagyo ito sa loob ng dalawang araw at maaaring pumasok sa bansa sa Sabado, July 29.


Ayon kay Benison Estareja, PAGASA weather specialist, wala pa itong direktang epekto sa bansa dahil nasa labas pa ito ng Philippine Area of Responsibility.


Sakaling makapasok aniya ito sa PAR at maging tropical depression, tatawagin itong 'Falcon'.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page