top of page
Search

ni Lolet Abania | March 22, 2021




Pumanaw na si Kabayan, Benguet Mayor Faustino Aquisan dahil sa cardiac arrest sa edad na 61 nitong Linggo nang umaga.


Ayon sa kaanak ng alkalde, isinugod siya sa isang ospital sa Baguio City noong Sabado nang gabi at namatay kinabukasan.


"Actually, he was strong.


We came from Kabayan on Friday, and then biglang noong Saturday, 'yun na. He was attended kaagad naman. All the necessary things to do where undertaken," ayon sa kapatid ng mayor na si Virginia Sagpatan.


Isinailalim ang alkalde sa test sa COVID-19 at lumabas na positibo ito sa virus.


Agad namang isinailalim sa cremation ang kanyang labi at dinala sa Kabayan.


Nagsagawa na ng contact tracing upang alamin ang mga nakasalamuha ng pumanaw na mayor.


Nagsilbi si Aquisan bilang alkalde ng nasabing bayan sa loob ng tatlong termino.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 22, 2021




Ipinagbawal ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagpasok ng mga turista mula sa National Capital Region (NCR) at karatig-lugar nito simula ngayong araw bilang pagsunod sa travel restrictions dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.


Saad ni Magalong, "Because of this recent issuance of Resolution 104 by IATF, we will also make the necessary adjustments... hindi tayo tatanggap ng tourists coming from NCR and some parts of Regions III and IV, specifically Rizal, Bulacan, Cavite, and Laguna. "That comprises about 70% of our visitors.


So we're expecting a downtrend of our visitors especially this Holy Week and that's one way of controlling mobility.


We need to control mobility."


Kamakailan ay ibinaba ng pamahalaan ang IATF Resolution No. 104 kung saan napapaloob ang bagong travel restrictions paalis at papasok ng Metro Manila, Laguna, Cavite, Rizal, at Bulacan kung saan ipinagbabawal na ang mga non-essential travel simula ngayong March 22 hanggang April 4 dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.


 
 

ni Lolet Abania | February 20, 2021




Muling nakapagtala ng pinakamababang temperatura ang Baguio City ngayong Sabado nang umaga.


Ayon kay PAGASA-Baguio weather specialist Letty Dispo, alas-6:40 ng umaga ngayong Sabado ay naitala ang 9.5 degrees Celsius na temperatura sa nasabing lungsod.


Base pa sa radar station ng PAG-ASA-Baguio, ang temperatura naman sa La Trinidad, Benguet ay umabot sa 10.8 degrees Celsius habang sa Mount Santo Tomas, Tuba, Benguet ay mahigit sa 7 degrees Celsius.


Mas mababa naman ang temperatura sa ilang bayan sa Benguet, Mountain Province at Ifugao dahil sa pagkakaroon ng mas mataas na elevation ng mga lugar.


Matatandaang Enero 30 ngayong taon, nakapagtala na ang Baguio City ng 9.4 degrees Celsius na pinakamababang temperatura sa lungsod.


Ipinaliwanag din ni Dispo na dahil sa aktibo ang northeast monsoon o amihan kaya nagdudulot ng mababang temperatura sa buong siyudad. Aniya pa, inaasahang magtatagal ito hanggang sa unang linggo ng Marso.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page