top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | Enero 9, 2024

 

Dear Chief Acosta,


Ako ay may nakasagutan sa Facebook Messenger. Marami akong nabitawang masasakit na salita sa kanya bugso ng aking damdamin. Nang matapos ang aming pag-uusap ay binantaan ako ng aking kaaway na kakasuhan niya ako ng cyber libel dulot ng aking mga mapanakit na salita. Cyber libel na ba talaga agad ang pakikipag-away ngayon sa private messaging apps online? - Melanie


Dear Melanie,


Para sa iyong kaalaman, mayroong batas na nakasasaklaw sa iyong katanungan. Ayon sa Section 4(c)(4) ng Republic Act No. 10175 o ang “Cybercrime Prevention Act of 2012”:


“Section 4. Cybercrime Offenses. — The following acts constitute the offense of cybercrime punishable under this Act:

 x x x

 (c) Content-related Offenses: x x x

 (4) Libel. — The unlawful or prohibited acts of libel as defined in Article 355 of the Revised Penal Code, as amended, committed through a computer system or any other similar means which may be devised in the future.”

 

Kaakibat ng probisyong ito, nakasaad sa Articles 353 at 355 ng Revised Penal Code ang kahulugan ng Libel at kung paano ito ginagawa:

 

“Art. 353. Definition of libel. — A libel is public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead. x x x

 

Art. 355Libel means by writings or similar means. — A libel committed by means of writing, printing, lithography, engraving, radio, phonograph, painting, theatrical exhibition, cinematographic exhibition, or any similar means, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods or a fine ranging from 200 to 6,000 pesos, or both, in addition to the civil action which may be brought by the offended party.”


Sang-ayon sa mga nabanggit na batas, ang Libel ay paninirang-puri na inilabas sa publiko upang ang taong tinutukoy ay mapahiya. Kapag ang paninirang-puri ay ginawa sa pamamagitan ng computer system, tulad ng paggamit ng online platform na Facebook, ito ay makokonsidera na bilang Cyber Libel.


Sa iyong sitwasyon, ang pribado ninyong pag-uusap ng iyong kaaway, hangga’t ito ay namamagitan sa inyong dalawa lamang at hindi inilabas sa publiko, ay hindi makokonsidera na Libel, o Cyber Libel.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 19, 2023


Dear Chief Acosta,

 

Tinanggal sa trabaho ang kaibigan ko dahil sa ilang beses niyang pagsuway sa mga utos at patakaran ng kanilang pribadong kumpanya. Bagaman aminado siya sa pagiging pasaway niya, tila hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag o hindi tinanggap ang paliwanag niya. Sa totoo lamang, hindi malinaw ang bersyon ng kuwento niya.  


Magkaganunpaman, pumirma siya ng quitclaim na kung saan diumano ay nagbigay sa kanya ng kaunting panggastos ang kanilang kumpanya. Natanggap na niya iyon at sa katunayan ay nagastos na nga niya. Ngunit, iniisip niya pang magreklamo sa Labor. May bisa ba ang quitclaim na pinirmahan niya? O, may laban pa ba siya? -- Bruno

 

Dear Bruno,

 

Ang tahasang pagsuway ng manggagawa sa mga makatarungang utos at patakaran ng kanyang employer ay isang basehan upang siya ay matanggal sa trabaho. Alinsunod sa Artikulo 297 (dating Artikulo 282) ng Labor Code of the Philippines:

 

“ART. 297 [282]. TERMINATION BY EMPLOYER. – An employer may terminate an employment for any of the following causes:

 

(a) Serious misconduct or willful disobedience by the employee of the lawful orders of his employer or representative in connection with his work; x x x”

 

Subalit, ang manggagawa ay hindi dapat basta na lamang tatanggalin sa kanyang trabaho.  Kinakailangan na mabigyan siya ng sapat na paunawa o notice: (1) ang una ay nagbibigay ng abiso sa empleyado kaugnay sa dahilan o basehan na maaari niyang ikatanggal; at (2) hiwalay na notice na nagpapaalam sa empleyado ng desisyon ng kanyang employer na tanggalin siya. Ito ay ang tinatawag na “two-notice rule.”

 

Nabanggit mo na pumirma ang iyong kaibigan sa isang quitclaim. Ito ay sa kabila ng alegasyon niya na diumano ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag o hindi tinanggap ang paliwanag niya. Para sa kaalaman ng lahat, hindi labag sa batas ang quitclaim. Tulad ng ibang uri ng mga kasunduan, mayroon itong bisa kung ito ay kusang loob na pinasok ng mga partido at makatwiran ang nilalaman nito batay sa kabuuang sirkumstansya ng mga partido. Binigyang-diin ng Korte Suprema, sa panulat ni Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, sa kasong Jose R. Dela Torre vs. Twinstar Professional Protective Services, Inc. (G.R. No. 222992, June 23, 2021) ang sumusunod:

 

x x x Aujero v. Philippine Communications Satellite Corporation reiterated the standards that must be observed in determining whether a waiver and quitclaim has been validly executed:

 

Not all waivers and quitclaims are invalid as against public policy.  If the agreement was voluntarily entered into and represents a reasonable settlement, it is binding on the parties and may not later be disowned simply because of a change of mind.  It is only where there is clear proof that the waiver was wangled from an unsuspecting or gullible person, or the terms of settlement are unconscionable on its face, that the law will step in to annul the questionable transaction. But where it is shown that the person making the waiver did so voluntarily, with full understanding of what he was doing, and the consideration for the quitclaim is credible and reasonable, the transaction must be recognized as a valid and binding undertaking.

 

Gayunpaman, binigyang-diin din ng Korte Suprema sa nabanggit na desisyon na maaaring mapawalang-bisa ang isang quitclaim at pagbayarin ng danyos ang employer kung ang naturang kasunduan ay taliwas sa batas o pampublikong polisiya. Kaugnay nito, kinakailangan na mapatunayan ng iyong kaibigan na sadyang hindi siya binigyan ng notice kaugnay sa pagtanggal sa kanya sa tungkulin, na hindi siya nabigyan ng sapat na pagkakataon na magpaliwanag ukol dito, o na mayroong bahagi ng naturang quitclaim na taliwas sa batas o kaya naman ay labag sa pampublikong polisiya.

 

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.

 

Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | December 5, 2023


Dear Chief Acosta,


Isa sa mga benepisyo ko bilang kasambahay ang limang araw na leave bawat taon.


Ginamit ko ang lahat ng leave ko para magpatingin sa doktor at nalaman ko na may malubhang karamdaman ako. Hindi ako makaalis agad sa serbisyo dahil pumirma ako ng dalawang taong kontrata. Mayroon bang legal na paraan para wakasan ko ang aking kontrata bilang kasambahay?Adel


Dear Adel,


Para sa iyong kaalaman, nakasaad sa Seksyon 32 ng Republic Act No. 10361 o mas kilala sa tawag na “Domestic Workers Act” o “Batas Kasambahay,” na hindi maaaring wakasan ng kasambahay ang kontrata bago matapos ang termino nito maliban sa mga dahilan na ibinigay sa Seksyon 33 ng nasabing batas.


Kaugnay nito, ang Seksyon 33 ng nabanggit na batas ay nagbibigay ng mga dahilan para sa pagwawakas ng kasambahay ng kanyang serbisyo:


“SEC. 33. Termination Initiated by the Domestic Worker. – The domestic worker may terminate the employment relationship at any time before the expiration of the contract for any of the following causes:

(a) Verbal or emotional abuse of the domestic worker by the employer or any member of the household;

(b) Inhuman treatment including physical abuse of the domestic worker by the employer or any member of the household;

(c) Commission of a crime or offense against the domestic worker by the employer any member of the household;

(d) Violation by the employer of the terms and conditions of the employment contract and other standards set forth under this law;

(e) Any disease prejudicial to the health of the domestic worker, the employer, or member/s of the household; and

(f) Other causes analogous to the foregoing.”

Malinaw na nakasaad sa nasabing batas na maaaring wakasan ng kasambahay ang kanyang serbisyo, anumang oras bago matapos ang kontrata, dahil sa anumang sakit na makasasama sa kalusugan ng kasambahay, kanyang amo, o miyembro ng sambahayan.


Samakatuwid, ang legal na paraan para mawakasan mo ang iyong kontrata bilang kasambahay ay ipaalam mo sa iyong amo ang iyong malubhang karamdaman. May karapatan ka bilang kasambahay na wakasan ang iyong kontrata bago matapos ang termino nito dahil ikaw ay may malubhang sakit na makasasama sa iyong kalusugan.

Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page