top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 4, 2022


Dear Chief Acosta,

Nagtatrabaho ako nang arawan sa iba’t ibang sakahan dito sa aming probinsiya. Ang ibinibigay po nilang sahod ay hindi magkakaparehas. May iba na nagbibigay nang mas mababa pa sa minimum wage sa aming lugar. Ngayon, nais ko pong malaman kung ang mga magsasaka bang arawan ang trabaho ay hindi sakop ng minimum wage requirement na isinaad ng ating batas.


Liam



Dear Liam,

Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Section 26 ng Republic Act No. 7607 o An Act Providing A Magna Carta Of Small Farmers. Nakasaad dito na:


“Sec. 26. Minimum Wage. — Rural workers including regular farm workers shall be

entitled to wage levels prescribed by the Regional Tripartite Wages and Productivity Board pursuant to Republic Act Numbered Sixty-seven hundred and twenty-seven. Contract workers or seasonal farmworkers shall also be entitled to minimum wages unless they receive higher wages under the terms of their contracts.” (Binigyang-diin)

Samakatuwid, ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ang mga nagtatrabaho sa sakahan, kahit pa arawan ang kanilang kontrata, ay may karapatang mabigyan ng sahod na hindi bababa sa pinakamababang requirement ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board. Maliban na lamang kung ang ibinibigay na sahod sa mga arawang magsasaka, ayon sa kanilang kontrata, ay mas mataas sa minimum na requirement ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board, hindi ito dapat mas mababa sa aprubadong wage rate para sa kanilang trabaho sa partikular na lugar.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan.


Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 3, 2022


Bagama't ang ari-arian ng mag-asawa ay nahahati nang pantay sa pagitan nilang mag-asawa ayon sa batas na sumasaklaw sa relasyon ng mag-asawa at ng mga pag-aaring napundar nila sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa, hindi ito nangangahulugan na hindi na maituturing na tagapagmana ang asawang naiwan dahilan sa namatay na ang kanyang kabiyak.


Ayon sa batas, bukod sa bahagi ng naiwang asawa ng isang yumao sa mga conjugal o absolute properties, ang nabalong asawa ay may karapatang magmana ng mga ari-ariang naiwan ng kanyang asawa na bahagi ng hereditary estate.


Ang surviving spouse na ito ay ang legal na asawa sapagkat hindi kinikilala rito sa Pilipinas ang common-law relationship o ang pagsasama nang walang kasal.


Ang karapatang magmana ng nasabing surviving spouse ay nakapaloob sa Articles 995 hanggang 1002, Book III ng Civil Code of the Philippines.

Kapag walang naiwanang lehitimong anak o magulang at hindi lehitimong anak at kanilang mga inapo, lehitimo man o hindi ang yumao, ang asawang buhay ay magmamana ng buong kayamanan ng namatay.


Kung nagkaroon naman ang mag-asawa ng legal separation at ang surviving spouse ang pinagmulan ng sanhi ng kanilang paghihiwalay, ang nasabing surviving spouse ay hindi magmamana sa kanyang namatay na asawa.


Kapag kasamang magmamana ng surviving spouse ang kanyang mga lehitimong anak sa kanyang yumaong asawa, ang kanyang bahagi ay katumbas ng bahagi ng bawat anak. Kung iisa ang anak paghahatian nila itong dalawa (2) nang pantay.


Ang ikaapat (1/4) na bahagi ng hereditary estate ay mapupunta sa surviving spouse kapag kasama niyang magmamana ang lehitimong magulang at hindi lehitimong anak ng kanyang asawa. Ang kalahati (1/2) ay mapupunta sa mga magulang at ang natitirang ikaapat (1/4) na bahagi ay mapupunta sa hindi lehitimong anak.


Kapag wala silang anak ng kanyang namatay na asawa subalit naiwang buhay ang mga magulang nito, ang bahagi ng surviving spouse sa mana ay kalahati (1/2) at ang natitirang kalahati (1/2) ay mapupunta sa mga lehitimong magulang ng kanyang asawa.


Kung ang kasamang tagapagmana ng surviving spouse ay kapatid o pamangkin ng kanyang yumaong asawa, ang mga nasabing kapatid at pamangkin ay magmamana ng kalahati (1/2) ng buong kayamanan. Kalahati (1/2) ang magiging bahagi ng buhay na asawa.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | April 2, 2022


Dear Chief Acosta,

Ako po ay may kapitbahay na laging nakikiparada sa aming harapan. Dahil po rito ay wala na kaming maparadahan ng aming sariling sasakyan. Matapos ang makailang ulit naming pagtatalo ako ay napikon na nang minsan niya ‘kong sabihan:


“Magsumbong ka sa Barangay kung gusto mo!” Dahil dito ay sinabihan ko siya ng “Tara!” At sinabi niyang bitbitin ko diumano siya kung kaya ko. Kaya ako po ay lumapit sa kanya at hinawakan ko po siya sa kwelyo at umastang kakaladkarin ko siya sa Barangay. Dahil dito ay nagpumiglas siya at napunit ang kanyang damit. Inawat kami ng mga kapitbahay na nakapaligid. Ngayon po ay sinasabihan niya akong maghanda dahil kakasuhan diumano po niya ako ng Grave Coercion. Tama po ba ito?

Mic-Mic


Dear Mic-Mic,

Ang sagot sa inyong katanungan ay tinugon ng Korte Suprema sa kasong Joseph Anthony M. Alejandro, et al. vs. Atty. Jose A. Bernas, et al. (G. R. No. 179243, Sept. 7, 2011, Ponente:Honorable Former Chief Justice Diosdado M. Peralta). Ayon sa nasabing desisyon, ang mga elemento ng krimeng Grave Coercion ay:


“1. that a person is prevented by another from doing something not prohibited by law, or compelled to do something against his will, be it right or wrong;

2. that the prevention or compulsion is effected by violence, threats or intimidation; and

3. that the person who restrains the will and liberty of another has no right to do so, or in other words, that the restraint is not made under authority of law or in the exercise of any lawful right.”


Ayon sa nasabing desisyon, ang pagpilit sa isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kalooban, ito man ay tama o mali, sa pamamagitan ng paggamit ng dahas, pagbabanta, o pananakot, ay papasok sa krimeng Grave Coercion.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page