top of page
Search

ni Madel Moratillo / Mai Ancheta @News | July 31, 2023




Walo hanggang 11 bagyo pa ang tinatayang papasok sa Pilipinas hanggang sa katapusan ng taon.


Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Dr. Nathaniel Servando, aasahan ang mas malalakas na bagyo sa pagitan ng Setyembre at Oktubre.


Samantala, umabot na sa 16 ang naitalang nasawi dahil sa Super Typhoon Egay at sa Habagat. Sa report ng NDRRMC, may 52 naitalang sugatan habang 20 ang nawawala.


Pumalo naman na sa P5.9 bilyon ang naitalang pinsala sa imprastraktura at agrikultura.


Nasa 22 libong bahay naman ang nasira na tinatayang aabot sa P344K ang halaga. May mahigit 1 milyong residente naman ang naapektuhan ng Bagyong Egay sa 13 rehiyon ng bansa.


May 40 na lugar ang nagdeklara ng state of calamity dahil kay 'Egay' at Habagat.



 
 
  • BULGAR
  • Jul 30, 2023

ni BRT @News | July 30, 2023




Lalo pang lumakas ang Bagyong Falcon habang nananatili sa Philippine waters.

Huli itong namataan sa layong 1,205 km sa silangan ng Central Luzon.


Kumikilos ang bagyo nang pahilaga kaya hindi ito inaasahang tatama sa alinmang

bahagi ng bansa.


Taglay ni 'Falcon' ang lakas ng hangin na 75 km/h malapit sa gitna at may pagbugsong 90 km/h.


Ito na ang ikaanim na sama ng panahon na pumasok sa Philippine area of responsibility.



 
 

ni Mai Ancheta @News | July 30, 2023




Nag-iwan ng pinsalang tinatayang dalawang bilyong pisong halaga ng mga istruktura at produktong agrikultura ang Super Typhoon Egay matapos manalasa sa ilang lugar sa bansa.


Batay sa inisyal na pagtaya ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa mahigit P1,101,137,970 ang mga nasirang istruktura habang nasa mahigit P833 milyon ang nalugi sa agrikultura.


Ayon kay NDRRMC Spokesman Edgar Posadas, inaasahang tataas pa ang halaga ng pinsalang iniwan ng Bagyong Egay dahil mayroon pa silang bina-validate na impormasyon sa Region 1.


Umabot na rin sa 14 ang opisyal na naitalang namatay dahil sa pananalasa ng bagyo, at

hindi kasama ang mga nasawi sa lumubog na passenger boat sa Binangonan, Rizal.


Marami rin ang naitalang nawawala kabilang ang apat na personnel ng Philippine Coast Guard (PCG) at pitong crew ng isang tugboat na kanila sanang sasaklolohan sa Aparri, Cagayan.


Siyam katao rin ang naiulat na nawawala dahil sa Bagyong Egay sa mga lalawigan ng Benguet, Abra, at Apayao.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page